• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Features

Furmom ng asong na-shookt sa injection, may mensahe sa mga kapwa dog at cat owners

Richard de Leon by Richard de Leon
June 23, 2022
in Features
0
Furmom ng asong na-shookt sa injection, may mensahe sa mga kapwa dog at cat owners

Sonia Geli at Thali (Larawan mula sa FB/Manila Bulletin)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Kamakailan lamang ay naging viral sa social media ang reaksiyon at facial expression ng isang aso mula sa Davao City, nang makita niya ang karayom para sa kaniyang CBC test.

Sa kaniyang Facebook post noong Hunyo 3, ibinahagi ng furmommy na si Sonia Geli (Sonia Tata William sa Facebook), 55 anyos, ang panlalaki ng mga mata ng alagang asong si Thali nang makita na ang itutusok na injection sa kaniya, para sa nabanggit na blood extraction.

“I viewed these pics many times paulit-ulit. Kuha kanina during blood extraction ng mga Vet sa mga rescue dogs ko. Late ko na napansin hitsura ni Thali after nireview ko mga pics. Nakakatawa talaga facial expression ni Thali… ang rescue dog namin na takot na takot sa needle.”

“Pero hindi naman siya nag-resist ng kinunan na siya ng dugo kanina for her 2nd CBC Test, ‘yon nga lang ang mukha niya ay hindi talaga mahitsura hehehe. Kahit paliguan siya ganiyan din mukha nya, nagtatakbo, kailangan pa namin dakpin. Titingnan ka muna parang nagmamakaawa na huwag na siyang injectionan o paliguan.”

“Pero basta ako lang ang humawak sa kaniya, feeling kampante na rin siya,” kuwento ni Sonia.

Bilang founder ng Davao Animal Rescue Volunteers Group, malaki ang puso ni Sonia sa pet dogs lalo na ang mga walang permanenteng tirahan o palakad-lakad sa kalye.

Sa dami ng rescue dogs niya ay di maiiwasang magkahawaan ng sakit.

“Pina-CBC complete blood count ko kasi mga rescue dogs ko ng time na ito. Nagkasakit kasi ng blood parasites o Erhlichia ang iba sa kanila dahil sa isang bago ko na rescue dog. Bale nahawa sila. Need ko ipa-CBC para malaman kung sino sa kanila ang mababa na talaga ang platelet,” ani Sonia sa panayam ng Balita Online.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/22/shookt-yarn-facial-expression-ng-isang-aso-sa-injection-kinagiliwan-ng-mga-netizen/

May mensahe naman siya sa mga kapwa dog owners, lalo’t kapansin-pansin ang pagdami ng stray dogs na kanilang nare-rescue sa kalsada.

“Sa mga furparents or dog owners, please be responsible enough to your pets.”

“Before owning a dog kailangang i-consider nila kung meron silang capacity sa pag-alaga, may budget sa pagpapakain, pagpapabakuna, pagpa-vet kung magkasakit, at lalo na dapat may oras sa kaniyang alaga.”

“If one cannot guarantee to provide their needs then mabuti pa huwag na lang mag-alaga. Kasi diyan dadami ang stray dogs. Pinabayaan na lang sa lansangan ang kanilang mga alaga hanggang sa magkasakit, masagasaan at ma-impound.”

“Ganiyan ang kadalasang makikita natin sa mga kalsada, mga asong gala dahil sa kapabayaan ng kanilang mga amo.”

Nanawagan din si Geli sa mga local government unit, lalo na sa City Veterinary Office.

“Dapat consistent sila sa kanilang programa na Libreng Kapon at Laygit kasi mga paraan ito sa pagkontrol ng population sa mga stray animals particularly dogs and cats.”

“Dapat consistent din sila sa pagbibigay ng libreng anti-rabies vaccines para sa kapakanan, hindi lang sa mga hayop kundi pati na rin sa mga tao.”

Sinimulan umano ni Sonia ang pag-rescue sa mga aso at pagtatatag ng DARV group noong 2009.

Tags: dog ownersfurparentSonia GeliThali
Previous Post

Senadora Grace Poe, nanawagan sa PSA; bilisan ang pamamahagi ng National ID

Next Post

MMDA, nakuha ang highest audit rating ng COA sa 3 magkakasunod na taon

Next Post
MMDA, nakuha ang highest audit rating ng COA sa 3 magkakasunod na taon

MMDA, nakuha ang highest audit rating ng COA sa 3 magkakasunod na taon

Broom Broom Balita

  • Abra, niyanig ng magnitude 4.6 na lindol
  • Matapos lang ang 3 araw, MV ng pre-debut single ng Hori7on, tumabo na ng higit 2.2M views
  • Graduating student sa Samar State U, naiulat na nawawala
  • 3 lugar sa bansa, nagtala ng mapanganib na antas ng heat index nitong Sabado
  • Mananaya, bokya sa lotto jackpot ng PCSO ngayong Sabado
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.