Hindi sinipot ni Jose Antonio San Vicente ang unang pagdinig ng kanyang kaso sa Mandaluyong City Prosecutor’s Office kaugnay ng pananagasa nito sa isang guwardiya sa Mandaluyonig City noong Hunyo 5.
Dismadayo naman ang abogado ng biktimang si Christian Joseph Floralde na si Atty. Federico Biolena, sa nasabing pasya ni San Vicente.
“Medyo disappointed, pero may hustisya naman tayo,” banggit ni Biolena nang kapanayamin ng mga mamamahayag pagkatapos ng pagdinig.
Dumating naman sa pagdinig si Floralde at inaalalayan ito dahil sa iniindang sakit sa bahagi ng katawan na resulta ng pagkasagasa sa kanya ni San Vicente sa panulukan ng Julia Vargas Avenue at St. Francis St., Mandaluyong noong nakaraang Linggo.
Binanggit naman ng legal counsel ni San Vicente na si Danny Macalino, hindi pa kinakailangang dumalo sa pagdinig ang kliyente nito dahil magsusumite pa sila ng counter affidavit.
Hindi pa rin aniya nagkakasundo ang mga magulang ni San Vicente para sa posibleng pag-areglo sa biktima.
Itinakda ng piskalya ang susunod na pagdinig sa Hunyo 23.