• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Rabiya at Jeric, nag-unfollow na raw sa isa’t isa sa IG; nagkakalabuan na ba?

Richard de Leon by Richard de Leon
June 20, 2022
in Showbiz atbp.
0
Rabiya at Jeric, nag-unfollow na raw sa isa’t isa sa IG; nagkakalabuan na ba?

Jeric Gonzales at Rabiya Mateo (Larawan mula sa IG)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Usap-usapan sa social media ang pag-unfollow na raw sa isa’t isa ng Kapuso couple na sina Rabiya Mateo at Jeric Gonzales ngayong Hunyo 20.

Kapag daw sinearch sa kani-kanilang IG accounts ang mga pangalan nila ay hindi na raw ito lumilitaw.

Napansin din ng mga netizen na tila burado ang mga litrato ni Jeric sa IG ni Rabiya, gayundin ang mga litratong magkasama sila. Kung bibisitahin naman ang IG account ni Jeric, naroon pa naman ang kanilang mga litrato.

Screengrab mula sa IG/Rabiya Mateo at Jeric Gonzales

Kamakailan lamang ay naibuking ng showbiz columnist na si Lolit Solis na tila away-bati raw ang dalawa, at nag-alala pa nga itong baka makaapekto sa showbiz career nila ang mga negatibong balita tungkol sa kanilang relasyon.

Naisyu rin ang mga kumakalat na litrato ni Jeric kung saan tila makikitang may katukaan siyang kapwa lalaki.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/06/13/kumakalat-na-malisyosong-litrato-umano-ni-jeric-gonzales-usap-usapan-anong-sey-ni-rabiya/

Bagay na pinasinungalingan naman ng ilang mga netizen at sinabing screengrab ito mula sa indie film ng aktor noong 2020.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/14/viral-photos-ni-jeric-gonzales-na-nilagyan-ng-malisya-kuha-raw-sa-indie-film/

Tanong ng bayan, nauwi na ba sa hiwalayan ang kanilang away-bati? Nagmistulang indikasyon kasi na on the rocks ang relasyon ng mga mag-jowang celebrity kapag nag-unfollow na ang mga ito sa kani-kanilang social media accounts.

Kung totoo man daw ito, marami sa mga tagahanga nila ang nanghihinayang dahil kamakailan lamang ay ibinahagi pa nilang dalawa ang kanilang post-date night photo upang ipakitang maayos sila at hindi pa nagkakalabuan.

Ibinalandra at kinumpirma ng dalawa ang kanilang relasyon noong Marso 2022.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/17/sa-yo-na-korona-rabiya-mateo-miss-universe-sa-puso-ni-jeric-gonzales-kailan-nagsimula/

Wala pang tugon o pahayag ang kampo nina Jeric at Rabiya tungkol dito.

Tags: Jeric GonzalesRabiya Mateo
Previous Post

Pressure! Robin, numero unong senador, dapat pang-numero uno rin ang performance—Lolit

Next Post

Heart Evangelista, sinupalpal ang netizen na nagsabing gold digger siya

Next Post
Heart Evangelista, sinupalpal ang netizen na nagsabing gold digger siya

Heart Evangelista, sinupalpal ang netizen na nagsabing gold digger siya

Broom Broom Balita

  • Joey De Leon, nagpahiwatig na lilipat na sila ng TVJ sa TV5?
  • Pope Francis, nakiramay sa mga biktima ng salpukan ng 3 tren sa India
  • Annette Gozon-Valdes, bet pa ring makatrabaho ang TVJ, iba pang EB hosts sa GMA
  • Mga magbababoy, nagpapasaklolo na sa gobyerno vs African swine fever
  • ‘Tita lang po ako!’ Babaeng napagkakamalang ina, naglagay ng ‘disclaimer’ sa likod
Joey De Leon, nagpahiwatig na lilipat na sila ng TVJ sa TV5?

Joey De Leon, nagpahiwatig na lilipat na sila ng TVJ sa TV5?

June 4, 2023
Pope Francis, nanawagang itigil na ang karahasan sa Sudan

Pope Francis, nakiramay sa mga biktima ng salpukan ng 3 tren sa India

June 4, 2023
Annette Gozon-Valdes, bet pa ring makatrabaho ang TVJ, iba pang EB hosts sa GMA

Annette Gozon-Valdes, bet pa ring makatrabaho ang TVJ, iba pang EB hosts sa GMA

June 4, 2023
Indefinite ban vs karneng baboy, pinalawig pa sa Negros Oriental dahil sa ASF

Mga magbababoy, nagpapasaklolo na sa gobyerno vs African swine fever

June 4, 2023
‘Tita lang po ako!’ Babaeng napagkakamalang ina, naglagay ng ‘disclaimer’ sa likod

‘Tita lang po ako!’ Babaeng napagkakamalang ina, naglagay ng ‘disclaimer’ sa likod

June 4, 2023
Guro sa kindergarten, kinaaliwan dahil sa iba’t ibang uri ng palakpak

Guro sa kindergarten, kinaaliwan dahil sa iba’t ibang uri ng palakpak

June 4, 2023
Cagayan, niyanig ng magnitude 4.5 na lindol

Davao Occidental, niyanig ng magnitude 4.1 na lindol

June 4, 2023
Sparkle artists na isasabak sa bagong Eat Bulaga, lagyan daw ng name plate

Sparkle artists na isasabak sa bagong Eat Bulaga, lagyan daw ng name plate

June 4, 2023
‘Mala-tigre na!’ Pusang sinlaki ng Siberian husky, pukaw-atensyon

‘Mala-tigre na!’ Pusang sinlaki ng Siberian husky, pukaw-atensyon

June 4, 2023
PCSO: P29.7M jackpot prize ng Grand Lotto 6/55, napanalunan na rin ng taga-Batangas

2 mananaya, maghahati sa P42.7- M Lotto 6/42 jackpot prize

June 4, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.