• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Probinsya

4 patay, 1 pa nawawala sa tumaob na fishing boat sa Bataan

Rommel Tabbad by Rommel Tabbad
June 26, 2022
in Probinsya
0
4 patay, 1 pa nawawala sa tumaob na fishing boat sa Bataan

Mula sa kuha ni Joshua Añonuevo

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Patay ang apat na mangingisda at isa pa ang naiulat na nawawala matapos tumaob ang kanilang fishing boat sa karagatan ng Bataan kamakailan.

Kinikilala pa ng mga awtoridad ang apat na namatay. Inaalam pa rin ng pulisya ang pagkakakilanlan ng isa pang nawawalang mangingisda.

“Nag-verify ako, mayroon pa palang isang istasyon natin kung saan doon naka-receive ng report. ‘Yun po ‘yung nandun sa parteng Mariveles, ‘yun nga 49 na katao, 4 ‘yung namatay pagkatapos meron pang 1 missing,” sabi ni Regional Maritime Unit 3 public information officer, Police Lt. Mariel Cuizon nang kapanayamin sa telebisyon nitong Linggo.

Naiulat na naglayag ang 49 na mangingisda mula sa Nasugbu, Batangas nitong Hunyo 22.

Kinagabihan ay sinalubong umano sila ng malakas na ulan at hangin sa bahagi ng Bataan at pagsapit ng madaling araw ng Hunyo 23 ay tumaob na ang kanilang bangka.

Karamihan sa mga ito ay nagpalutang-lutang hanggang sa mailigtas sila ng ibang mangingisda dakong 8:00 ng umaga.

Sa pahayag naman ng isa sa mga rescuer na si Joshua Añonuevo, apat sa mga mangingisda ang patay na nang maisakay nila pauwi sa Batangas habang pinaghahanap pa ang isa sa kanilang kasamahan.

Kaugnay nito, pinaalalahanan ng pulisya ang mga mangingisda na iwasang lumayag kapag masama ang panahon upang hindi na maulit ang insidente.

Previous Post

₱105M illegal drugs, naharang sa Central Visayas

Next Post

Covid-19 cases sa PH, lalo pang tumaas

Next Post
Daily average cases ng Covid-19, ‘di na umaabot sa 400

Covid-19 cases sa PH, lalo pang tumaas

Broom Broom Balita

  • 143, tinamaan ng diarrhea outbreak sa Davao del Norte
  • Chito Miranda, tiwala sa vision ni Neri pagdating sa pagnenegosyo
  • Grupo ng US senators na bibisita sana kay De Lima, hinarang
  • Indigent students, makatatanggap ng financial aid kada Sabado — DSWD
  • Paglalabas ng monthly allowance sa UDM, nilagdaan na ni Mayor Honey
143, tinamaan ng diarrhea outbreak sa Davao del Norte

143, tinamaan ng diarrhea outbreak sa Davao del Norte

August 18, 2022
Chito Miranda, tiwala sa vision ni Neri pagdating sa pagnenegosyo

Chito Miranda, tiwala sa vision ni Neri pagdating sa pagnenegosyo

August 18, 2022
Grupo ng US senators na bibisita sana kay De Lima, hinarang

Grupo ng US senators na bibisita sana kay De Lima, hinarang

August 18, 2022
Indigent students, makatatanggap ng financial aid kada Sabado — DSWD

Indigent students, makatatanggap ng financial aid kada Sabado — DSWD

August 18, 2022
Mayor Honey: Mga mag-aaral sa Maynila, ligtas sa COVID-19 at dengue

Paglalabas ng monthly allowance sa UDM, nilagdaan na ni Mayor Honey

August 18, 2022
Dating barangay chairman, nahaharap sa 3 mabibigat na kaso

Dating barangay chairman, nahaharap sa 3 mabibigat na kaso

August 18, 2022
Bodega, sinalakay! Libu-libong sakong asukal, nadiskubre sa Pampanga

Bodega, sinalakay! Libu-libong sakong asukal, nadiskubre sa Pampanga

August 18, 2022
Nabakunahan vs COVID-19 sa Caloocan City, umabot na sa 200K

OCTA: Covid-19 cases sa NCR, nasa downward trend na!

August 18, 2022
Kauna-unahang registered female architect ng Pilipinas, nabigyan ng 100K

Kauna-unahang registered female architect ng Pilipinas, nabigyan ng 100K

August 18, 2022
‘EMMAN MEETS JOAQUI’: Peachy Santos, ipinakilala ang bagong nobyo sa ex nitong si Emman

‘EMMAN MEETS JOAQUI’: Peachy Santos, ipinakilala ang bagong nobyo sa ex nitong si Emman

August 18, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.