• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

TikTok personality Nicole Caluag, nakunan sa unang baby: ‘Hindi ako aware na buntis ako’

Nicole Therise Marcelo by Nicole Therise Marcelo
June 23, 2022
in Balita, Showbiz atbp.
0
TikTok personality Nicole Caluag, nakunan sa unang baby: ‘Hindi ako aware na buntis ako’

Photo courtesy: Nicole Caluag/IG

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nagdadalamhati ngayon ang TikTok personality na si Nicole Caluag matapos makunan sa kaniyang unang baby. 

Sa isang vlog na inupload ni Caluag nitong Miyerkules, Hunyo 22, ikinuwento niya na hindi siya aware na buntis siya dahil akala niya ay normal na menstruation lang ang naramdaman niya.

“We lost our baby. Sa totoo lang hindi ko alam, hindi ako aware na buntis ako. Akala ko normal na menstruation ko lang ‘yun– ‘yung bleeding ko. ‘Yun pala nagmi-miscarriage na ako,” kuwento niya.

Ayon pa sa kanya, noong Hunyo 12 ay nagkaroon siya umano ng spotting na inakala niyang period lamang ito. Umabot din sa walong araw ang period niya kaya’t kumonsulta siya sa kaniyang sister-in-law na doktor at sinabihan siyang mag-pregnancy test na.  

Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, positibo ang kaniyang pregnancy test. Ang inaasahan kasi ni Caluag na negative ito dahil baka nag-extend lang ang kaniyang period. 

Isinagawa ang mga test na kailangang gawin sa kaniya. Kasama niya ang kaniyang ina dahil nasa Estados Unidos sila noong panahon na iyon. 

Umuwi si Caluag sa Pilipinas at itinuloy ang mga gamutan. Ibinahagi niya na noong Hunyo 22, sasailalim siya sa Dilation and Curettage.

“Sinisisi ko yung sarili ko. Parang sabi ko nga kay Bong baka fault ko kasi nag-stress ako, ang dami kong ginagawa sa life, nagta-travel ako na hindi ako aware na may baby na pala. So I’m blaming myself. Kaya I’m sorry my baby…”

Tags: Nicole Caluag
Previous Post

Dennis Padilla, nagtampo kina Julia, Leon, at Claudia dahil hindi siya binati noong Father’s Day?

Next Post

Pagpapalawig ng mandatory na pagsusuot ng face mask, isinusulong ni Duque

Next Post
NCR, mananatili sa Alert Level 3 simula Enero 16 hanggang 31

Pagpapalawig ng mandatory na pagsusuot ng face mask, isinusulong ni Duque

Broom Broom Balita

  • Libreng sakay sa tren, EDSA bus carousel, pinalawig pa!
  • Isang Chinese national, nasakote dahil sa pagdukot, tangkang pangingikil sa kapwa kababayan sa Parañaque
  • Dating Pangulong Duterte, magbabawi ng tulog
  • Isang mayor sa Mexico, buwaya ang partner sa kasal
  • ‘Magparehistro na para sa barangay, SK elections’ — Namfrel
Libreng sakay sa tren, EDSA bus carousel, pinalawig pa!

Libreng sakay sa tren, EDSA bus carousel, pinalawig pa!

July 1, 2022
Umano’y drug dealer, patay sa atake sa puso matapos arestuhin ng pulisya

Isang Chinese national, nasakote dahil sa pagdukot, tangkang pangingikil sa kapwa kababayan sa Parañaque

July 1, 2022
Pangulong Duterte, nais pairalin pa rin ang pagsusuot ng face mask

Dating Pangulong Duterte, magbabawi ng tulog

July 1, 2022
Isang mayor sa Mexico, buwaya ang partner sa kasal

Isang mayor sa Mexico, buwaya ang partner sa kasal

July 1, 2022
‘Magparehistro na para sa barangay, SK elections’ — Namfrel

‘Magparehistro na para sa barangay, SK elections’ — Namfrel

July 1, 2022
Isang trak, inararo ang 6 na tricycle, motorsiklo sa Dagupan

Isang trak, inararo ang 6 na tricycle, motorsiklo sa Dagupan

July 1, 2022
Conservationist, emosyonal nang mamataan ang malusog na King Cobra sa isang gubat sa Palawan

Conservationist, emosyonal nang mamataan ang malusog na King Cobra sa isang gubat sa Palawan

July 1, 2022
Bokya pa rin: Terrafirma, taob sa TNT

Bokya pa rin: Terrafirma, taob sa TNT

July 1, 2022
Mensahe ni Agot Isidro para sa bansa: ‘Sana matuto ka sa mga pasyang pinili mo’

Mensahe ni Agot Isidro para sa bansa: ‘Sana matuto ka sa mga pasyang pinili mo’

July 1, 2022
Alden Richards, Sue Ramirez, magsasama sa isang proyekto sa Amerika

Alden Richards, Sue Ramirez, magsasama sa isang proyekto sa Amerika

July 1, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.