• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Higit P600,000 halaga ng ilegal na droga, nasabat sa Caloocan, Malabon; apat na suspek, timbog!

Balita Online by Balita Online
June 11, 2022
in Balita, National / Metro
0
P272K halaga ng binebentang shabu, nasawata sa isang drug operation sa Bulacan

Shabu/File Photo

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nakuha sa apat na lalaki ang mahigit P600,000 halaga ng umano’y shabu at marijuana sa dalawang magkahiwalay na operasyon ng pulisya sa mga lungsod ng Caloocan at Malabon noong Biyernes, Hunyo 10.

Sinabi ni Police Brig. Gen. Ulysses Cruz, hepe ng Northern Police District (NPD) ang unang suspek na si Chester Fortades, 30, ng Baesa, Caloocan City.

Sa ulat ng pulisya, ang suspek na sakay ng motorsiklo ay hinarang ng mga operatiba ng Caloocan City Police Station na nagsasagawa ng check point sa North Diversion Road sa Barangay 151 bandang alas-12:35 ng madaling araw noong Biyernes dahil sa hindi pagsusuot ng helmet.

Sinubukan pang tumakas ni Fortades ngunit agad siyang nakorner ng mga pulis.

Sa pagsuri sa kanyang motorsiklo, nakita at nakumpiska ng mga awtoridad ang dalawang kilo ng umano’y marijuana na nagkakahalaga ng P240,000.

Nakuha rin mula sa suspek ang isang asul na paper bag, isang sando, at ang kanyang itim na Yamaha Mio Sporty na motorsiklo.

Samantala, nasabat ng tatlong suspek ang mahigit P400,000 halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Malabon City Police Station sa Reyes Street sa Barangay Santulan, Malabon noong araw ding iyon.

Sinabi ng pulisya na ang mga suspek na sina Dennis Palaganas, 34; Jerald Geronimo, 33; at Cesar Jumawan, 34; pawang residente ng Barangay Santulan, arestado dakong 11:50 p.m.

Nakuha mula sa mga suspek ang 13 transparent sachet na naglalaman ng 60 gramo ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng P408,000, isang dark blue na pouch, at ang buy-bust money.

Nasa P648,000 ang kabuuang halaga ng ilegal na droga na nakumpiska sa mga suspek.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act (RA) 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang lahat ng mga suspek.

Kakasuhan din si Fortades ng paglabag sa RA 10054 dahil sa hindi pagsusuot ng protective motorcycle helmet habang nagmamaneho at Article 151 (disobedience to a person in authority) ng Revised Penal Code, sabi ng pulisya.

Aaron Homer Dioquino

Tags: Calooocan Citydrug pusherdrugsmalabon city
Previous Post

DOH, kulang sa ‘liksi’ para protektahan ang publiko – health expert

Next Post

2nd tranche ng fuel subsidy, hinihintay na ng mga PUV driver

Next Post
2nd tranche ng fuel subsidy, hinihintay na ng mga PUV driver

2nd tranche ng fuel subsidy, hinihintay na ng mga PUV driver

Broom Broom Balita

  • Lacuna: 935 estudyante ng public schools, nabigyan ng tig-P5K ayuda
  • DMW: First-time domestic helper pa-Kuwait, bawal muna
  • Death toll sa lindol sa Turkey, umakyat na sa 5,894 — Turkish VP Oktay
  • Angkas rider na suspek sa pagpatay sa motorista, arestado
  • PRC, naka-high alert matapos ang malakas na lindol sa Turkey
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.