• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home National

Pamilya Marcos, pinagsusumite ng ebidensya vs ‘ill-gotten wealth’ case

Rommel Tabbad by Rommel Tabbad
June 24, 2022
in National
0
Guilty sa ₱26.6M scam: Municipal employee sa Laguna, kulong hanggang 300 taon
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Binigyan pa ng pagkakataon ang mga pamilya Marcos at iba pang tagapagmana upang makapagharap ng ebidensya hinggil sa kinakaharap na ill-gotten wealth case sa Sandiganbayan.

Sa ruling ng 2nd Division ng anti-graft court, bukod kay Marcos, kabilang din sa inatasan ng hukuman na gawin ito, si Imelda, mga kapatid na sina Imee at Irene, iba pang akusado na sina Isaiah Pavia Cruz at Don Ferry.

Inilabas ng hukuman ang kautusan matapos nitong ibasura ang mosyon ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) sa pamamagitan ng Office of the Solicitor General (OSG) na humihiling ideklara ng korte na isuko na ng mga akusado ang kanilang karapatang makapagsumite ng ebidensya sa kaso.

Isinampa ang mosyon ng PCGG matapos mabigong dumalo ang mga akusado sa itinakdang paghaharap ng ebidensya sa Sandiganbayan noong Agosto 13, 2019.

“Admittedly, defendant Marcos, Jr. et. al. did not attend the hearing dated 13 August 2019 set for the presentation of defendants’ evidence. However, in the higher interest of substantial justice, and, considering the court denies the instant motion and hereby gives the defendants another chance to present their evidence in support of their defense,” ayon sa resolusyon ng korte na pirmado nina Associate Justice Arthur Malabaguio, Division Chairperson Oscar Herrera, Jr. at Associate Justice Michael Frederick Musngi.

Itinakda ang paghaharap ng ebidensya sa hukuman sa Hulyo 7.

Ang naturang Civil Case na isinampa laban sa mga dating akusadong sina Imelda at Ferdinand Marcos, Jr. noong 1987 ay may layuning mabawi ang umano’y ill-gotten wealth o ari-ariang umano’y nabili ng mag-asawa, gamit ang pondo ng gobyerno.

Matatandaang tinapos ng prosekusyon ang kanilang kaso noong 2018 matapos ang sunud-sunod na mosyon ng magkabilang-panig.

Kabilang sa akusado sa kaso sina Modesto Enriquez, Trinidad Diaz Enriquez, Rebecco Panlilio, Erlinda Enriquez-Panlilio, Leandro Enriquez, Roman Cruz, Jr. at Gregorio Castillo.

Previous Post

Covid-19 cases sa Pilipinas, nadagdagan pa ng 770

Next Post

Pulis, rebelde, patay sa sagupaan sa Pasay City

Next Post
Pulis, rebelde, patay sa sagupaan sa Pasay City

Pulis, rebelde, patay sa sagupaan sa Pasay City

Broom Broom Balita

  • Ivana Alawi, namahagi ng 8,000 grocery bags, P1.2M cash, sa ilang mahirap na komunidad
  • Umano’y motornapper sa Nueva Ecija, arestado matapos kuyugin ng ilang tambay
  • Nilangaw ang ‘Katips?’ Sey ni Tañada: ‘Kung flop dapat wala na kami sa sinehan’
  • P3.4M halaga ng shabu na ipadadala sana sa QC, nasabat sa Zamboanga
  • Tim Connor, sinagot na ang akusasyong ‘adultery’ ni Victor Consunji
Ivana Alawi, namahagi ng 8,000 grocery bags, P1.2M cash, sa ilang mahirap na komunidad

Ivana Alawi, namahagi ng 8,000 grocery bags, P1.2M cash, sa ilang mahirap na komunidad

August 10, 2022
Isang magsasaka, patay matapos pagtatagain ng kapwa magsasaka sa Quezon

Umano’y motornapper sa Nueva Ecija, arestado matapos kuyugin ng ilang tambay

August 10, 2022
Tanada, ginagapang ang ‘Katips,’ nakapagpareserba na ng 51 sinehan nationwide

Nilangaw ang ‘Katips?’ Sey ni Tañada: ‘Kung flop dapat wala na kami sa sinehan’

August 10, 2022
Higit P3M halaga ng shabu, nasamsam sa 2 suspek sa Ilocos Norte

P3.4M halaga ng shabu na ipadadala sana sa QC, nasabat sa Zamboanga

August 10, 2022
Tim Connor, sinagot na ang akusasyong ‘adultery’ ni Victor Consunji

Tim Connor, sinagot na ang akusasyong ‘adultery’ ni Victor Consunji

August 10, 2022
Resibo queen? Maggie, patuloy na idinidiin ang umano’y pangangaliwa sa kaniya ni Victor

Resibo queen? Maggie, patuloy na idinidiin ang umano’y pangangaliwa sa kaniya ni Victor

August 10, 2022
Auto Draft

Ricky Lee, Gina Alajar, Juday, patuloy na nagpakita ng suporta sa ‘Katips’

August 10, 2022
Bawas-presyo sa produktong petrolyo, asahan next week

Bawas-presyo sa produktong petrolyo, asahan next week

August 10, 2022
Kaladkaren, pinalagan ang pa-unity ni Ruffa Gutierrez sa ‘It’s Showtime?’

Kaladkaren, pinalagan ang pa-unity ni Ruffa Gutierrez sa ‘It’s Showtime?’

August 10, 2022
Pagpapabakuna vs Covid-19, ‘di pa rin required sa mga estudyante

Pagpapabakuna vs Covid-19, ‘di pa rin required sa mga estudyante

August 10, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.