• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Tito Sotto, dismayado: ‘What’s happening to our country Mr President?’

Nicole Therise Marcelo by Nicole Therise Marcelo
June 16, 2022
in Balita, National / Metro
0
Hiling ni Sotto na payagan ang religious gathering sa ilalim ng strictest alert level

Senate President Vicente Sotto III (Senate PRIB/FILE)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Dismayado si outgoing Senate President Vicente Sotto III dahil hindi pa ikinulong ang nanagasang SUV driver kahit sumuko na ito sa Philippine National Police nitong Miyerkules, Hunyo 15.

Sumuko ang SUV driver na si Jose Antonio Sanvicente kay Philippine National Police (PNP) officer-in-charge Lt. Gen. Vicente Danao nang magtungo ito sa Camp Crame, kasama ang mga magulang at abogado. Binigyan ito ng PNP chief ng media time at sinabing hindi pa ito makukulong.

Matatandaan na si Sanvicente ang sumagasa sa security guard na si Christian Joseph Floralde sa Mandaluyong noong Hunyo 5.

Driver ng SUV na sumagasa ng sekyu sa Mandaluyong, sumuko na!

Dahil dito, ipinahayag ni Sotto ang kaniyang pagkadismaya sa isang tweet nitong Huwebes, Hunyo 16.

“Kapag mahirap nagnakaw ng bayabas kulong agad! What’s happening to our country Mr President?” saad niya nang i-retweet niya ang tweet ng batikang mamamahayag na si Karen Davila, na naglabas din ng saloobin.

Kapag mahirap nagnakaw ng bayabas kulong agad! What’s happening to our country Mr President? https://t.co/9Yyjy8ZVPH

— Tito Sotto (@sotto_tito) June 16, 2022

Bago ito, nag-reply muna si Sotto sa tweet ni Davila at sinabing dapat ay ipa-drug test agad ang suspek.

Sey ni Karen sa hindi pagkakakulong ng nanagasang SUV driver: ‘Since when is a hit and run not a crime?’

Pagtatanggol ni Danao, hindi na maaaring isailalim sa inquest proceedings si Sanvicente dahil lumipas na ang panahon para dito.

Kung titignan kasi umano ang alituntunin, tanging ang mga taong nahuli nang walang warrant ang maaaring isailalim sa inquest proceeding.

Sa ilalim ng mga patakaran, ang isang walang warrant na pag-aresto ay maaari lamang gawin kung ang tao ay gagawa, gagawa, o nakagawa lamang ng isang krimen. Dahil 10 araw na ang lumipas mula nang gawin ang dapat na krimen, hindi na madakip si Sanvicente.

Nangangahulugan ito na makukulong lamang si Sanvicente kung makakita ang prosekusyon ng probable cause at magsampa ng kaso sa Regional Trial Court, na maglalabas ng utos ng pag-aresto laban sa suspek.

Tags: Senate President Vicente “Tito” Sotto III
Previous Post

Mayor at Vice Mayor ng Pilar, Abra nagsuko ng armas

Next Post

‘Ginawang sex toy!’ Baguilat, umalma sa maling pagkakasuot ng bahag ng mga kandidato sa isang male pageant

Next Post
‘Ginawang sex toy!’ Baguilat, umalma sa maling pagkakasuot ng bahag ng mga kandidato sa isang male pageant

'Ginawang sex toy!' Baguilat, umalma sa maling pagkakasuot ng bahag ng mga kandidato sa isang male pageant

Broom Broom Balita

  • Cristy, inispluk ang dahilan kung bakit binigyan ng condo unit, kotse ni Willie
  • NLEX Road Warriors, sumuko sa Ginebra
  • Robredo, mga tagasuporta, inalala ang isang taon nang 2022 pres’l campaign kickoff
  • Babae sa Cebu City, arestado dahil sa pagbebenta ng hubad na larawan ng sarili, mga kapatid online
  • DOH, tiniyak ang patuloy na pagbabantay ng Covid-19 variants
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.