• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Dominic Ochoa, mapapanood na sa Kapuso Network

Richard de Leon by Richard de Leon
June 23, 2022
in Showbiz atbp.
0
Dominic Ochoa, mapapanood na sa Kapuso Network

Dominic Ochoa at GMA Network building (Larawan mula sa Manila Bulletin)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Matapos ang ilang dekadang pananatili bilang Kapamilya ay mapapanood na sa Kapuso Network ang aktor na si Dominic Ochoa, para sa isang teleserye.

Ayon sa ulat ng “24 Oras”, Hunyo 22, ipinakilala si Dominic bilang “bagong Kapuso” at kabilang siya sa nilulutong teleseryeng “Abot Kamay Na Pangarap” kasama sina Carmina Villarroel, Jillian Ward, Andre Paras, at ang dating Kapamilya leading man na si Richard Yap.

Batay naman sa ulat ng Philippine Entertainment Portal o PEP, bagama’t matagal na sa ABS-CBN at Star Magic si Dominic, ang kaniyang unang TV appearance ay sa GMA Network, sa youth-oriented show na “T.G.I.S” noong 1995 kung saan nag-guest lamang siya.

Matapos niyon ay naging regular cast member naman siya ng kalaban nitong programang “Gimik” sa ABS-CBN. At doon na nagsimula ang pag-usbong ng kaniyang career.

Nabuo ang trio nila nina Marvin Agustin at yumaong aktor na si Rico Yan, na tinawag na “Whattamen” noong 2000.

Markado ang kaniyang role bilang pari sa 2009 hit seryeng “May Bukas Pa” na nagpasikat kay Zaijan Jaranilla bilang si Santino.

Nagkaroon din siya ng lead role para sa “My Super D” (2016) at educational show na “Doc Ricky Pedia” (2017-2020).

Ang huli niyang teleserye ay “Huwag Kang Mangamba” (2021) at cameo role sa “2 Good 2 Be True” bilang batang Ronaldo Valdez.

Ang tanong, wala na rin ba siya sa Star Magic at pipirma ng kontrata sa Sparkle GMA Artist Center? Abangan!

Tags: Abot Kamay na PangarapDominic Ochoagma network
Previous Post

Booster shots para sa 12-17 age group, aprubado na ng DOH

Next Post

Dennis Padilla, nagtampo kina Julia, Leon, at Claudia dahil hindi siya binati noong Father’s Day?

Next Post
Dennis Padilla, nagtampo kina Julia, Leon, at Claudia dahil hindi siya binati noong Father’s Day?

Dennis Padilla, nagtampo kina Julia, Leon, at Claudia dahil hindi siya binati noong Father's Day?

Broom Broom Balita

  • Mahigit 10,000 litro ng oily water mixture, nakolekta ng PCG
  • John Riel Casimero, ibinenta ang WBO belt sa halagang ₱1.2M
  • PNR, may 4-araw na tigil-operasyon sa Mahal na Araw
  • Maja Salvador, ‘di lalayas sa Eat Bulaga
  • Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.6 na lindol
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.