• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Hindi itinuring na kakampi ng pamahalaan: Team VP Leni, humusay, natutong humanap ng paraan

Richard de Leon by Richard de Leon
June 26, 2022
in Balita, National, National / Metro
0
Hindi itinuring na kakampi ng pamahalaan: Team VP Leni, humusay, natutong humanap ng paraan

outgoing Vice President Leni Robredo at RMN anchor Ely Saludar (Screengrab mula sa BISErbisyong LENI)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ibinahagi ni outgoing Vice President Leni Robredo sa kaniyang Facebook page ngayong Hunyo 26, na huling episode na ng kaniyang radio program na “BISErbisyong LENI” na umeere sa RMN.

“Last episode of Biserbisyong Leni today. It was a good run. We never expected to last for 5 years and we did!! Thank you, Ka Ely and RMN,” pasasalamat ni outgoing VP Leni.

“Looking back at how we started. Haha. This was when we were shooting for our pub mats. Sobrang yagit! Thank you, Jopau, Aica, Chari, Marvin, Patrick, Jose, Tin,” aniya pa.

Natanong din si VP Leni kung ano-ano ba ang mga natutuhan niya sa pagiging bise presidente ng bansa sa loob ng anim na taon. Aniya, talagang ang espesipikong tungkulin ng isang VP ay walang klarong mandato sa Saligang-Batas kundi “ceremonial” lamang.

Inisa-isa ni VP Leni ang mga nagawa ng OVP sa loob ng anim na taon sa kabila ng maliit na pondo.

“Mas gugustuhin namin mas madali, mas gugustuhin namin na ‘pag kailangan ng tulong ng opisina namin ay tutulungan kami. Pero dahil hindi kami tinuring na kakampi, hindi kami tinuring na bahagi ng pamahalaan… natuto kami. Natuto kaming maghanap ng paraan. To my mind, ‘yun ang nagpahusay sa amin kasi ‘pag mahirap nagiging mahusay ka. ‘Pag mahirap, naghahanap ka ng paraan,” ani outgoing VP Leni.

Nilayon daw talaga ng OVP na makakuha ng “unqualified opinion” status mula sa Commission on Audit o COA, bagay na nakamit naman nila. Naniniwala umano si Robredo na ang ikatatagumpay ng isang programa ay kung may tiwala ang mga tao na hindi ito pagmumulan ng katiwalian.

Nararapat na rin daw silipin ang pagkakaroon ng espesipikong mandato ng bise presidente sa Konstitusyon.

“Sayang… kung hindi ka masyadong creative, sayang yung opisina,” aniya.

Samantala, humingi naman siya ng permiso sa mga nagbigay ng mahigit 900 paintings sa kaniya noong kampanya na isasama ang mga ito sa fund-raising event para sa Angat Buhay NGO na ilulunsad sa Hulyo 1.

Tags: Office of the vice presidentoutgoing Vice President Leni RobredoRMN
Previous Post

Pamamahagi ng fuel subsidy sa Davao, sinimulan na!

Next Post

NCR, nakapagtala ng pinakamaraming bagong COVID-19 cases– OCTA

Next Post
Nabakunahan vs COVID-19 sa Caloocan City, umabot na sa 200K

NCR, nakapagtala ng pinakamaraming bagong COVID-19 cases-- OCTA

Broom Broom Balita

  • Kongreso, ‘wag matakot busisiin ang confidential funds ng OVP — De Lima
  • Donnalyn Bartolome, nominadong ‘Best Content Creator’
  • Viy Cortez, ‘kating-kati’ nang magpakasal kay Cong; Kidlat, na-ospital?
  • ‘Wrong grammar’ instructions sa isang post-nuptial shoot, kinaaliwan
  • Ivana at Andrea, may hugot: ‘Lagi na lang kaming pinaglalaruan’
Leila de Lima sa paggunita ng Ninoy Aquino Day: ‘Di pa tapos ang laban ni Ninoy’

Kongreso, ‘wag matakot busisiin ang confidential funds ng OVP — De Lima

September 27, 2023
Donnalyn Bartolome, nominadong ‘Best Content Creator’

Donnalyn Bartolome, nominadong ‘Best Content Creator’

September 27, 2023
Viy Cortez, ‘kating-kati’ nang magpakasal kay Cong; Kidlat, na-ospital?

Viy Cortez, ‘kating-kati’ nang magpakasal kay Cong; Kidlat, na-ospital?

September 27, 2023
Auto Draft

‘Wrong grammar’ instructions sa isang post-nuptial shoot, kinaaliwan

September 27, 2023
Ivana at Andrea, may hugot: ‘Lagi na lang kaming pinaglalaruan’

Ivana at Andrea, may hugot: ‘Lagi na lang kaming pinaglalaruan’

September 27, 2023
Ryan Bang, sasalang sa ‘Bubble Gang’

Ryan Bang, sasalang sa ‘Bubble Gang’

September 27, 2023
GMA Network, ipinaliwanag ang magiging papel ng AI sportscasters

GMA Network, ipinaliwanag ang magiging papel ng AI sportscasters

September 27, 2023
Mariel, nag-react sa aksidenteng pagbulaga ng ‘alaga’ ni Robin sa live selling

Mariel, nag-react sa aksidenteng pagbulaga ng ‘alaga’ ni Robin sa live selling

September 27, 2023
‘Alaga’ ni Robin nag-hello sa live selling ni Mariel; Ogie, may ‘patotoo’

‘Alaga’ ni Robin nag-hello sa live selling ni Mariel; Ogie, may ‘patotoo’

September 27, 2023
Vice Ganda, ‘namalengke’ ng kotse matapos maaksidente

Vice Ganda, ‘namalengke’ ng kotse matapos maaksidente

September 27, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.