• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Andrew E, ibinahagi ang karanasan kay Kuya Germs sa audition: ‘Okay, thank you. Next!’

Richard de Leon by Richard de Leon
June 23, 2022
in Showbiz atbp.
0
Andrew E, ibinahagi ang karanasan kay Kuya Germs sa audition: ‘Okay, thank you. Next!’

Andrew E at Kuya Germs (Larawan mula sa YouTube channel ng Toni Talks)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Kinapanayam ni Toni Gonzaga ang tinaguriang “Godfather of Pinoy Rap” na si Andrew E sa kaniyang award-winning talk show vlog na “Toni Talks” na umere noong Fathers’ Day, Hunyo 19.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/19/anumang-akusasyon-sa-yo-na-hindi-napapatunayan-mas-lalo-kang-nagniningning-andrew-e/

Isa sa mga napag-usapan nila ang naging buhay ni Andrew E noong nagsisimula pa lamang ito sa showbiz. Ibinahagi ni Andrew E ang di malilimutang eksena noong nag-audition siya sa teen-oriented show na “That’s Entertainment” ng pumanaw na TV host-star hunter na si German Moreno o Kuya Germs.

“Yung talent ko kasi is so unique na nagra-rap… So, sabi ni Kuya Germs, ‘Pakibigyan ng mic ‘yan. Hijo, anong gagawin mo? Teka, kumakanta ka ba?’ ‘Hindi po.’ ‘Sumasayaw ka?’ ‘Hindi rin po.’ ‘Eh, uma-acting ka?’ ‘Hindi rin po ako marunong no’n.’ ‘Eh, anong gagawin mo?’ ‘Puwede po ba ipakita ko na lang po sa inyo?” salaysay ni Andrew E kay Toni.

Nagpakitang-gilas umano siya sa pagra-rap subalit tila hindi raw talaga siya nagustuhan ni Kuya Germs. Sabi raw nito sa kaniya, “Okay. Thank you. Next!”

Pahabol daw niya, “‘Kuya Germs, hindi pa po tapos!’ ‘Hindi, hindi. Okay na!'”

Pagkatapos niya, tinawag na raw ang kasunod niya sa pila, ang magandang TV host-VJ-actress na si Donita Rose.

“Umupo ako. Pag-upo ko, lo and behold – Donita Rose. Tumayo. ‘Hello po.’ Tapos sabi (ni Kuya Germs), ‘Hija, do you know how to sing?’ ‘No.’ ‘Do you know how to dance?’ ‘No.’ ‘Do you know how to do acting?’ ‘No.’ ‘Do you have talent?’ ‘None.’ ‘Okay, tanggap ka na!’ Shocked ako. Sabi ko, ‘Walang talent pero nakapasa?'”

Kinuwento raw ni Andrew E kay Donita ang naturang pangyayari at tawa raw ito nang tawa.

“Sabi niya, ‘Ikaw pala yung maitim na katabi ko? Oh my goodness!'”

Hirit naman ni Toni, ang nakakatawa raw dito, si Andrew E pa raw ang kumanta ng theme song “Ober Da Bakod” na naging sitcom ni Donita sa GMA Network noon.

Pinuri naman ng rapper si Toni sa pagiging sharp nito. “Kaya ka number 1 host eh!”

Sa ngayon ay nasa number 2 trending na ang vlog na ito ni Toni sa YouTube channel na may 2,201,899 views na.

Tags: andrew ekuya germs
Previous Post

Pagpapalawig ng mandatory na pagsusuot ng face mask, isinusulong ni Duque

Next Post

DOH: Aktibong COVID-19 cases sa bansa, mahigit 5K na

Next Post
DOH: Unang local case ng Lambda variant, 35-anyos na buntis

DOH: Aktibong COVID-19 cases sa bansa, mahigit 5K na

Broom Broom Balita

  • Kahit walang head coach: Ginebra, panalo pa rin vs Converge
  • Libreng sakay sa tren, EDSA bus carousel, pinalawig pa!
  • Isang Chinese national, nasakote dahil sa pagdukot, tangkang pangingikil sa kapwa kababayan sa Parañaque
  • Dating Pangulong Duterte, magbabawi ng tulog
  • Isang mayor sa Mexico, buwaya ang partner sa kasal
Kahit walang head coach: Ginebra, panalo pa rin vs Converge

Kahit walang head coach: Ginebra, panalo pa rin vs Converge

July 1, 2022
Libreng sakay sa tren, EDSA bus carousel, pinalawig pa!

Libreng sakay sa tren, EDSA bus carousel, pinalawig pa!

July 1, 2022
Umano’y drug dealer, patay sa atake sa puso matapos arestuhin ng pulisya

Isang Chinese national, nasakote dahil sa pagdukot, tangkang pangingikil sa kapwa kababayan sa Parañaque

July 1, 2022
Pangulong Duterte, nais pairalin pa rin ang pagsusuot ng face mask

Dating Pangulong Duterte, magbabawi ng tulog

July 1, 2022
Isang mayor sa Mexico, buwaya ang partner sa kasal

Isang mayor sa Mexico, buwaya ang partner sa kasal

July 1, 2022
‘Magparehistro na para sa barangay, SK elections’ — Namfrel

‘Magparehistro na para sa barangay, SK elections’ — Namfrel

July 1, 2022
Isang trak, inararo ang 6 na tricycle, motorsiklo sa Dagupan

Isang trak, inararo ang 6 na tricycle, motorsiklo sa Dagupan

July 1, 2022
Conservationist, emosyonal nang mamataan ang malusog na King Cobra sa isang gubat sa Palawan

Conservationist, emosyonal nang mamataan ang malusog na King Cobra sa isang gubat sa Palawan

July 1, 2022
Bokya pa rin: Terrafirma, taob sa TNT

Bokya pa rin: Terrafirma, taob sa TNT

July 1, 2022
Mensahe ni Agot Isidro para sa bansa: ‘Sana matuto ka sa mga pasyang pinili mo’

Mensahe ni Agot Isidro para sa bansa: ‘Sana matuto ka sa mga pasyang pinili mo’

July 1, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.