• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Anabelle, prangkang nagkomento tungkol sa buttocks augmentation; Vice Ganda, tinamaan?

Raymond Lumagsao by Raymond Lumagsao
June 27, 2022
in Showbiz atbp.
0
Anabelle, prangkang nagkomento tungkol sa buttocks augmentation; Vice Ganda, tinamaan?

Screengrab mula sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel/Anabelle Rama (kaliwa); Vice Ganda (kanan)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Umalma maging si Meme Vice Ganda sa panibagong talak ng talent manager na si Anabelle Rama sa isang contestant sa “It’s Showtime,” kung saan walang preno itong nagkomento ukol sa pagpapa-enhance ng puwet na nauuso aniya ngayon.

Nagbabalik bilang hurado sa segment na “Showtime Sexy Babe” ang Cebuana celebrity mom na si Anabelle nitong Lunes.

Kagaya ng mga previous episodes ay isa na namang prangkang komento ang binitawan ng talent manger sa isang Sexy Babe contestant.

“Maganda ka, nakikita ko paglabas mo pa lang sa TV. Telegenic ka. Maganda ka magsalita, loud and clear. Maganda ang height mo. Isa lang ang problema mo day,” saad ni Anabelle sa unang contestant na si Kim.

Dagdag niya, may pag-asang pumasok sa mga beauty pageants si Kim sa alindog nito.

May ilang payo naman ang talent manager sa aspiring beauty queen.

“Nag-work out ka ‘di ba nakalagay dito, dagdagan mo pa. ‘Pag labas mo napansin ko ‘yung braso mo ang nipis-nipis, so kailangan ka mag-ano [workout] para lumaki ba. Proportions [ang] katawan mo,” sey ni Anabelle.

Hindi pa rito nagtapos ang komento ng celebrity mom na parehong ikina-tense ng hosts at mga anak na kapwa hurado ng segment.

“Isa pa napansin ko sa’yo, ‘yung butt mo, ‘yong puwet mo. Kulang ka doon. ‘Di ko sinabing magpagawa ka kasi magpagawa ka panget. Kasi ang fake para kang nagdala ng unan sa likod mo,” prangkang saad ng talent manager na agad inalmahan ni Meme.

“Preno-preno naman Tita Anabelle ang sakit naman nang ‘pag nagpagawa…grabe heart-shaped ‘to,” pabiro at natatawang saad ni Vice na aminadong nagpa-enhance ng kaniyang puwet.

“Kasi marami akong nakikita ngayon para maging sexy sila, naglalagay sila pero di maganda tignan. Halatang-halatang fake,” segunda pa ni Anabelle.

Sunod na dinepensahan ng host ang komento ni Anabelle na tila taliwas sa kasalukuyang tema ng body positivity.

“Makikita mo talaga ang point of view ng iba-ibang henerasyon,” saad ni Vice habang idinagdag na maraming may nanay ang hindi pa bukas sa enhancement na kasalukuyan namang niyayakap ng makabagong henerasyon.

Hindi naman mapigilang parehong ma-tense ng magkapatid na si Ruffa at Raymond sa kanilang mom na kilala sa mga prangkang komento nito.

Tags: Anabelle RamaIt's ShowtimeShowtime Sexy Babevice ganda
Previous Post

Rabiya, umawra sa IG photos, may makahulugang hirit: ‘Hi! Ako pala yung sinaing mo!’

Next Post

‘Alab For Love’ Pride Festival sa QC kamakailan, dinaluhan ng 25,000 katao

Next Post
‘Alab For Love’ Pride Festival sa QC kamakailan, dinaluhan ng 25,000 katao

‘Alab For Love’ Pride Festival sa QC kamakailan, dinaluhan ng 25,000 katao

Broom Broom Balita

  • Darryl Yap, napa-react sa balak ni Joel Lamangan; may sagot sa karaniwang paratang ng bashers
  • Kamamatay lang ng nanay puma-party na raw; Bianca Rogoff, rumesbak sa basher
  • Huling kanta ni Emman Nimedez na ‘Simula,’ nagpaluha sa fans
  • Panloloko ng isang lalaki sa nobya nito, inanunsyo sa full-page ad ng isang dyaryo
  • BSKE, nakatakdang ganapin sa Disyembre 2023 matapos kanselahin ngayong taon
Darryl Yap, napa-react sa balak ni Joel Lamangan; may sagot sa karaniwang paratang ng bashers

Darryl Yap, napa-react sa balak ni Joel Lamangan; may sagot sa karaniwang paratang ng bashers

August 17, 2022
Kamamatay lang ng nanay puma-party na raw; Bianca Rogoff, rumesbak sa basher

Kamamatay lang ng nanay puma-party na raw; Bianca Rogoff, rumesbak sa basher

August 17, 2022
Huling kanta ni Emman Nimedez na ‘Simula,’ nagpaluha sa fans

Huling kanta ni Emman Nimedez na ‘Simula,’ nagpaluha sa fans

August 17, 2022
Panloloko ng isang lalaki sa nobya nito, inanunsyo sa full-page ad ng isang dyaryo

Panloloko ng isang lalaki sa nobya nito, inanunsyo sa full-page ad ng isang dyaryo

August 17, 2022
Comelec, nangako: Magiging mas transparent sa paghahanda para sa eleksyon

BSKE, nakatakdang ganapin sa Disyembre 2023 matapos kanselahin ngayong taon

August 16, 2022
PDEA chief, pabor sa death penalty para sa mga big-time drug trafficker

PDEA chief, pabor sa death penalty para sa mga big-time drug trafficker

August 16, 2022
Xian Gaza sa birthday party ni Donnalyn: ‘Ito’y isang malaking insulto sa mga taong hirap na hirap na sa buhay’

Xian Gaza sa birthday party ni Donnalyn: ‘Ito’y isang malaking insulto sa mga taong hirap na hirap na sa buhay’

August 16, 2022
Alegasyon ng pag-abuso sa PHSA, iimbestigahan ng DepEd at NBI

Displaced students ng CDSL, tutulungan ng DepEd na makahanap ng lilipatang paaralan

August 16, 2022
Itinaon sa Father’s Day: 80 taong gulang na ama, nag-suicide sa Cagayan?

Driver ng jeepney, naidlip habang nagmamaneho; 4 na sasakyan, inararo!

August 16, 2022
Mayor Honey: Mga mag-aaral sa Maynila, ligtas sa COVID-19 at dengue

Mayor Honey: Mga mag-aaral sa Maynila, ligtas sa COVID-19 at dengue

August 16, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.