• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Awra Briguela, nanakawan ng cp sa MOA Arena: ‘I will give you cash pa po pag binalik n’yo’

Richard de Leon by Richard de Leon
June 23, 2022
in Showbiz atbp.
0
Awra Briguela, nanakawan ng cp sa MOA Arena: ‘I will give you cash pa po pag binalik n’yo’

Awra Briguela (Larawan mula sa Manila Bulletin)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ang masaya sanang panonood ni Awra Briguela ng UAAP women’s volleyball sa SM Mall of Asia Arena noong Hunyo 21, 2022 ay nauwi sa pagkawindang matapos manakaw ang kaniyang mamahaling cellphone nang hindi niya namamalayan.

Ayon sa sunod-sunod na tweet ni Awra, modus daw yata ng mga magnanakaw na magpa-picture at kapag nagkagulo na ay saka aatake.

Ang nakakaloka pa raw dito, hindi lang siya ang biktima kundi marami sila.

“End up sobrang dami pong nanakawan same time and same spot. So please po pa-send ng video, ramdam ko po navideohan talaga yung nagnakaw,” pakiusap ni Awra.

end up sobrang dami pong nanakawan same time and same spot. so please po pa send ng video ramdam ko po na videohan talaga yung nag nakaw

— AWRA ◡̈ (@AwraBriguelaaa) June 21, 2022

Handa umanong magbigay ng pabuya ang komedyante sa kung sinumang audience sa MOA ang makapagbibigay sa kaniya ng video ng pagnanakaw, o makapagbibigay ng detalye kung sino ito. Bukod kasi sa cellphone ay may kasama pang cash na nakuha mula sa kaniya.

“Sa lahat po ng may video ko sa MOA kanina after game, kindly send me the video nanakawan po kasi kasama ko ng phone and cash habang madaming nagpapa picture. DOOR 218 po ako nun thank you po.”

Tinalakan niya ang mga magnanakaw na aniya ay ayaw magsipagtrabaho nang maayos upang hindi na magnakaw pa.

“Grabe talaga kanina yung experience ko sa moa arena nakaka trauma. ang babastos na malikot pa kamay. Ayaw magsipag trabaho nang maayos, sobrang nakakagalit hindi nakakaawa.”

“Grabe ang modus nila sobrang daming nagpapapicture tapos pag nagkakagulo na, galaw na ang mga kupal magnakaw.”

Ipapa-lock na raw ni Awra ang naturang cp upang hindi ito mapakinabangan pa. Nakiusap siya sa nagnakaw na isauli na lamang ito at bibigyan pa niya ng cash.

“Again sa kumuha ng phone pakibalik na lang po kasi hindi n’yo rin po talaga ‘yan mapapakinabangan. I will give you cash pa po pag binalik n’yo. Yung 5k na nakuha then dodoblehin ko, you can dm me promise hindi ko expose kung sino ka. Sobrang dami lang important files sa phone,” ani Awra.

again sa kumuha ng phone paki balik nalang po kase hindi nyo rin po talaga yan mapapakinabangan. I will give you cash pa po pag binalik nyo. yung 5k na nakuha den dodoblehin ko you can dm me promise hindi ko expose kung sino ka. sobrang dami lang important files sa phone. pic.twitter.com/y0aSedfXJc

— AWRA ◡̈ (@AwraBriguelaaa) June 22, 2022

Habang isinusulat ito ay hindi pa nagbibigay ng update si Awra kung naibalik na ba sa kaniya ng nawalang cellphone.

Tags: Awra BriguelaphoneSM MOA Arena
Previous Post

Bello, napili bilang MECO chief, CSC hahawakan ulit ni Nograles

Next Post

₱720K halaga ng ‘shabu’, nakumpiska sa Las Piñas

Next Post
₱720K halaga ng ‘shabu’, nakumpiska sa Las Piñas

₱720K halaga ng 'shabu', nakumpiska sa Las Piñas

Broom Broom Balita

  • Alden Richards, Sue Ramirez, magsasama sa isang proyekto sa Amerika
  • CHR, muling ipinunto ang kahalagahan ng SOGIE Equality Bill para sa lahat
  • Taguig court, pinatawan ng habambuhay na pagkakabilanggo ang isang mataas na opisyal ng CPP-NPA
  • P3-M halaga ng shabu, nasamsam kasunod ng isang anti-drug op sa Camarines Sur
  • Batang lalaki, patay sa dengue sa Baguio
Alden Richards, Sue Ramirez, magsasama sa isang proyekto sa Amerika

Alden Richards, Sue Ramirez, magsasama sa isang proyekto sa Amerika

July 1, 2022
Pride Festival sa Metro Manila, kasado na sa Hunyo

CHR, muling ipinunto ang kahalagahan ng SOGIE Equality Bill para sa lahat

July 1, 2022
Taguig court, pinatawan ng habambuhay na pagkakabilanggo ang isang mataas na opisyal ng CPP-NPA

Taguig court, pinatawan ng habambuhay na pagkakabilanggo ang isang mataas na opisyal ng CPP-NPA

July 1, 2022
Higit P3M halaga ng shabu, nasamsam sa 2 suspek sa Ilocos Norte

P3-M halaga ng shabu, nasamsam kasunod ng isang anti-drug op sa Camarines Sur

July 1, 2022
Batang lalaki, patay sa dengue sa Baguio

Batang lalaki, patay sa dengue sa Baguio

July 1, 2022
Pulis na ‘carnapper’ timbog sa Cotabato City

Pulis na ‘carnapper’ timbog sa Cotabato City

July 1, 2022
Lolit Solis, nanawagan sa publiko na ipagdasal si Kris Aquino

Lolit Solis, niresbakan ang mga bumabatikos sa suot na pearl necklace ni Kris

July 1, 2022
Mahigit 11M pasahero, nakinabang sa ‘Libreng Sakay’ sa C. Luzon

Mahigit 11M pasahero, nakinabang sa ‘Libreng Sakay’ sa C. Luzon

July 1, 2022
De Lima sa hindi paghingi ng tawad ni Duterte sa mga drug war victim: ‘History will judge him’

De Lima sa Marcos admin: Restore PH membership in the ICC

July 1, 2022
FDA, inaprubahan ang emergency use ng Moderna vaccines para sa edad 12 hanggang 17

Vaccine expert, nanawagan sa gobyerno para sa 2nd booster shot ng 50 hanggang 59 anyos

July 1, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.