• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita National / Metro

Philippine Arena, planong gawing viewing area para sa inagurasyon ni Marcos

Balita Online by Balita Online
June 19, 2022
in National / Metro, Probinsya
0
Philippine Arena, planong gawing viewing area para sa inagurasyon ni Marcos
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Pinaplano na ngayon ng Philippine National Police (PNP) na gamitin ang Philippine Arena sa Bocaue at Sta. Maria sa Bulacan bilang viewing area para sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand Marcos, Jr. sa susunod na linggo.

Idinahilan ni PNP director for operations, Maj. Gen. Valeriano de Leon nitong Linggo, na akma ang nasabing pinakamalaking multipurpose indoor arena sa buong mundo, na pagkakabitan ng malaking LED television upang masaksihan ng mga supporters ang panunumpa sa tungkulin ni Marcos sa National Museum sa susunod na linggo, Hunyo 30.

“If the Philippine Arena were used as a remote viewing area, it could accommodate around 70,000 inside and another 100,000 outside, particularly in the front area of the arena,” pahayag ni De Leon.

Nakikipag-ugnayan na aniya sila sa kampo ni Marcos upang mailatag ang kanilang mungkahing gamitin ang lugar para sa inaasahang pagdagsa ng supporters nito.

Bukod dito, nais din nilang gamitin ang Philippine Sports Center (PSC) sa Pasig City bilang viewing area para sa live streaming ng inagurasyon. Kayang i-accommodate ng PSC ang aabot sa 40,000 katao.

Pinag-aaralan din nilang gamitin ang North Luzon Express Terminal sa Bulacan at ang Mall of Asia sa Pasay City para sa nasabing okasyon.

“If viewing areas were set up in these areas, then they could greatly reduce the number of people at the National Museum in Manila, which can only accommodate a limited number of people,” anang heneral.

Sa pagtaya ni De Leon, aabot sa 1,200 ang inaasahang dadalo sa inagurasyon ni Marcos sa National Museum.

Nakahanda na rin aniya ang mga tauhan nitong ipakakalat sa loob at bisinidad ng pagdarausan ng inagurasyon.

PNA

Previous Post

Manay Lolit Solis, ikinatuwa ang pagkakaayos nina Shawie at Panelo

Next Post

PRRD, present sa inagurasyon ni VP Sara Duterte

Next Post
PRRD, present sa inagurasyon ni VP Sara Duterte

PRRD, present sa inagurasyon ni VP Sara Duterte

Broom Broom Balita

  • De Lima matapos ang operasyon: ‘I feel generally fine’
  • Xian Gaza kay Dennis Padilla: ‘Yung Father’s Day greeting ay hindi hinihingi sa mga anak, ine-earn yan’
  • Dalagang may kapansanan, nagtapos bilang cum laude sa Pangasinan
  • ROTC bill, ihahain ulit ni Dela Rosa
  • Duterte sa mga Pinoy: ‘Maraming-maraming salamat’
De Lima sa hindi paghingi ng tawad ni Duterte sa mga drug war victim: ‘History will judge him’

De Lima matapos ang operasyon: ‘I feel generally fine’

June 27, 2022
Xian Gaza kay Dennis Padilla: ‘Yung Father’s Day greeting ay hindi hinihingi sa mga anak, ine-earn yan’

Xian Gaza kay Dennis Padilla: ‘Yung Father’s Day greeting ay hindi hinihingi sa mga anak, ine-earn yan’

June 27, 2022
Dalagang may kapansanan, nagtapos bilang cum laude sa Pangasinan

Dalagang may kapansanan, nagtapos bilang cum laude sa Pangasinan

June 27, 2022
ROTC bill, ihahain ulit ni Dela Rosa

ROTC bill, ihahain ulit ni Dela Rosa

June 27, 2022
Duterte sa mga Pinoy: ‘Maraming-maraming salamat’

Duterte sa mga Pinoy: ‘Maraming-maraming salamat’

June 27, 2022
Converge, biniktima ng San Miguel

Converge, biniktima ng San Miguel

June 26, 2022
Daily average cases ng Covid-19, ‘di na umaabot sa 400

Covid-19 cases sa PH, lalo pang tumaas

June 26, 2022
4 patay, 1 pa nawawala sa tumaob na fishing boat sa Bataan

4 patay, 1 pa nawawala sa tumaob na fishing boat sa Bataan

June 26, 2022
₱105M illegal drugs, naharang sa Central Visayas

₱105M illegal drugs, naharang sa Central Visayas

June 26, 2022
Paggamit ng face masks, mahigpit pa ring ipinatutupad sa Baguio City

Paggamit ng face masks, mahigpit pa ring ipinatutupad sa Baguio City

June 26, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.