• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Pagpapalawig ng mandatory na pagsusuot ng face mask, isinusulong ni Duque

Mary Ann Santiago by Mary Ann Santiago
June 23, 2022
in Balita, National / Metro
0
NCR, mananatili sa Alert Level 3 simula Enero 16 hanggang 31

FILE PHOTO BY ALI VICOY/MB

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Isinusulong ni outgoing Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III ang pagpapalawig pa ng mandatory na pagsusuot ng face mask, kasunod na rin nang tumataas muling mga kaso ng COVID-19 cases sa bansa.

“Well, kung ako tatanungin mo, I will recommend that it should be extended because there’s already an increasing number of cases,” pahayag pa ni Duque, sa panayam sa telebisyon nitong Huwebes.

Ayon kay Duque, hindi lamang naman kasi ang COVID-19 ang maiiwasan sa pagsusuot ng face mask, kundi maging ang iba pang karamdaman, gaya ng influenza, bacterial pneumonia, monkeypox, asthma at iba pa.

Una nang sinabi ni Pang. Rodrigo Duterte na ang mandatory na pagsusuot ng face mask ay hindi aalisin, hanggang sa pagtatapos ng kanyang termino sa Hunyo 30.

Samantala, umaasa rin si Duque na magiging mas bukas ang susunod na administrasyong Marcos sa polisiya na nagmamandato ng COVID-19 vaccination na may kasamang eksepsiyon, lalo na ngayong tumataas muli ang mga naitatalang kaso ng COVID-19 cases sa bansa.

Ayon kay Duque, ang pagdaming muli ng mga bagong kaso ng virus ay maaaring dahil sa hindi na pagsunod ng mga tao sa umiiral na minimum health standards, hindi lahat ng kuwalipikadong indibidwal ay nagpa-booster shot na, paghina na ng immunity ng mga mamamayan na hatid ng COVID-19 vaccines at ang presensya ng mas nakahahawang sub variant ng Omicron.

Tags: dohDOH Secretary Francisco Duque IIIface mask
Previous Post

TikTok personality Nicole Caluag, nakunan sa unang baby: ‘Hindi ako aware na buntis ako’

Next Post

Andrew E, ibinahagi ang karanasan kay Kuya Germs sa audition: ‘Okay, thank you. Next!’

Next Post
Andrew E, ibinahagi ang karanasan kay Kuya Germs sa audition: ‘Okay, thank you. Next!’

Andrew E, ibinahagi ang karanasan kay Kuya Germs sa audition: 'Okay, thank you. Next!'

Broom Broom Balita

  • Lolit, may iniinda na sa katawan: ‘Kahit may nararamdaman ako, I don’t listen to my body’
  • Baguilat kay Robredo: ‘I’ll do my best to continue our advocacies’
  • Pagpapasara ng SEC sa Rappler, kinondena ni Hontiveros
  • Grand Lotto 6/55 draw: Halos ₱300M jackpot, ‘di pa napapanalunan
  • Joy Belmonte, nanumpa na rin bilang QC mayor
Lolit, may iniinda na sa katawan: ‘Kahit may nararamdaman ako, I don’t listen to my body’

Lolit, may iniinda na sa katawan: ‘Kahit may nararamdaman ako, I don’t listen to my body’

June 30, 2022
Baguilat, may panawagan sa bagong DENR chief: ‘I hope the first official act is to not spend on Dolomite maintenance’

Baguilat kay Robredo: ‘I’ll do my best to continue our advocacies’

June 30, 2022
Pagpapasara ng SEC sa Rappler, kinondena ni Hontiveros

Pagpapasara ng SEC sa Rappler, kinondena ni Hontiveros

June 30, 2022
Grand Lotto 6/55 draw: Halos ₱300M jackpot, ‘di pa napapanalunan

Grand Lotto 6/55 draw: Halos ₱300M jackpot, ‘di pa napapanalunan

June 30, 2022
Joy Belmonte, nanumpa na rin bilang QC mayor

Joy Belmonte, nanumpa na rin bilang QC mayor

June 30, 2022
Hindi press freedom suppression ang desisyon ng SEC kontra Rappler — Revilla

Hindi press freedom suppression ang desisyon ng SEC kontra Rappler — Revilla

June 30, 2022
₱2 dagdag-pasahe sa PUJ sa NCR, Region 3, 4 aprub na!

₱2 dagdag-pasahe sa PUJ sa NCR, Region 3, 4 aprub na!

June 29, 2022
Umano’y drug dealer, patay sa atake sa puso matapos arestuhin ng pulisya

Kampanya kontra krimen, nalambat ang 4 drug suspect, 54 wanted person sa Cordillera

June 29, 2022
OCTA, idineklarang ‘very low risk’ para sa COVID-19 ang Metro Manila

PNP, pinuri ang 4 na Metro Manila LGU na nagdeklara ng special non-working holiday sa Huwebes

June 29, 2022
Kaso ng African swine fever sa bansa, bumaba na! — DA

Kaso ng African swine fever sa bansa, bumaba na! — DA

June 29, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.