• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Ama ng nanagasang SUV driver, sangkot nga ba sa ‘pagpatay’ sa Fil-Chi businessman noong 1995?

Nicole Therise Marcelo by Nicole Therise Marcelo
June 17, 2022
in Balita, Features, National / Metro
0
Ama ng nanagasang SUV driver, sangkot nga ba sa ‘pagpatay’ sa Fil-Chi businessman noong 1995?

Screenshot from Pulis at Ur Service Reloaded/FV LIVE

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Sangkot umano sa pagpatay sa isang Filipino-Chinese businessman si Joel Sanvicente, ama ng nag-viral na SUV driver na nanagasa ng isang security guard sa Mandaluyong City, kamakailan.

Ayon sa panayam kay Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) president Arsenio “Boy” Evangelista ng abogado.com.ph nito lamang Huwebes, Hunyo 16, si Sanvicente ang inakusahang pumatay sa isang lalaki sa harap ng ATM booth ng Far East Bank sa Katipunan Avenue, Quezon City noong Hunyo 11, 1995 dakong 5:30 ng hapon.

Sinabi umano ni Evangelista na binaril umano ni Sanvicente ang lalaki na nagngangalang Dennis Wong, na isa umanong Filipino-Chinese businessman. 

Sa record ng Korte Suprema, binaril umano ni Sanvicente si Wong matapos umano siyang tangkaing pagnawakan ng malaking pera na kaka-withdraw lamang niya mula sa ATM.

Natagpuan ng mga rumespondeng pulis ang nakahandusay na biktima sa parking space sa harap ng nasabing bangko.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang limang basyo ng bala ng Cal. 45 pistol, dalawang bala ng nasabing baril at isang ATM card na may pangalang Violeta Sanvicente.

Ipinakita rin sa record ng Korte Suprema na ang isinuko ni Joel Sanvicente na Cal. 45 sa pamamagitan ng kanyang abogado, ay tumugma sa mga slug at shell na natagpuan sa lugar ng krimen.

Ang kotse naman nito ay narekober ng mga imbestigador sa isang lugar sa San Isidro, Nueva Ecija noong Hunyo 13, 1995, dalawang araw matapos barilin si Wong.

Bukod dito, ang Medico-Legal Officer na nagsagawa ng autopsy sa bangkay ni Wong ay nabigong humarap sa paglilitis. 

Humiling umano ang kampo ni Sanvicente na maghain ng ‘demurrer to evidence’ na pinagbigyan ng trial court. 

Noong Agosto 29, 1996, naghain ng ‘Motion to Dismiss’ ang kampo ng akusado dahil sa kawalan ng positibong pagkakakilanlan sa pumatay kay Wong. 

At noong Oktubre 7, 1996, naglabas ng kautusan ang trial court na nagbabasura sa kaso ni Sanvicente dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Kaugnay nito, ibinunyag ni Evangelista na ang Joel Sanvicente na kinasuhan sa pagpatay kay Wong at ama ng viral SUV driver na si Jose Antonio Sanvicente, ay iisang tao.

Tags: Dennis WongJoel SanvicenteJose Antonio Sanvicente
Previous Post

2022 NBA Finals: Warriors, kampeon vs Celtics

Next Post

Mariel Rodriguez, proud na proud kay Robin: ‘Robin was born to be GREAT’

Next Post
Mariel Rodriguez, proud na proud kay Robin: ‘Robin was born to be GREAT’

Mariel Rodriguez, proud na proud kay Robin: 'Robin was born to be GREAT'

Broom Broom Balita

  • Booster shot para sa mga bata, hiniling maisagawa bago magbalik-eskuwela
  • Marjorie, may pasabog sa takdang panahon; mga anak, bakit nga ba dinededma si Dennis?
  • Tuesday Vargas, inalala ang mga pinagdaanan: ‘Dati kapag namimili ako, nagdadala ako ng calculator’
  • Rica, ibinahagi ang sagot ng panganay na anak noon kapag nakaharap si outgoing VP Leni
  • Lahar flow, naitala sa Mt. Bulusan — Phivolcs
Booster shot para sa mga bata, hiniling maisagawa bago magbalik-eskuwela

Booster shot para sa mga bata, hiniling maisagawa bago magbalik-eskuwela

June 27, 2022
Marjorie, may pasabog sa takdang panahon; mga anak, bakit nga ba dinededma si Dennis?

Marjorie, may pasabog sa takdang panahon; mga anak, bakit nga ba dinededma si Dennis?

June 27, 2022
Tuesday Vargas, inalala ang mga pinagdaanan: ‘Dati kapag namimili ako, nagdadala ako ng calculator’

Tuesday Vargas, inalala ang mga pinagdaanan: ‘Dati kapag namimili ako, nagdadala ako ng calculator’

June 27, 2022
Rica, ibinahagi ang sagot ng panganay na anak noon kapag nakaharap si outgoing VP Leni

Rica, ibinahagi ang sagot ng panganay na anak noon kapag nakaharap si outgoing VP Leni

June 27, 2022
Lahar flow, naitala sa Mt. Bulusan — Phivolcs

Lahar flow, naitala sa Mt. Bulusan — Phivolcs

June 27, 2022
Outgoing VP Leni kay Sen. Risa: ‘Ikaw na ang lider namin!’

Outgoing VP Leni kay Sen. Risa: ‘Ikaw na ang lider namin!’

June 27, 2022
Ken, napagkamalang tatay ng ipinagbubuntis ni Rita; may mensahe ‘as a friend’

Ken, napagkamalang tatay ng ipinagbubuntis ni Rita; may mensahe ‘as a friend’

June 27, 2022
Dennis, nag-sorry kay Leon; naglabas din ng open letter: ‘Miss ko lang kayo!’

Dennis, nag-sorry kay Leon; naglabas din ng open letter: ‘Miss ko lang kayo!’

June 27, 2022
Positivity rate ng Covid-19 sa NCR, tumataas pa rin — OCTA Research

Positivity rate ng Covid-19 sa NCR, tumataas pa rin — OCTA Research

June 27, 2022
Presyo ng gasolina, pinatungan ng ₱0.60 per liter

Muling pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, mararamdaman sa Hunyo 28

June 27, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.