• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Kris Aquino, maganda ang response ng katawan sa treatments, sabay-sabay daw ipanalangin

Richard de Leon by Richard de Leon
June 19, 2022
in Showbiz atbp.
0
Kris Aquino, maganda ang response ng katawan sa treatments, sabay-sabay daw ipanalangin

Kris Aquino (Screengrab mula sa IG)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Isa sa mga napag-usapan nina Ogie Diaz at mga kasamang sina Mama Loi at Dyosa Pockoh sa “Ogie Diaz Showbiz Update” ay ang kasalukuyang kondisyon ni Queen of All Media Kris Aquino na nasa Houston, Texas, USA para sa kaniyang gamutan.

Ayon umano sa source ni Ogie, mabuti raw ang response ng katawan ni Kris sa treatments na isinasagawa sa kaniya. Mukhang aabutin umano ng isang taon ang pamamalagi ni Krissy doon upang magpagamot.

“In fairness naman, sabi ng aking source, eh nagre-respond naman daw si Kris Aquino sa mga treatments na isinasagawa sa kaniya,” pahayag ng showbiz columnist.

Ang huling update ni Kris tungkol sa kaniya ay noong Hunyo 3.

“Iyong iba kasi wala sila nababasa tungkol kay Kris. Kumbaga siguro nag-absent muna, nagpahinga pansumandali itong si Kris Aquino. Pero malay natin hindi rin makakatiis ang lola n’yo. Babalitaan din niya kayo straight from the horse’s mouth, live from Houston, Texas.”

Matatandaang sa kaniyang huling Instagram post ay sinabi ni Kris na medyo matagal-tagal siyang makakapag-update.

“Maraming salamat po sa lahat ng nagdasal for my recovery. Here’s the TRUTH as explained by my attending physician Dr. Niño Gavino, an exceptional Filipino American doctor based in Houston who successfully diagnosed what’s really wrong with my health,” ani Kris.

“I’ll miss you- my friends & followers very much. Time is now my enemy, naghahabol kami hoping na wala pang permanent damage to the blood vessels leading to my heart.”

“So many people to thank but I choose to do that privately. #grateful.”

“For now and the next few years- sadly, it’s goodbye. Praying na kayanin ng katawan ko itong matinding pagsubok.”

“Kahit 17 hours away na kami nila Kuya Josh & Bimb to fly to & the Pacific Ocean separates the (bandila ng Pilipinas) from (bandila ng USA), I’d still like to end this with #lovelovelove.”

View this post on Instagram

A post shared by Kristina Bernadette Cojuangco Aquino (@krisaquino)

Samantala, sa kaniyang entertainment vlog na “Showbiz Now Na”, nanawagan naman si showbiz columnist Cristy Fermin para sa sabay-sabay na panalangin para kay Kris.

“Isang source ko po ang nagkuwento na ito ‘yong hospital nasa kabilang building (muwestra) sa isang facility dahil kailangan muna niyang sumailalim sa eksaminasyon ng kaniyang vital signs. Kailangan naman talaga ‘yon… Vital signs muna chine-check up muna kung anong kaya o anong hindi. Unang-una si Kris hindi puwede sa stereoids. Ang epekto sa kaniya ng stereoids, nabibiyak-biyak ‘yong kaniyang balat, nanghihina, bumabagsak, kuwento ni Cristy.

“Ang sama-samang panalangin po ay mas mabilis na nadidinig at nakararating sa langit,” aniya pa.

Tags: Cristy Ferminkris aquinoOgie Diaz
Previous Post

Alex Gonzaga, ibinahagi ang ‘words of wisdom’ hinggil sa pagpapakumbaba, pag-iwas sa mga toxic

Next Post

Zeinab Harake, binati ang mga nanay na tumatayo bilang ama

Next Post
Zeinab Harake, binati ang mga nanay na tumatayo bilang ama

Zeinab Harake, binati ang mga nanay na tumatayo bilang ama

Broom Broom Balita

  • DA official na nag-utos na umangkat ng asukal, nag-resign –Malacañang
  • Senior citizen na nahaharap sa anim na bilang ng kasong rape, timbog
  • Manay Lolit, ‘di kumbinsido sa intrigang hiwalay na sina Heart at Chiz
  • 3 marijuana courier, hinatulan ng multang P500K, habambuhay na pagkakakulong
  • John Arcilla, ‘pinagbabantaan’ ng mga gigil na gigil na netizen dahil sa role niya sa ‘Ang Probinsyano’
DA official na nag-utos na umangkat ng asukal, nag-resign –Malacañang

DA official na nag-utos na umangkat ng asukal, nag-resign –Malacañang

August 12, 2022
Isang magsasaka, patay matapos pagtatagain ng kapwa magsasaka sa Quezon

Senior citizen na nahaharap sa anim na bilang ng kasong rape, timbog

August 12, 2022
Manay Lolit, ‘di kumbinsido sa intrigang hiwalay na sina Heart at Chiz

Manay Lolit, ‘di kumbinsido sa intrigang hiwalay na sina Heart at Chiz

August 12, 2022
4 na suspek, arestado para sa pagnanakaw ng aabot sa P300K halaga ng construction materials sa Maynila

3 marijuana courier, hinatulan ng multang P500K, habambuhay na pagkakakulong

August 12, 2022
John Arcilla, ‘pinagbabantaan’ ng mga gigil na gigil na netizen dahil sa role niya sa ‘Ang Probinsyano’

John Arcilla, ‘pinagbabantaan’ ng mga gigil na gigil na netizen dahil sa role niya sa ‘Ang Probinsyano’

August 12, 2022
Chinese, 3 pa huli! ₱2.5B illegal drugs, nabisto sa warehouse sa Pangasinan

Chinese, 3 pa huli! ₱2.5B illegal drugs, nabisto sa warehouse sa Pangasinan

August 12, 2022
Drug den sa Camiling, Tarlac, bistado; 6 suspek, nakorner

Drug den sa Camiling, Tarlac, bistado; 6 suspek, nakorner

August 12, 2022
KC Montero, ipinagtanggol si Alex: Viral stint ni Matteo sa ‘Tropang LOL,’ prank lang

KC Montero, ipinagtanggol si Alex: Viral stint ni Matteo sa ‘Tropang LOL,’ prank lang

August 12, 2022
Vince Tañada nalungkot sa mga piniling salita sa ‘Katips’ review ni Suzette Doctolero

Vince Tañada nalungkot sa mga piniling salita sa ‘Katips’ review ni Suzette Doctolero

August 12, 2022
₱272M shabu, naharang sa La Union–2 arestado — PDEA

₱272M shabu, naharang sa La Union–2 arestado — PDEA

August 12, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.