• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Paolo sa bashers ng pa-kaldereta ni Yen: ‘Bakit hindi nila problemahin ang pagtaas ng gas at mga bilihin?’

Richard de Leon by Richard de Leon
June 18, 2022
in Showbiz atbp.
0
Paolo sa bashers ng pa-kaldereta ni Yen: ‘Bakit hindi nila problemahin ang pagtaas ng gas at mga bilihin?’

Paolo Contis at Yen Santos (Larawan mula sa Manila Bulletin)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Agad na nakarating sa kaalaman ni Kapuso actor Paolo Contis na pinapiyestahan na naman ng mga “online Marites” ang Facebook post niya kung saan pinasalamatan niya ang kaniyang kaibigang si Yen Santos, nang padalhan siya nito ng kaldereta.

Makikita sa Facebook post ni Paolo noong Lunes, Hunyo 14, ang pag-flex niya sa kaniyang kinakaing kaldereta at brown rice, at naka-tag ito sa Facebook account ng isang “Lilieyen Santos”, na kung bibisitahin ay makikilang kay Yen.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/15/pa-kaldereta-as-a-friend-paolo-contis-pinasalamatan-si-yen-santos-dahil-sa-ulam/

“Kaldereta! Pero brown rice! Thank you Lilieyen Santos,” saad ni Paolo sa kaniyang caption.

“My pleasure,” sey ni Yen.

At mukhang humihirit naman ng adobo si Paolo.

“Adobo next?”

“Abusado ka naman,” pabirong saad ni Yen.

Ganting banat ni Paolo, “Grabe ka naman! Pagod agad???”

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/15/paolo-humirit-ng-adobo-matapos-lantakan-kaldereta-ni-yen/

Sa panayam ng Philippine Entertainment Portal o PEP kay Paolo, tila dismayado umano ang aktor dahil nagawa pang pag-usapan ng mga netizen ang kaniyang post, na sa palagay niya ay ipinost naman niya sa private account. Hinala niya, baka isa sa mga friend niya na naka-add doon ang naglabas nito sa publiko.

“Masyado nang pakikialam sa buhay ng may buhay… Bakit hindi nila problemahin ang pagtaas ng gas at mga bilihin? Huwag kami,” sey ni Paolo.

“Bash sila nang bash, busog naman ako!” dagdag pa niya.

Nang tanungin kung napadalhan na ba siya ng adobo, hindi pa raw, tugon ng aktor.

Matatandaang hanggang ngayon ay hindi pa rin nililinaw ng dalawa ang tunay na estado ng kanilang ugnayan, matapos maintriga dahil sa hiwalayang Paolo at LJ.

Bagama’t nagsalita na si Paolo at dinepensahan na si Yen tungkol sa isyu, hanggang ngayon ay hindi pa rin lumilitaw si Yen upang ipaliwanag naman ang kaniyang panig.

Ngunit ayon naman kay Manay Lolit Solis, talent manager ni Paolo, wala naman daw sigurong masama kung magkamabutihan man ang dalawa dahil nakipaghiwalay na ang aktor sa kaniyang partner na si LJ Reyes.

Sa palagay raw niya, kaya malapit si Paolo kay Yen ay dahil “mother figure” daw kasi ang aktres at masarap kasama.

Tags: Paolo ContisYen Santos
Previous Post

Unang gold medal ng Pilipinas sa Qatar Asian Championships, nasungkit ni Carlos Yulo

Next Post

Tricia Robredo sa amang si Jesse: ‘The OG who taught us how to dream’

Next Post
Tricia Robredo sa amang si Jesse: ‘The OG who taught us how to dream’

Tricia Robredo sa amang si Jesse: 'The OG who taught us how to dream'

Broom Broom Balita

  • ‘Ginagawa kaming bobo’: Ogie Diaz, sinupalpal ang bashers ng kaniyang showbiz channel
  • ‘Darna’ Jane De Leon sa ratrat ng bashers: ‘Sobrang apektado rin talaga ako’
  • DOH, nakapagtala na ng mahigit 1,000 kaso ng leptospirosis sa bansa
  • Lider ng isang gun for hire group na nag-ooperate sa Tarlac at Pampanga, nabitag
  • 924 pang bagong kaso ng Omicron subvariants, natukoy ng DOH sa Pinas
‘Ginagawa kaming bobo’: Ogie Diaz, sinupalpal ang bashers ng kaniyang showbiz channel

‘Ginagawa kaming bobo’: Ogie Diaz, sinupalpal ang bashers ng kaniyang showbiz channel

August 9, 2022
‘Darna’ Jane De Leon sa ratrat ng bashers: ‘Sobrang apektado rin talaga ako’

‘Darna’ Jane De Leon sa ratrat ng bashers: ‘Sobrang apektado rin talaga ako’

August 9, 2022
DOH, nag-iimbestiga na ukol sa spam messages; contract tracing, magpapatuloy

DOH, nakapagtala na ng mahigit 1,000 kaso ng leptospirosis sa bansa

August 9, 2022
Lider ng isang gun for hire group na nag-ooperate sa Tarlac at Pampanga, nabitag

Lider ng isang gun for hire group na nag-ooperate sa Tarlac at Pampanga, nabitag

August 9, 2022
DOH, nakapagtala ng dagdag 28,471 bagong kaso ng COVID-19

924 pang bagong kaso ng Omicron subvariants, natukoy ng DOH sa Pinas

August 9, 2022
VM Lacuna, nanawagan ng respeto para sa LGBTQ+ community

Best health care service para sa Manileño hanggang sa taong 2030, target ni Mayor Honey

August 9, 2022
‘Where is SB19?’: A’TIN, may teyorya sa nilulutong pasabog ng P-pop kings

‘Where is SB19?’: A’TIN, may teyorya sa nilulutong pasabog ng P-pop kings

August 9, 2022
Metro Manila, ‘prime candidate’ para sa pagpapatuloy ng face-to-face classes — CHED

Pagtaas ng Covid-19 cases sa pagbabalik ng F2F classes, posible!

August 9, 2022
Cardinal Tagle, kabilang sa nangungunang kandidato para pumalit kay Pope Francis

Cardinal Tagle, kabilang sa nangungunang kandidato para pumalit kay Pope Francis

August 9, 2022
‘Outdated’ website ng BIR, bakit kinuyog ng netizens?

‘Outdated’ website ng BIR, bakit kinuyog ng netizens?

August 9, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.