• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Galvez, nakatanggap ng parangal mula sa UN sa pagtataguyod ng kapayapaan sa Pilipinas

Angelo A. Sanchez by Angelo A. Sanchez
June 12, 2022
in Balita, Daigdig
0
Galvez, nakatanggap ng parangal mula sa UN sa pagtataguyod ng kapayapaan sa Pilipinas

Larawan: Office of the Presidential Adviser on the Peace Process/FB

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Pinarangalan ng United Nations (UN) si Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity (PAPRU), Secretary Carlito Galvez Jr., para sa kanyang “commitment and professionalism” sa pagtataguyod ng peace-building initiatives sa bansa.

Sinabi ng UN Resident Coordinator sa Pilipinas, Gustavo González, na ang gobyerno ng Pilipinas ay “nakakuha ng mahalagang bilang ng mga tagumpay” at “nakamit ang mga pangunahing milestone” sa pagsusulong ng isang tunay na proseso ng kapayapaan.

Nauna nang sinabi ni Galvez na umaasa siya sa patuloy na pakikipag-tulungan ng UN sa pamahalaan ng Pilipinas upang mapagtibay pa ang kapayapaan at pagkakasundo lalo na ng darating na administrasyon.

Inimbitahan ng ahensya ng UN ang mga ambassador ng Australia, Canada, Norway, France, Japan, at European Union sa cocktail reception bilang parangal kay Galvez.

Ayon sa isang pahayag ng OPAPRU na inilabas noong Sabado, binanggit ni González kung paano pamunuan ni Galvez ang pagpapalakas ng papel ng kababaihan at kabataan sa prosesong pangkapayapaan, pagbabago ng hidwaan, at proteksyon ng mga karapatang pantao na itinuturing na mahalaga para sa pagtiyak ng napapanatiling kapayapaan.

Hinimok ni Galvez ang susunod na administrasyon na ganap na suportahan ang mga tagumpay ng prosesong pangkapayapaan na nakamit sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“We would like to call on our international partners to provide the incoming administration with the same level of support you have given to the Duterte administration, as we continue to lay the foundation for genuine peace and sustainable development,” ani Galvez sa isang pahayag.

Pinasalamatan ni Galvez ang UN at iba pang international development partners ng gobyerno sa kanilang napakahalagang kontribusyon sa pagpapalakas ng proseso ng kapayapaan sa Pilipinas.

Tags: Carlito Galvezunited nations
Previous Post

DND chief Lorenzana, nag-collapse sa Independence Day rites sa Rizal Park

Next Post

Duterte, nais sadyain ang West PH Sea para igiit ang teritoryo ng bansa sa pang-aangkin ng China

Next Post
Pangulong Duterte, nais pairalin pa rin ang pagsusuot ng face mask

Duterte, nais sadyain ang West PH Sea para igiit ang teritoryo ng bansa sa pang-aangkin ng China

Broom Broom Balita

  • Kahit walang head coach: Ginebra, panalo pa rin vs Converge
  • Libreng sakay sa tren, EDSA bus carousel, pinalawig pa!
  • Isang Chinese national, nasakote dahil sa pagdukot, tangkang pangingikil sa kapwa kababayan sa Parañaque
  • Dating Pangulong Duterte, magbabawi ng tulog
  • Isang mayor sa Mexico, buwaya ang partner sa kasal
Kahit walang head coach: Ginebra, panalo pa rin vs Converge

Kahit walang head coach: Ginebra, panalo pa rin vs Converge

July 1, 2022
Libreng sakay sa tren, EDSA bus carousel, pinalawig pa!

Libreng sakay sa tren, EDSA bus carousel, pinalawig pa!

July 1, 2022
Umano’y drug dealer, patay sa atake sa puso matapos arestuhin ng pulisya

Isang Chinese national, nasakote dahil sa pagdukot, tangkang pangingikil sa kapwa kababayan sa Parañaque

July 1, 2022
Pangulong Duterte, nais pairalin pa rin ang pagsusuot ng face mask

Dating Pangulong Duterte, magbabawi ng tulog

July 1, 2022
Isang mayor sa Mexico, buwaya ang partner sa kasal

Isang mayor sa Mexico, buwaya ang partner sa kasal

July 1, 2022
‘Magparehistro na para sa barangay, SK elections’ — Namfrel

‘Magparehistro na para sa barangay, SK elections’ — Namfrel

July 1, 2022
Isang trak, inararo ang 6 na tricycle, motorsiklo sa Dagupan

Isang trak, inararo ang 6 na tricycle, motorsiklo sa Dagupan

July 1, 2022
Conservationist, emosyonal nang mamataan ang malusog na King Cobra sa isang gubat sa Palawan

Conservationist, emosyonal nang mamataan ang malusog na King Cobra sa isang gubat sa Palawan

July 1, 2022
Bokya pa rin: Terrafirma, taob sa TNT

Bokya pa rin: Terrafirma, taob sa TNT

July 1, 2022
Mensahe ni Agot Isidro para sa bansa: ‘Sana matuto ka sa mga pasyang pinili mo’

Mensahe ni Agot Isidro para sa bansa: ‘Sana matuto ka sa mga pasyang pinili mo’

July 1, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.