• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home National/Probinsya

Resort na may ‘killer’ zipline sa Kalinga, posibleng maipasara– DOT

Rizaldy Comanda by Rizaldy Comanda
June 23, 2022
in National/Probinsya
0
Resort na may ‘killer’ zipline sa Kalinga, posibleng maipasara– DOT
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Irerekomenda ng Department of Tourism (DOT)-Cordillera ang pagkansela sa certificate of accreditation o pagsasara sa Camp L & C Resort sa Sitio Gapang, Barangay Bagumbayan, Tabuk City, Kalinga kasunod ng pagkamatay ng isang nurse matapos mahulog sa  zipline noong Hunyo 12.

Sa pahayag ni DOT-Cordillera director Jovita Ganongan, hinihintay na lamang nila ang resulta ng imbestigasyon upang matukoy ang lawak ng pananagutan ng mga may-ari ng nasabing resort kaugnay ng pagkasawi ni Paul Herbert Pallaya Gaayon, 31, may-asawa, at taga-Purok 5, Bulanao Centro, Tabuk City, Kalinga.

“Noong huling inspeksyon namin sa lugar ay wala ang zipline, kaya nabigyan ito ng DOT accreditation bilang isang resort at hindi saklaw ng kanilang accreditation ang pagkakaroon ng zipline sa kanilang pasilidad.

Wala silang ipinaalam sa amin na naglagay sila ng recreation na zipline, kaya ito ay labag sa DOT rules and regulations,” pahayag pa ni Ganongan.

Nagpadala na aniya sila ng Notice to Explain sa may-ari ng resort upang makapagpaliwanag sa insidente at sa paglabag ng mga ito sa mga pamantayan ng accreditation sa kaligtasan.

Binanggit ni Ganongan na kung mapapatunayang nagkaroon ng paglabag ang naturang leisure facility ay agad nilang irerekomenda ang pagpapasara nito.

Previous Post

Official poster ng “Maid in Malacañang”, inilabas na

Next Post

Comelec: Voter registration, ipagpapatuloy sa July 4

Next Post
Comelec, magrerenta ng karagdagang VCMs para sa 2022 elections

Comelec: Voter registration, ipagpapatuloy sa July 4

Broom Broom Balita

  • Muling pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, mararamdaman sa Hunyo 28
  • De Lima matapos ang operasyon: ‘I feel generally fine’
  • Xian Gaza kay Dennis Padilla: ‘Yung Father’s Day greeting ay hindi hinihingi sa mga anak, ine-earn yan’
  • Dalagang may kapansanan, nagtapos bilang cum laude sa Pangasinan
  • ROTC bill, ihahain ulit ni Dela Rosa
Presyo ng gasolina, pinatungan ng ₱0.60 per liter

Muling pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, mararamdaman sa Hunyo 28

June 27, 2022
De Lima sa hindi paghingi ng tawad ni Duterte sa mga drug war victim: ‘History will judge him’

De Lima matapos ang operasyon: ‘I feel generally fine’

June 27, 2022
Xian Gaza kay Dennis Padilla: ‘Yung Father’s Day greeting ay hindi hinihingi sa mga anak, ine-earn yan’

Xian Gaza kay Dennis Padilla: ‘Yung Father’s Day greeting ay hindi hinihingi sa mga anak, ine-earn yan’

June 27, 2022
Dalagang may kapansanan, nagtapos bilang cum laude sa Pangasinan

Dalagang may kapansanan, nagtapos bilang cum laude sa Pangasinan

June 27, 2022
ROTC bill, ihahain ulit ni Dela Rosa

ROTC bill, ihahain ulit ni Dela Rosa

June 27, 2022
Duterte sa mga Pinoy: ‘Maraming-maraming salamat’

Duterte sa mga Pinoy: ‘Maraming-maraming salamat’

June 27, 2022
Converge, biniktima ng San Miguel

Converge, biniktima ng San Miguel

June 26, 2022
Daily average cases ng Covid-19, ‘di na umaabot sa 400

Covid-19 cases sa PH, lalo pang tumaas

June 26, 2022
4 patay, 1 pa nawawala sa tumaob na fishing boat sa Bataan

4 patay, 1 pa nawawala sa tumaob na fishing boat sa Bataan

June 26, 2022
₱105M illegal drugs, naharang sa Central Visayas

₱105M illegal drugs, naharang sa Central Visayas

June 26, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.