• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Sports Basketball

Ginebra, panalo agad vs Bossing sa 2022-23 PBA PH Cup

Rommel Tabbad by Rommel Tabbad
June 12, 2022
in Basketball, Sports
0
Ginebra, panalo agad vs Bossing sa 2022-23 PBA PH Cup
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nakapagtala ng unang panalo ang Barangay Ginebra San Miguel sa unang sabak nila sa 2022-23 PBA Philippine Cup laban sa Blackwater Bossing, 85-82, sa Ynares Sports Center sa Antipolo City nitong Linggo ng gabi.

Pinangunahan ni Christian Standhardinger ang Gin Kings sa nakubrang 21 puntos, pitong rebounds at apat na assists.

Pinakinabangan din ng Ginebra si Japeth Aguilar sa naipong 15 puntos, anim na rebounds at limang blocks habang si Scottie Thompson ay kumubra ng 14 puntos, 16 rebounds at siyam na assists.

Kumayod nang husto ang Ginebra sa fourth quarter nang hindi sila makaporma sa third quarter kung saan nagpakitang-gilas ang  tambalang Joshua Torralba at beteranong si James Sena.

“We knew they were gonna be confident, and we knew they’ll have momentum on their side,” banggit ni Ginebra coach Tim Cone na ang tinutukoy ay Blackwater na ginulat at tinalo ang TNT Tropang Giga sa Ynares Center sa Antipolo nitong Hunyo 9.

“Just watching them on video, they’re playing really, really good basketball. You can’t get anything easy from them,” sabi pa ni Cone.

Umabante pa ang Bossing, 76-69, pitong minuto ang nalalabi sa huling bugso ng laro, nang biglang kumayod si Standhardinger, katulong si Thompson hanggang sa makapagtala sila ng 10-0 run kung saan lumamang ang koponan, 79-76, tatlong minuto na lamang ang natitira sa regulation period.

Gayunman, gumanti si Torralba sa pamamagitan ng sunud-sunod na puntos, 82-79, at umabante na ang koponan nito, 62 segundo na lamang sa final period.

Sa kabila nito, gumulo na ang laro ng Bossing nang bigyan ng foul ni JV Casio si Thompson. Naibuslo ni Thompson ang dalawang free throw.

Bukod dito, nagkalat naman si Base Amer nang magkamali ng pasa kay Yousef Taha, 25.9 segundo na lamang nalalabi.

Kaagad namang nakapuntos si Aguilar at may natitira pang oras upang makaiskor ang Bossing. Gayunman, hindi nakontrol ni Amer ang bola kaya napilitang i-foul si Stanley Pringle hanggang sa manalo ang Gin Kings.

Previous Post

Sen. Imee Marcos, hinarap ang isa umanong anti-Marcos, sinagot ang mga kontrobyersyal na tanong

Next Post

2 nahulog sa riles, naaksidente pala sa motorsiklo sa Pasay

Next Post
2 nahulog sa riles, naaksidente pala sa motorsiklo sa Pasay

2 nahulog sa riles, naaksidente pala sa motorsiklo sa Pasay

Broom Broom Balita

  • Baguilat kay Robredo: ‘I’ll do my best to continue our advocacies’
  • Pagpapasara ng SEC sa Rappler, kinondena ni Hontiveros
  • Grand Lotto 6/55 draw: Halos ₱300M jackpot, ‘di pa napapanalunan
  • Joy Belmonte, nanumpa na rin bilang QC mayor
  • Hindi press freedom suppression ang desisyon ng SEC kontra Rappler — Revilla
Baguilat, may panawagan sa bagong DENR chief: ‘I hope the first official act is to not spend on Dolomite maintenance’

Baguilat kay Robredo: ‘I’ll do my best to continue our advocacies’

June 30, 2022
Pagpapasara ng SEC sa Rappler, kinondena ni Hontiveros

Pagpapasara ng SEC sa Rappler, kinondena ni Hontiveros

June 30, 2022
Grand Lotto 6/55 draw: Halos ₱300M jackpot, ‘di pa napapanalunan

Grand Lotto 6/55 draw: Halos ₱300M jackpot, ‘di pa napapanalunan

June 30, 2022
Joy Belmonte, nanumpa na rin bilang QC mayor

Joy Belmonte, nanumpa na rin bilang QC mayor

June 30, 2022
Hindi press freedom suppression ang desisyon ng SEC kontra Rappler — Revilla

Hindi press freedom suppression ang desisyon ng SEC kontra Rappler — Revilla

June 30, 2022
₱2 dagdag-pasahe sa PUJ sa NCR, Region 3, 4 aprub na!

₱2 dagdag-pasahe sa PUJ sa NCR, Region 3, 4 aprub na!

June 29, 2022
Umano’y drug dealer, patay sa atake sa puso matapos arestuhin ng pulisya

Kampanya kontra krimen, nalambat ang 4 drug suspect, 54 wanted person sa Cordillera

June 29, 2022
OCTA, idineklarang ‘very low risk’ para sa COVID-19 ang Metro Manila

PNP, pinuri ang 4 na Metro Manila LGU na nagdeklara ng special non-working holiday sa Huwebes

June 29, 2022
Kaso ng African swine fever sa bansa, bumaba na! — DA

Kaso ng African swine fever sa bansa, bumaba na! — DA

June 29, 2022
Radio block time anchor, patay sa pamamaril sa Cagayan de Oro

Radio block time anchor, patay sa pamamaril sa Cagayan de Oro

June 29, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.