• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Kris, nagtungo raw sa Amerika sakay ng private plane; Cristy, windang sa posibleng presyo

Richard de Leon by Richard de Leon
June 8, 2022
in Showbiz atbp., Showbiz/Metro
0
Kris, nagtungo raw sa Amerika sakay ng private plane; Cristy, windang sa posibleng presyo

Cristy Fermin at Kris Aquino(Screengrab mula sa YT ng Cristy Ferminute at IG ni Kris Aquino)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Naibahagi ng showbiz columnist na si Cristy Fermin na nakarating na umano sa Houston, Texas sa Amerika si Queen of All Media Kris Aquino para sa isasagawang gamutan sa kaniyang sakit.

Palaisipan umano kay Cristy kung paanong nakarating si Kris sa Texas na hindi nito naibahagi o naidetalye sa social media. Aniya, isang impormante ang nag-ispluk sa kaniya, na may nagpahiram umano ng private plane kay Kris para makarating na ito patungong Texas.

Windang naman si Cristy sa posibilidad na gumastos nang malaking-malaki si Kris para sa private plane na ito. Naitanong daw niya sa isang kaibigang may private plane na ang biyahe mula Pilipinas hanggang Singapore ay papalo sa 8M hanggang 10M daw ang bayad papunta pa lamang. Iba pa raw ang bayad pabalik.

“Alam mo may kaibigan ako, Singapore pa lang, 8M to 10M na pagka-private jet plane… at pabalik, ganoon din. Eh paano pa yung Amerika na 17 hours? Magkano ito? Eh ‘di aakyat ‘to ng 20 hanggang 25, baka 30 pa,” sey ni Cristy.

Hindi naman nabanggit ng showbiz columnist kung nasa piso o dolyar ba ang currency ng perang pinag-uusapan dito.

“Baka lagpas pa,” hirit naman ng co-host niyang si Romel Chika, para sa Wednesday episode ng kanilang Cristy Ferminute.

Kinakailangan na raw itong gawin dahil sabi nga umano ni Kris, oras na lamang ang kalaban niya. Masaya si Cristy na finally ay nasa Amerika na nga ang TV host-actress para sa gamutan nito.

Si Kris lamang daw ang maaaring magdetalye tungkol dito at hintayin na lamang ang kaniyang update kung sino nga bang may mabuting pusong kaibigan o kakilala ang nagpahiram sa kaniya ng private jet plane patungong Amerika.

Ang huling update ni Kris sa kaniyang kalusugan ay noong Hunyo 3. Dito ay idinetalye niya ang tunay na sakit niya.

View this post on Instagram

A post shared by Kristina Bernadette Cojuangco Aquino (@krisaquino)

Tags: Cristy FerminCristy Ferminutekris aquinoprivate plane
Previous Post

Bahagyang pagtaas ng Covid-19 case sa NCR, ‘di pa nakaaalarma — OCTA

Next Post

LTO-PITX, bukas na mula Lunes hanggang Sabado!

Next Post
LTO-PITX, bukas na mula Lunes hanggang Sabado!

LTO-PITX, bukas na mula Lunes hanggang Sabado!

Broom Broom Balita

  • KC Montero, ipinagtanggol si Alex Gonzaga; stint ni Matteo Guidicelli, isang ‘prank’ lang
  • Vince Tañada nalungkot sa mga piniling salita sa ‘Katips’ review ni Suzette Doctolero
  • ₱272M shabu, naharang sa La Union–2 arestado — PDEA
  • Jordan Clarkson, Kai Sotto, darating sa ‘Pinas next week
  • Sen. Risa sa pagdiriwang ng Int’l Youth Day: ‘Pagsisikapan naming mas paglingkuran pa kayo’
Vince Tañada nalungkot sa mga piniling salita sa ‘Katips’ review ni Suzette Doctolero

Vince Tañada nalungkot sa mga piniling salita sa ‘Katips’ review ni Suzette Doctolero

August 12, 2022
₱272M shabu, naharang sa La Union–2 arestado — PDEA

₱272M shabu, naharang sa La Union–2 arestado — PDEA

August 12, 2022
Jordan Clarkson, Kai Sotto, darating sa ‘Pinas next week

Jordan Clarkson, Kai Sotto, darating sa ‘Pinas next week

August 12, 2022
Hontiveros: ‘In 2016, we made history. In 2022, we will repeat our victory’

Sen. Risa sa pagdiriwang ng Int’l Youth Day: ‘Pagsisikapan naming mas paglingkuran pa kayo’

August 12, 2022
₱36M puslit na sibuyas, nabisto ng BOC sa Misamis Oriental

₱36M puslit na sibuyas, nabisto ng BOC sa Misamis Oriental

August 12, 2022
Dyosa at 38! Marian Rivera, kabogera sa kaniyang birthday shoot

Dyosa at 38! Marian Rivera, kabogera sa kaniyang birthday shoot

August 12, 2022
Chel Diokno: ‘Masakit lang pala ‘pag may nagsasabing hindi nila ako iboboto dahil hindi ako kasing pogi ni Robin Padilla’

Chel Diokno, pinuri si Sen. Padilla sa pagsusulong nito ng same-sex union sa bansa

August 12, 2022
Joshua Garcia, ‘di jojowain si Jane De Leon?

Joshua Garcia, ‘di jojowain si Jane De Leon?

August 12, 2022
Halos ₱7M napinsala ng volcanic smog sa Batangas — DA

Halos ₱7M napinsala ng volcanic smog sa Batangas — DA

August 12, 2022
7 drug personalities, arestado; P2.5M halaga ng marijuana, sinunog

7 drug personalities, arestado; P2.5M halaga ng marijuana, sinunog

August 12, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.