• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Toni G, tanggap pa rin sa ABS-CBN; puwedeng bumalik kahit kailan

Richard de Leon by Richard de Leon
June 22, 2022
in Showbiz atbp.
0
Toni G, tanggap pa rin sa ABS-CBN; puwedeng bumalik kahit kailan

Toni Gonzaga at ABS-CBN building (Larawan mula sa Manila Bulletin)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Puwede pa raw bumalik sa ABS-CBN si Toni Gonzaga dahil hindi naman daw siya tinanggal dito, kundi ito raw ang kusang nagbitiw, sa kasagsagan ng kampanya, sey ng isang ulat.

Matatandaang nagbitiw bilang main host ng “Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10” si Toni G nang umani siya ng katakot-takot na batikos nang magsilbi siyang host ng proclamation rally ng UniTeam noong Pebrero sa Philippine Arena.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/02/09/mariel-kay-toni-welcome-to-the-outside-world/

Maraming mga netizen, solid Kapamilya fans, at maging ilang mga personalidad na nagtatrabaho sa Kapamilya Network ang nagbuhos ng kanilang reaksiyon at komento sa social media; paano raw naatim ng TV host-actress na ipakilala nang buong taginting ang ilan sa mga kandidato ng UniTeam na naging dahilan ng pagkawala nito ng prangkisa, gaya ni Congressman Rodante Marcoleta.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/02/09/mga-dati-at-kasalukuyang-abs-cbn-workers-dismayado-kina-toni-karla/

Naungkat din ang kasaysayan ng ABS-CBN na nakaranas ng unang shut down sa panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr., na ama ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Ang siste, sa social media lamang daw nagbitiw si Toni, bagay na mababasa sa kaniyang Instagram post noong Pebrero 9.

“It has been my greatest honor to host PBB for 16 years,” saad ng TV host-actress.

“From witnessing all my co-hosts’ transition from housemates to PBB hosts are just some of the best moments in my life sa bahay ni Kuya!”

“Today, I’m stepping down as your main host. I know Bianca and the rest of the hosts will continue the PBB legacy. It has been my privilege to greet you all with ‘Hello Philippines’ and ‘Hello World’ for the last 16 years.”

“I will forever cherish the memories, big nights and moments in my heart. Thank you Kuya for everything.”

“This is your angel, now signing off…”

Bukod sa kaniyang mensahe, kalakip din nito ang kaniyang litrato habang nasa entablado ng PBB.

Kaagad namang nagkomento rito ang dati niyang co-host na si Mariel Rodriguez-Padilla, ang misis ni senatorial aspirant Robin Padilla. Sinambit niya ang sikat na linyang ‘Welcome to the outside world’ na sinasabi ng mga host sa mga na-eevict na PBB housemates tuwing Eviction Night.

“I love you Toni. You are a friend and a sister FOREVER. Welcome to the outside world, Toni.”

Pati ang magsisilbing main host at pinagbilinan ni Toni na si Bianca Gonzalez ay nag-iwan din ng makabagbag-damdaming mensahe para sa kaniya. Si Bianca ay isang Kakampink o tagasuporta ni Vice President Leni Robredo.

“Nobody can ever take your place and do it like you, @celestinegonzaga, nag-iisa ka. Love you both.”

Tumugon din kaagad dito si Mariel, “@iamsuperbianca, friendship goes beyond work, beyond religion, beyond politics… beyond it all. Go make us proud B! You got this! We believe in you!”

Sina Toni, Bianca, at Mariel ang tinaguriang ‘Kuya’s Angels’.

Nabanggit din ni Direk Lauren Dyogi na ang PBB ay si Toni at si Toni ay ang PBB. Hindi umano mapaghihiwalay ang dalawa.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/30/balikan-direk-lauren-sinabing-si-toni-ay-pbb-at-ang-pbb-ay-si-toni/

Masasabing mahal naman ni Toni ang PBB dahil sinabihan niya ang audience sa ginanap na ‘World Expo 2020’ sa Dubai, United Arab Emirates noong Marso 3, 2022, na patuloy itong suportahan at panoorin kahit wala na siya roon bilang main host.

“Sana kahit wala na ako sa PBB, sana manood pa rin kayo ng Pinoy Big Brother. Mahalin pa rin natin si Kuya at ang kanyang mga housemates,” aniya.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/05/toni-may-apela-sana-manood-pa-rin-kayo-ng-pbb-mahalin-pa-rin-natin-si-kuya-at-mga-housemates/

Going back kay Toni, matunog din ang bali-balitang magkakaroon siya ng posisyon sa bagong TV network ni dating Senador Manny Villar, kasama si Wowowin host Willie Revillame, subalit wala pang malinaw na detalye o kumpirmasyon tungkol dito. Papalitan na rin daw ang pangalan nito na “ABS”.

Sa ngayon, mapapanood si Toni sa kaniyang award-winning talk show vlog na “Toni Talks” kung saan una siyang na-cancel dahil sa pagsasagawa ng panayam kay PBBM.

Sa kasalukuyan, wala pa umanong offer ang ABS-CBN kay Toni. Tanong ng bayan, makatulong kaya siya sa muling pagbabalik ng prangkisa nito, lalo’t kamakailan lamang ay napabalita ang pagtungo ni ABS-CBN President at CEO Carlo Katigbak sa isa sa mga opisina ni BBM?

Tags: ABS-CBNtoni gonzaga
Previous Post

‘Unwelcoming’ adopter? Dog breeder, kinansela ang pagpapaampon

Next Post

Pilipinas, nananatiling ‘lower risk’ sa Covid — health usec

Next Post
ALAMIN: Magkano ang kinakailangang kitain ng isang Pilipino upang maging ‘masaya’ ito?

Pilipinas, nananatiling 'lower risk' sa Covid — health usec

Broom Broom Balita

  • Lotto jackpot ng PCSO draw nitong Martes ng gabi, ‘di nasungkit ng mananaya
  • Mga lolang biktima ng panggagahasa noong panahon ng Hapon, nagmartsa para sa hustisya
  • 2 empleyado ng Makati LGU, kasabwat ng mga ito, timbog sa iligal na ‘fixing’
  • Smart locker system sa mga istasyon ng LRT-1, ilulunsad ng LRMC ngayong Pebrero
  • 2 most wanted person sa Laguna, nakorner sa magkahiwalay na operasyon
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.