Kahit isang linggo na lang ay bababa na sa puwesto, nagtalaga pa rin ng officer-in-charge ng Department of Agrarian Reform (DAR) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) si Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni acting presidential spokesperson Martin Andanar nitong Huwebes, itinalaga bilang OIC ng DAR si Undersecretary for Policy, Planning and Research Office David Erro.
Ipinuwesto muna si Undersecretary for Field Operations-Mindanao Joselin Marcus Fragada bilang OIC naman ng DENR.
Hindi na nagbigay ng paliwanag ang Malacañang hinggil sa nabanggit na desisyon.
Kamakailan, napili na ni president-elect Ferdinand Marcos, Jr. si Abono party-list Rep. Conrado Estrella III bilang kalihim ng DAR.
Nitong Huwebes, wala pang napipili si Marcos na magiging kalihim ng DENR.