• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Hipon Girl, nagluluksa, masama ang loob sa pagpanaw ng kanyang ‘Nanay Bireng’

Raymond Lumagsao by Raymond Lumagsao
June 8, 2022
in Showbiz atbp.
0
Hipon Girl, nagluluksa, masama ang loob sa pagpanaw ng kanyang ‘Nanay Bireng’

Mga larawan mula Instagram ni Herlene "Hipon Girl" Budol

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nagdadalamhati ngayon ang komedyana at aspiring beauty queen na si Herlene “Hipon Girl” Budol dahil sa kamakailang pagpanaw ng kanyang “mabuting lola.”

Ilang serye ng Facebook posts ang ibinahagi ni Hipon Girl sa publiko kasunod ng masakit na yugtong ito para sa kanyang pamilya.

Noong Lunes ng umaga, pumanaw ang kanyang Nanay Bireng dahil sa kidney failure bukod pa sa ilan pang komplikasyon.

Kasunod nito, muling inalala ni Hipon Girl ang kabaitan ng kanyang lola na nagsilbi ring inspirasyon para sa kanyang pagpupursige sa buhay.

“Dati, pag may natira ako sa kinita ko sa taping. agad agad ako bibili ng pasalubong kila Tatay Oreng ko at Nanay Bireng kahit tsinelas, duster o kahit anong simpleng pasalubong makita ko lang yung gandang ngiti nila at may bonus pa akong masarap na yakap galing sa kanila,” mababasa sa mahabang Facebook post ni Hipon Girl, Martes.

Hindi rin napigilang balikan ni Hipon ang mga masasayang sandali na nakasama ang kanyang lola at kung paanong naging kasiyahan na niya rin ang mapasaya ang kanyang lolo’t lola.

“Si Nanay Bireng at si Tatay Oreng ang number #1 fan ko at proud na proud sa akin sa bawat appearance ko sa television at wala silang nilalagpasan sa lahat ng appearance ko simula ng Wowowin days,” kuwento ni Hipon Girl.

“Sobra ko silang na appreciate dahil laging silang nakaabang sa TV at proud ako sabihin sa buong KaSquammy, Kahiponatics at Kabudol ko dyan na sila Tatay Oreng at Nanay Bireng pinalaki ako nang maayos at hindi biro yung dalawampu’t dalawang taon kaya sobrang sama ng loob ko sa sarili ko na hindi ko man lang sila nabigyan at maranasan ng magandang buhay sa pag-aaruga nila sa akin,” pagpapatuloy ni Hipon Girl.

Nakalagak ang mga labi ng kanyang Nanay Bireng sa Symphathy Memorial Park and Columbarium Chapel of Sympathy sa Brgy. San Isidro, Angono Rizal.

Bukas ito para sa malalapit na kamag-anak at kaibigan ng pamilya ni Hipon Girl.

Isang pakiusap naman ang hiling ni Hipon sa mga sasadya sa burol ng kanyang lola.

“Pakiusap lang po sa mga bibisita na hindi muna ako magpapa-picture, pero puwede po kayong makiramay kasama ako,” aniya.

View this post on Instagram

A post shared by Herlene Nicole Budol (@herlene_budol)

Tags: Herlene BudolHipon Girl
Previous Post

Diego sa dahilan ng hiwalayan nila ni Barbie: “We’re not helping each other grow anymore”

Next Post

“Pangarapin n’yo yumaman para ma-avail n’yo yung hustisya”—Nikko Natividad

Next Post
“Pangarapin n’yo yumaman para ma-avail n’yo yung hustisya”—Nikko Natividad

"Pangarapin n'yo yumaman para ma-avail n'yo yung hustisya"---Nikko Natividad

Broom Broom Balita

  • ‘Todo-effort si sir!’ Pagsusuot ng costume ng isang guro sa klase, kinagiliwan
  • 5 sugatan matapos sumabog ang tangke ng LPG sa Malate, Manila
  • Kakulangan ng classrooms sa bansa, pangunahing suliraning dapat tugunan ng DepEd — survey
  • Dating pulis, hinuli sa kasong carnapping sa Maynila
  • LTO, gagamit na ng digital devices sa paniniket sa mga lalabag sa batas trapiko
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.