• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Sawaan stage na raw? Diego Loyzaga at Franki Russell, nag-unfollow sa isa’t isa sa IG

Richard de Leon by Richard de Leon
June 23, 2022
in Showbiz atbp.
0
Sawaan stage na raw? Diego Loyzaga at Franki Russell, nag-unfollow sa isa’t isa sa IG

Diego Loyzaga at Franki Russell (Larawan mula sa Manila Bulletin)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Dumagdag sa listahan ng mga ‘nag-unfollow sa isa’t isa sa social media’ ang aktor na si Diego Loyzaga at ang napababalitang bagong idine-date na si dating Pinoy Big Brother housemate Franki Russell.

Hindi nakaligtas sa mapagmatyag na mga Marites na hindi na nila fina-follow ang isa’t isa sa social media.

Screengrab mula sa IG/Franki Russel
Screengrab mula sa IG/Franki Russel

Matatandaang naging usap-usapan ang mga kumalat na litrato nilang dalawa kung saan tila sweet na sweet sila sa isa’t isa; binati rin ni Franki si Diego sa birthday nito at tinawag na ‘Papi’.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/21/diego-iniintrigang-may-bagong-jowa-na-barbie-mapapa-shot-puno-na-ba/

Sa panayam na ginawa sa kaniya ng kolumnistang si Dolly Anne Carvajal kay Diego noong Mayo 28, sinabi ng aktor na walang romantic relationship sa pagitan nilang dalawa, at nananatili siyang single habang isinusulat ito.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/01/diego-loyzaga-binasag-na-ang-katahimikan-tungkol-sa-kanila-ni-franki-russell/

Samantala, sa panayam naman sa mga half siblings ni Diego kay Sunshine Cruz, sinabi nila na hindi pa rin daw nila nakikilala si Franki sa personal, at wala silang alam sa kung ano ba ang real-score sa pagitan ng kanilang kuya at ng dating PBB housemate.

Si Franki naman, wala pa ring sey tungkol sa isyu.

Ngunit wala pang isang buwan ay iba na ang tunog ngayon ni Diego, ayon sa panayam sa kaniya ng DJ na si Rico Robles, sa “All Out” segment ng Monster Radio RX 93.1, Hunyo 6.

“We had so much in common, and so we were talking a lot and we were like, ‘We should catch up sometime. It just so happened that I was going out of town, and we caught up a lot of times before leaving town and I was like, you know what, I’m gonna take a shot in the dark here even though I said that I wanna stay single,” ayon sa aktor.

“We have known each other [at the time] for ten days, we are not a thing. Who am I to say that — I can’t give a label that we are something. Ang kapal naman ng mukha ko na sabihin na, ‘Kami na.’ I mean, I haven’t asked her. But noon ‘yon, iba ngayon,” aniya pa.

Sa totoo lamang daw, simula nang magkahiwalay sila ni Barbie ay nasabi niyang magpopokus muna siya sa kaniyang sarili. Subalit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nangyari nga ang pagki-click nila sa isa’t isa ni Franki.

“Well, you know what, I’m a hypocrite. I said I wanted to focus on myself but I guess these things you don’t expect it. It just really comes along.”

“We really did click. So, I would definitely say that right now we’re dating.”

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/07/diego-loyzaga-biglang-kambyo-franki-russell-dine-date-na/

Kaya tanong ng marami, anyare? Sawaan stage na raw ba kaagad? Kalimitan kasi, nagiging batayan ang pag-unfollow sa isa’t isa sa social media kapag nagkakalabuan na ang mga celebrity couple, kagaya na lamang nina Rabiya Mateo at Jeric Gonzales.

“Nagsawaan stage,” komento ng isang netizen.

Hirit naman ng isa, “Yan dapat umpisa pa lang nagkaalaman na. Kaysa naman may kasal-kasal pa, hiwalay din naman.”

“Isang linggong pag-ibig ang peg?” banat naman ng isa.

Sey naman ng isa, “Eh ganiyan na lang naman talaga mga modern-day dating. Especially with these kinds of showbiz peepz. Pa-enjoy-enjoy lang daw, no intentions for long-term companionship.”

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag dito sina Diego at Franki.

Tags: Diego LoyzagaFranki Russell
Previous Post

Suplay ng asukal, ‘di kinakapos: ‘Hoarding,’ hiniling imbestigahan

Next Post

‘Wattah, Wattah’ festival, tuloy sa San Juan City sa Hunyo 24

Next Post
‘Wattah, Wattah’ festival, tuloy sa San Juan City sa Hunyo 24

'Wattah, Wattah' festival, tuloy sa San Juan City sa Hunyo 24

Broom Broom Balita

  • Lolit Solis, niresbakan ang mga bumabatikos sa suot na pearl necklace ni Kris
  • Mahigit 11M pasahero, nakinabang sa ‘Libreng Sakay’ sa C. Luzon
  • De Lima sa Marcos admin: Restore PH membership in the ICC
  • Vaccine expert, nanawagan sa gobyerno para sa 2nd booster shot ng 50 hanggang 59 anyos
  • Locsin, papalitan ni career diplomat Enrique Manalo bilang DFA chief
Lolit Solis, nanawagan sa publiko na ipagdasal si Kris Aquino

Lolit Solis, niresbakan ang mga bumabatikos sa suot na pearl necklace ni Kris

July 1, 2022
Mahigit 11M pasahero, nakinabang sa ‘Libreng Sakay’ sa C. Luzon

Mahigit 11M pasahero, nakinabang sa ‘Libreng Sakay’ sa C. Luzon

July 1, 2022
De Lima sa hindi paghingi ng tawad ni Duterte sa mga drug war victim: ‘History will judge him’

De Lima sa Marcos admin: Restore PH membership in the ICC

July 1, 2022
FDA, inaprubahan ang emergency use ng Moderna vaccines para sa edad 12 hanggang 17

Vaccine expert, nanawagan sa gobyerno para sa 2nd booster shot ng 50 hanggang 59 anyos

July 1, 2022
Locsin, papalitan ni career diplomat Enrique Manalo bilang DFA chief

Locsin, papalitan ni career diplomat Enrique Manalo bilang DFA chief

July 1, 2022
P3-M halaga ng ‘shabu’, nasabat sa CamSur anti-drug operation

P3-M halaga ng ‘shabu’, nasabat sa CamSur anti-drug operation

July 1, 2022
National disaster resilience month, sinimulan na ngayong Hulyo 1

National disaster resilience month, sinimulan na ngayong Hulyo 1

July 1, 2022
Sanib-puwersa? ‘Domeng’ lalakas pa! Buntot ng bagyong ‘Caloy’ magpapaulan

Sanib-puwersa? ‘Domeng’ lalakas pa! Buntot ng bagyong ‘Caloy’ magpapaulan

July 1, 2022
Alan Cayetano, ihahain ang ₱10,000 ayuda bill; may mensahe sa mga tumutuligsa

Alan Cayetano, ihahain ang ₱10,000 ayuda bill; may mensahe sa mga tumutuligsa

July 1, 2022
Magnitude 6.0, yumanig sa Cagayan

Magnitude 6.0, yumanig sa Cagayan

July 1, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.