• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Official poster ng “Maid in Malacañang”, inilabas na

Richard de Leon by Richard de Leon
June 23, 2022
in Showbiz atbp.
0
Official poster ng “Maid in Malacañang”, inilabas na

Darryl Yap (Larawan mula sa FB)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ibinahagi ng direktor na si Darryl Yap ang official poster ng pelikulang “Maid in Malacañang” ngayong Hunyo 23.

Makikita rin ang opisyal na poster sa Facebook page ng “VinCentiments”.

“Una sa lahat, ako ay nagpapasalamat sa aking Manang, Senator Imee R. Marcos— sa aking mga bosses sa Viva Entertainment, VIVA Films at kasamahan sa VinCentiments para sa natatanging proyektong ito,” pagpapasalamat ng direktor.

Sunod naman ay pinasalamatan ni Yap ang mga artistang pumayag na bigyang-katauhan ang pamilya Marcos, gayundin ang mga kasambahay nila, kahit na nababalot ito ng kontrobersiya.

“Sir Buboy, Cristine Reyes ILoveRuffaG Karla Estrada Diego Loyzaga Ella Cruz Jacqueline Elizabeth Freeman Orig Beverly Salviejo sa pagtanggap sa mga roles na alam naman nating napakakontrobersyal.”

“Sa aking mga followers and bashers, para sa inyo ang #MAIDinMALACAÑANG,” aniya pa.

Screengrab mula sa FB/Darryl Yap
May be an image of 2 people and text that says 'AFILM BY DARRYL MAID IN MALACAÑANG'
Screengrab mula sa FB/Darryl Yap

Ang pelikulang ito ay kolaborasyon ng VinCentiments at Viva Films.

Matatandaang umani ng kritisismo ang casting ni Yap, lalo na ang pagkakapili kay Cristine Reyes bilang si Imee Marcos.

May ilan pang mga netizen na nagmungkahing bakit hindi sina Ai Ai Delas Alas o Juliana Parizcova Segovia ang kuning gumanap sa senadora.

Buwelta naman ng direktor lalo na sa mga Kakampink, “Kung nanalo sana kayo, gawa kayo ng pelikula tungkol sa kandidato n’yo, doon kayo magdesisyon ng casting…”

“Eh kaso natalo nga si Leni, paanong gagawin natin? Ipagsisiksikan n’yo na lang yung talunan n’yong opinyon sa pelikula ng nanalo?”

“Ganyan na kalungkot ang buhay n’yo?”

“HAHAHAHAHAHA!”, aniya.

Mapapanood na umano ang pelikula sa darating na Hulyo.

Tags: Darryl YapMaid in Malacañangofficial poster
Previous Post

Loyal employees ng Manila City Hall, pinarangalan

Next Post

Resort na may ‘killer’ zipline sa Kalinga, posibleng maipasara– DOT

Next Post
Resort na may ‘killer’ zipline sa Kalinga, posibleng maipasara– DOT

Resort na may 'killer' zipline sa Kalinga, posibleng maipasara-- DOT

Broom Broom Balita

  • Mahigit 10,000 litro ng oily water mixture, nakolekta ng PCG
  • John Riel Casimero, ibinenta ang WBO belt sa halagang ₱1.2M
  • PNR, may 4-araw na tigil-operasyon sa Mahal na Araw
  • Maja Salvador, ‘di lalayas sa Eat Bulaga
  • Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.6 na lindol
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.