• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Probinsya

Dalagang may kapansanan, nagtapos bilang cum laude sa Pangasinan

Liezle Basa by Liezle Basa
June 27, 2022
in Probinsya
0
Dalagang may kapansanan, nagtapos bilang cum laude sa Pangasinan
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

BAUTISTA, Pangasinan – Laking pasasalamat ni Grace Anne Cadosales, 22, nang matupad ang kanyang pangarap matapos makapagtapos bilang cum laude.

Pinatunayan ni Cadosales na hindi hadlang ang kapansanan upang maabot ang kanyang layunin nang magtapos sa kursong Bachelor of Science in Information Technology sa Perpetual Help of College sa Pangasinan noong Hunyo 9.

Inilahad ni Cadosales sa kanyang Facebook account ang mga pinagdaanan nito habang nag-aaral.

“Nong unang beses akong in-enroll ni mama sa school hindi ako tinanggap kasi raw hindi ako normal at maaaring maging pabigat lang ako sa klase. Sa early stage na iyon ng buhay ko, nakita ko na kung ano ba ang totoong kulay ng mundo sa mga tulad kong PWD. Hindi pala lahat tanggap ako,” lahad ni Cadosales.

Gayunman, hindi pa rin tumigil ang ina nito sa paghahanap ng paaralang tatanggap sa kanya.

“Ginawa lahat ni mama ang paraan ma-enroll lang ako, tinulungan siya ng isang kong doctor/therapist na ipaglaban karapatan kong makapag aral. And finally tinanggap na din ako sa pangalawang pagkakataon,” dugtong nito.

Sa kabila nito, hindi pa rin natapos ang kanyang paghihirap.

“May times na may na-encounter akong mga grupo noon ng mga magulang na sinasabi nila “bakit pa ako nag aral” “baka maging pabigat lang ako at maapektuhan ang klase.” May mga bata din noon na pinag tatawanan kalagayan ko,” pagbibigay-diin nito.

“Sa mga panahon na iyon, sinabi ko sa sarili ko na, “Ok lang, may purpose si Lord kung bakit ako napili niya.”

Gayunman, nang makapanayam ng manunulat na ito, binanggit nito na naging matapang na siya sa pagharap ng mga pagsubok sa buhay sa pamamagitan ng pananalig sa Diyos.

Ito rin aniya ang nagbigay ng patnubay upang maabot nito ang kanyang pangarap.

Nitong Hunyo 13, natanggap na si Cadosales sa trabaho sa isang surveying office sa kanilang bayan.

Previous Post

ROTC bill, ihahain ulit ni Dela Rosa

Next Post

Xian Gaza kay Dennis Padilla: ‘Yung Father’s Day greeting ay hindi hinihingi sa mga anak, ine-earn yan’

Next Post
Xian Gaza kay Dennis Padilla: ‘Yung Father’s Day greeting ay hindi hinihingi sa mga anak, ine-earn yan’

Xian Gaza kay Dennis Padilla: 'Yung Father's Day greeting ay hindi hinihingi sa mga anak, ine-earn yan'

Broom Broom Balita

  • 30 bahay, nasunog sa Pasay City
  • 140,000 sakong ‘puslit’ na asukal, naharang sa Subic
  • ₱220M asukal, nadiskubre sa 2 bodega sa Bulacan
  • 150,000 metriko toneladang asukal, puwede nang angkatin –Malacañang
  • Love wins! Songwriter ng campaign songs ni Leni, magpapakasal sa kaniyang partner sa Australia
30 bahay, nasunog sa Pasay City

30 bahay, nasunog sa Pasay City

August 19, 2022
140,000 sakong ‘puslit’ na asukal, naharang sa Subic

140,000 sakong ‘puslit’ na asukal, naharang sa Subic

August 19, 2022
₱220M asukal, nadiskubre sa 2 bodega sa Bulacan

₱220M asukal, nadiskubre sa 2 bodega sa Bulacan

August 19, 2022
Utos na umangkat ng 300K metriko toneladang asukal, illegal — Malacañang

150,000 metriko toneladang asukal, puwede nang angkatin –Malacañang

August 18, 2022
Love wins! Songwriter ng campaign songs ni Leni, magpapakasal sa kaniyang partner sa Australia

Love wins! Songwriter ng campaign songs ni Leni, magpapakasal sa kaniyang partner sa Australia

August 18, 2022
Maggie, di aatras sa mga kaso; lalaban di lang sa sarili kundi para sa kababaihan, kabataan

Maggie, di aatras sa mga kaso; lalaban di lang sa sarili kundi para sa kababaihan, kabataan

August 18, 2022
Mabalacat City, all set na para sa face-to-face classes sa Agosto 22

Mabalacat City, all set na para sa face-to-face classes sa Agosto 22

August 18, 2022
Alice Dixson, pumalag sa bashers ng pagsusuot niya ng yellow gown sa GMA Thanksgiving Gala Night

Alice Dixson, pumalag sa bashers ng pagsusuot niya ng yellow gown sa GMA Thanksgiving Gala Night

August 18, 2022
Donnalyn Bartolome, hindi na raw natuto sey ng netizens

Donnalyn sa mga bumatikos sa kanya: ‘Bawal na ba maging ako? Nagpapakatotoo lang ako’

August 18, 2022
DJ Chacha, ‘ghinosting’ ng insurance agent: ‘After mabigay bayad parang hindi n’yo na ‘ko kilala’

DJ Chacha, ‘ghinosting’ ng insurance agent: ‘After mabigay bayad parang hindi n’yo na ‘ko kilala’

August 18, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.