• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

‘Ang Hari at Reyna ng buong kampanya ko!’ GMA, Mike Arroyo, secret weapon ni Robin sa pagkapanalo

Richard de Leon by Richard de Leon
July 17, 2022
in Balita, National, National / Metro, Showbiz atbp.
0
‘Ang Hari at Reyna ng buong kampanya ko!’ GMA, Mike Arroyo, secret weapon ni Robin sa pagkapanalo

Senador Robin Padilla, dating Pangulong at Pampanga congresswoman Gloria Macapagal Arroyo, at Mike Arroyo (Larawan mula sa FB)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ibinahagi ni Senador Robin Padilla na ang secret weapon niya sa pagiging number 1 at pagkapanalo bilang senador sa nagdaang halalan ay ang mag-asawang sina dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at dating First Gentleman Mike Arroyo.

Sa kaniyang Facebook post nitong Sabado, Hunyo 18, tinawag ni Robin ang mag-asawa bilang “Hari at Reyna ng buong kampanya” niya. Marami umano ang nagtatanong sa kaniya kung ano ang naging sikreto niya at naging numero uno siya sa ranking ng 12 senador na nagwagi.

“Ang Hari at Reyna ng buong kampanya ko,” ani Robin. Isinama rin niya ang kaniyang ‘utol’ o ang anak ng mag-asawa na si Mikee Arroyo.

Ninang pala sa kasal ni Robin si PGMA noong siya ay nasa Bilibid pa raw. Ganoon na raw katagal ang pagmamalasakit nito sa kaniya.

“Mula noon sa kulungan hanggang sa naging mga suspect kami bilang mga extremist, si ninang GMA ang laging tumatayo sa gitna at ipinagtatanggol ako at inaayos ang buhay ko. Hindi niya kailanman ako pinabayaan. Pinangatawanan niya ang pagiging ninang niya.”

“Si first gentleman naman hindi ako iniwan mula noon. Naaalala ko pa ng presidente ako ng MUAY THAI Philippines, nagkaroon ng Southeast Asian games, pinuntahan pa kami ni first gentleman habang nagte-training ang mga fighters ko at binigyan kami ng moral support at sa araw na lalaban na kami.”

Ibinahagi rin ni Robin kung paano siya tinulungan ng mag-asawa sa nagdaang pangangampanya.

“Ngayon naman eleksyon, nabalitaan ni ninang wala akong logistics. Nagsagawa siya ng mga conference at convention para sa akin. Inikot ako sa Pampanga at sa Iloilo.”

“Sagot lahat ni FG.”

“Wala akong kagastos-gastos.”

Ang resulta raw nito ay naging numero uno si Robin sa Pampanga at Iloilo.

Sa dulo ng kaniyang post ay pinasalamatan at binigyang-pugay ni Robin ang mag-asawa gayundin ang mga Kapampangan at Ilonggo.

Tags: Mike ArroyoPresident Gloria Macapagal ArroyoSenador Robin Padilla
Previous Post

Carlos Yulo, humablot pa ng 2 gold medals sa Qatar Asian Championships

Next Post

Ai Ai, umuwi sa QC kahit persona non grata: ‘Di ako gumawa ng triangle seal na ginamit sa video’

Next Post
Ai Ai, umuwi sa QC kahit persona non grata: ‘Di ako gumawa ng triangle seal na ginamit sa video’

Ai Ai, umuwi sa QC kahit persona non grata: 'Di ako gumawa ng triangle seal na ginamit sa video'

Broom Broom Balita

  • ‘Mala-Taken movie!’ Camille Prats, nag-story time kung paano naibalik ang phone
  • Lalaki, nagtamo ng 2nd degree burn sa isang sunog sa Pasay; 12 pamilya, apektado
  • 2 eksperto, sinita si Vice Ganda, ang It’s Showtime at ABS-CBN kasunod ng viral na pag-iyak ni ‘Kulot’
  • Friends-with-benefits na ‘di magulo? Nadine Lustre, may advice sa notoryus na setup
  • PBBM sa pagtanggi ng ICC sa apela ng PH hinggil sa drug war: ‘We are disengaging’
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.