• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Lani, nadulas tungkol sa jowa ni Sandro; isang ‘starlet’ daw, sey ni Lolit

Richard de Leon by Richard de Leon
June 20, 2022
in Showbiz atbp.
0
Lani, nadulas tungkol sa jowa ni Sandro; isang ‘starlet’ daw, sey ni Lolit

Sandro Marcos at Alexa Miro (Larawan mula sa Manila Bulletin)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Hindi raw sinasadyang madulas at maibuking ni Bacoor City Representative Lani Mercado habang naka-Facebook Live, ang tungkol sa sikretong pakikipagrelasyon ni Ilocos Norte Representative Sandro Marcos.

Pareho kasing dumalo ang dalawa sa inagurasyon ni Vice President Sara Duterte sa Davao City nitong Linggo, Hunyo 19.

Ang Facebook Live ay isinagawa naman ng mister ni Lani na si Senador Bong Revilla. Makikitang matapos mag-shakehands ay biniro ni Lani si Sandro, ayon sa ulat ng Philippine Entertainment Portal o PEP.

“Hello, Sandro. Ang girlfriend mo pala is taga-Bacoor. Nakuwento ni Bryan sa akin,” ani Cong. Lani na ang tinutukoy na “Bryan” ay si Bryan Revilla, panganay nila ni Sen. Bong.

“Yes po” ang tugon naman dito ni Sandro. Ngunit pahabol niya kay Lani, “But atin-atin lang ‘yan, ha?”

Tugon naman ni Lani, “Yes, Sir.”

Sa Instagram post naman ng showbiz columnist na si Manay Lolit Solis, tinukoy niya na ang jowa ni Sandro Marcos ay ang “starlet” na si Alexa Miro, na mapapanood naman sa noontime show na “Lunch Out Loud” sa TV5.

“Talagang nagkaroon ng baptism of fire sa showbiz si Sandro Marcos, Salve. Usapan na nali-link siya kay Alexa Miro, isang sexy starlet na kasali sa Lunch Out Loud. Bongga, crush ng bayan ang batang Marcos, heto at meron pala isang starlet na nakuha ang attention ng binata.”

“Kaloka dahil isang achiever si Sandro na sa batang edad ay isa ng congressman at hinuhulaan na mas mataas pa ang mararating sa larangan ng pulitika. Wala naman masama na ma-link siya kay Alexa dahil pareho naman silang single. Hindi naman ibig sabihin ito na ang isang seryosong relasyon.”

“Single at puwede mag-mingle lahit kanino si Cong. Sandro at tiyak na marami pa ang mali-link sa kaniya dahil prize catch siya na isang certified bachelor. Maraming babae na gugustuhin ma-link sa kaniya, kaya humanda na siya sa mga balitang tulad nito. Lalo pa nga at ngayon lang uli nagkaroon ng eligible bachelor na mataas ang premium para sa mga naghahanap ng Papa, hah hah hah. Huwag lang kay Gorgy at Salve ma-link si Cong. Sandro, ok lang, no problem. Binatang-binata at pogi, shy not,” ani Lolit.

View this post on Instagram

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)

Samantala, wala pang tugon o pahayag dito si Cong. Sandro Marcos.

Tags: Alexa MiroSandro Marcos
Previous Post

Mas maluwag? Physical distancing sa mga paaralan sa next SY, pinaluluwagan na ng DOH

Next Post

Pressure! Robin, numero unong senador, dapat pang-numero uno rin ang performance—Lolit

Next Post
Pressure! Robin, numero unong senador, dapat pang-numero uno rin ang performance—Lolit

Pressure! Robin, numero unong senador, dapat pang-numero uno rin ang performance---Lolit

Broom Broom Balita

  • Annette Gozon-Valdes, bet pa ring makatrabaho ang TVJ, iba pang EB hosts sa GMA
  • Mga magbababoy, nagpapasaklolo na sa gobyerno vs African swine fever
  • ‘Tita lang po ako!’ Babaeng napagkakamalang ina, naglagay ng ‘disclaimer’ sa likod
  • Guro sa kindergarten, kinaaliwan dahil sa iba’t ibang uri ng palakpak
  • Davao Occidental, niyanig ng magnitude 4.1 na lindol
Indefinite ban vs karneng baboy, pinalawig pa sa Negros Oriental dahil sa ASF

Mga magbababoy, nagpapasaklolo na sa gobyerno vs African swine fever

June 4, 2023
‘Tita lang po ako!’ Babaeng napagkakamalang ina, naglagay ng ‘disclaimer’ sa likod

‘Tita lang po ako!’ Babaeng napagkakamalang ina, naglagay ng ‘disclaimer’ sa likod

June 4, 2023
Guro sa kindergarten, kinaaliwan dahil sa iba’t ibang uri ng palakpak

Guro sa kindergarten, kinaaliwan dahil sa iba’t ibang uri ng palakpak

June 4, 2023
Cagayan, niyanig ng magnitude 4.5 na lindol

Davao Occidental, niyanig ng magnitude 4.1 na lindol

June 4, 2023
Sparkle artists na isasabak sa bagong Eat Bulaga, lagyan daw ng name plate

Sparkle artists na isasabak sa bagong Eat Bulaga, lagyan daw ng name plate

June 4, 2023
‘Mala-tigre na!’ Pusang sinlaki ng Siberian husky, pukaw-atensyon

‘Mala-tigre na!’ Pusang sinlaki ng Siberian husky, pukaw-atensyon

June 4, 2023
PCSO: P29.7M jackpot prize ng Grand Lotto 6/55, napanalunan na rin ng taga-Batangas

2 mananaya, maghahati sa P42.7- M Lotto 6/42 jackpot prize

June 4, 2023
Dagdag P1.10 per liter sa gasolina, asahan sa June 29

Rollback sa presyo ng produktong petrolyo, asahan sa Martes

June 3, 2023
10 boya, ‘di inaalis sa WPS — PCG

10 boya, ‘di inaalis sa WPS — PCG

June 3, 2023
Crater glow, naobserbahan: 13 rockfall events, pagyanig naitala rin sa Mayon Volcano

Crater glow, naobserbahan: 13 rockfall events, pagyanig naitala rin sa Mayon Volcano

June 3, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.