• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Shookt yarn? Facial expression ng isang aso sa injection, kinagiliwan ng mga netizen

Richard de Leon by Richard de Leon
June 22, 2022
in Balita, Balitang Cute, Features
0
Shookt yarn? Facial expression ng isang aso sa injection, kinagiliwan ng mga netizen

Sonia Geli at Thali (Larawan mula kay Sonia Geli)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Kung may mga taong nanlalaki ang mga mata kapag nakikita na ang karayom ng injection, tila ganito rin ang reaksiyon ng isang aso mula sa Davao City, nang makita niya ang karayom para sa kaniyang CBC test.

Sa kaniyang Facebook post noong Hunyo 3, ibinahagi ng furmommy na si Sonia Geli, 55 anyos, ang panlalaki ng mga mata ng alagang asong si Thali nang makita na ang itutusok na injection sa kaniya, para sa nabanggit na blood extraction.

“I viewed these pics many times paulit-ulit. Kuha kanina during blood extraction ng mga Vet sa mga rescue dogs ko. Late ko na napansin hitsura ni Thali after nireview ko mga pics. Nakakatawa talaga facial expression ni Thali… ang rescue dog namin na takot na takot sa needle.”

“Pero hindi naman siya nag-resist ng kinunan na siya ng dugo kanina for her 2nd CBC Test, ‘yon nga lang ang mukha niya ay hindi talaga mahitsura hehehe. Kahit paliguan siya ganiyan din mukha nya, nagtatakbo, kailangan pa namin dakpin. Titingnan ka muna parang nagmamakaawa na huwag na siyang injectionan o paliguan.”

“Pero basta ako lang ang humawak sa kaniya, feeling kampante na rin siya,” kuwento ni Sonia.

May be an image of 3 people, dog and outdoors
Larawan mula kay Sonia Geli (Sonia Tata William sa Facebook)
No description available.
Larawan mula kay Sonia Geli (Sonia Tata William sa Facebook)

Bilang founder ng Davao Animal Rescue Volunteers Group, malaki ang puso ni Sonia sa pet dogs lalo na ang mga walang permanenteng tirahan o palakad-lakad sa kalye.

Sa dami ng rescue dogs niya ay di maiiwasang magkahawaan ng sakit.

“Pina-CBC complete blood count ko kasi mga rescue dogs ko ng time na ito. Nagkasakit kasi ng blood parasites o Erhlichia ang iba sa kanila dahil sa isang bago ko na rescue dog. Bale nahawa sila. Need ko ipa-CBC para malaman kung sino sa kanila ang mababa na talaga ang platelet,” ani Sonia sa panayam ng Balita Online.

Sinimulan umano ni Sonia ang pag-rescue sa mga aso at pagtatatag ng DARV group noong 2009.

Tags: Davao Animal Rescue Volunteers GroupFurmomSonia GeliThali
Previous Post

Toni Fowler, ‘nabastos’, nag-walk out sa Man of the World coronation night

Next Post

‘Kaloka!’ Buhay ni Tom Rodriguez, nasobrahan sa twist—Lolit

Next Post
‘Kaloka!’ Buhay ni Tom Rodriguez, nasobrahan sa twist—Lolit

'Kaloka!' Buhay ni Tom Rodriguez, nasobrahan sa twist---Lolit

Broom Broom Balita

  • Libreng sakay sa tren, EDSA bus carousel, pinalawig pa!
  • Isang Chinese national, nasakote dahil sa pagdukot, tangkang pangingikil sa kapwa kababayan sa Parañaque
  • Dating Pangulong Duterte, magbabawi ng tulog
  • Isang mayor sa Mexico, buwaya ang partner sa kasal
  • ‘Magparehistro na para sa barangay, SK elections’ — Namfrel
Libreng sakay sa tren, EDSA bus carousel, pinalawig pa!

Libreng sakay sa tren, EDSA bus carousel, pinalawig pa!

July 1, 2022
Umano’y drug dealer, patay sa atake sa puso matapos arestuhin ng pulisya

Isang Chinese national, nasakote dahil sa pagdukot, tangkang pangingikil sa kapwa kababayan sa Parañaque

July 1, 2022
Pangulong Duterte, nais pairalin pa rin ang pagsusuot ng face mask

Dating Pangulong Duterte, magbabawi ng tulog

July 1, 2022
Isang mayor sa Mexico, buwaya ang partner sa kasal

Isang mayor sa Mexico, buwaya ang partner sa kasal

July 1, 2022
‘Magparehistro na para sa barangay, SK elections’ — Namfrel

‘Magparehistro na para sa barangay, SK elections’ — Namfrel

July 1, 2022
Isang trak, inararo ang 6 na tricycle, motorsiklo sa Dagupan

Isang trak, inararo ang 6 na tricycle, motorsiklo sa Dagupan

July 1, 2022
Conservationist, emosyonal nang mamataan ang malusog na King Cobra sa isang gubat sa Palawan

Conservationist, emosyonal nang mamataan ang malusog na King Cobra sa isang gubat sa Palawan

July 1, 2022
Bokya pa rin: Terrafirma, taob sa TNT

Bokya pa rin: Terrafirma, taob sa TNT

July 1, 2022
Mensahe ni Agot Isidro para sa bansa: ‘Sana matuto ka sa mga pasyang pinili mo’

Mensahe ni Agot Isidro para sa bansa: ‘Sana matuto ka sa mga pasyang pinili mo’

July 1, 2022
Alden Richards, Sue Ramirez, magsasama sa isang proyekto sa Amerika

Alden Richards, Sue Ramirez, magsasama sa isang proyekto sa Amerika

July 1, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.