• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Duque, naniniwalang naging ‘unfair’ ang Senado sa kanya sa naging probe nito ukol sa Covid-19 supplies

Balita Online by Balita Online
June 7, 2022
in Balita, National / Metro
0
Duque, hinimok ang PhilHealth na apurahin na ang pagbayad sa mga hospital claim

DOH Secretary Francisco Duque III (Larawan mula PCOO)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Naniniwala si Health Secretary Francisco T. Duque III na hindi naging patas sa kanya ang Senado sa pagsisiyasat nito sa umano’y maanomalyang pagbili ng mga medical supplies para sa Covid-19.

Naiulat na inilipat ni Duque ang pondo ng DOH sa Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM) para sa pagbili ng mga medical supplies para sa Covid-19.

“Yes of me, yes, and to all those who have been implicated, but only have in their heart to save lives, to protect lives of our healthcare workers,” aniya nang tanungin sa panayam ng ANC, Lunes, Hunyo 6, kung sa tingin niya ay hindi patas sa kanya ang Senado, na nag-imbestiga sa umano’y maanomalyang pagbili ng Department of Health (DOH).

Sa pagsasabing wala siyang pinagsisisihan sa ginawa niya, sinabi ng papalabas na kalihim ng kalusugan na “wala siyang gagawing iba.” Nabanggit niya na mas maraming buhay ang maaaring nawala kung hindi niya ginawa ang hakbang.

“This is a whole-of-government approach. I trusted the institution, I did not trust personalities,” ani Duque.

“The PS-DBM is an attached agency of [the] DBM,” dagdag niya.

Sinabi ni Duque na walang ebidensya ng maling gawain sa nasabing paglilipat ng pondo.

“We gave them all the documents, unfortunately, they did not include documents that countered their initial findings,” anang Health secretary sa Senado.

Noong Agosto 2021, binuksan ng Senate Blue Ribbon Committee ang imbestigasyon kung paano pinangangasiwaan ng DOH ang P67 bilyon nitong Covid-19 pandemic response fund noong 2020. Bago ito, nakita ng Commission on Audit o COA ang mga pagkukulang sa kung paano pinamahalaan ng DOH ang P67.32 bilyong pondo nito para labanan ang pandemya.

Inirekomenda kamakailan ng Senate Blue Ribbon Committee ang pagsasampa ng mga kasong kriminal laban kay Duque at iba pang opisyal ng gobyerno na nauugnay sa umano’y maanomalyang pagbili.

Jel Santos 

Tags: covid-19 suppliesdepartment of healthFrancisco Duque III
Previous Post

Pangulong Duterte, umapela ng pagkakaisa sa mga Pilipino para sa Marcos admin

Next Post

Libreng sine para sa mga senior citizen ng Navotas City, muling nagbabalik

Next Post
Libreng sine para sa mga senior citizen ng Navotas City, muling nagbabalik

Libreng sine para sa mga senior citizen ng Navotas City, muling nagbabalik

Broom Broom Balita

  • Rendon, may pa-blind item tungkol sa personalidad na walang supporters
  • Covid-19 cases sa QC, tumaas ulit
  • Albert Martinez, niligawan dati si Snooky habang jowa pa si Sharon
  • JV Ejercito, nanawagang i-persona non grata ang Chinese envoy sa PH
  • ‘Prison bakery’ sa ancient Pompeii, nadiskubre ng archaeologists
Rendon, may pa-blind item tungkol sa personalidad na walang supporters

Rendon, may pa-blind item tungkol sa personalidad na walang supporters

December 10, 2023
Covid-19 cases sa QC, tumaas ulit

Covid-19 cases sa QC, tumaas ulit

December 10, 2023
Albert Martinez, niligawan dati si Snooky habang jowa pa si Sharon

Albert Martinez, niligawan dati si Snooky habang jowa pa si Sharon

December 10, 2023
JV Ejercito, nanawagang i-persona non grata ang Chinese envoy sa PH

JV Ejercito, nanawagang i-persona non grata ang Chinese envoy sa PH

December 10, 2023
‘Prison bakery’ sa ancient Pompeii, nadiskubre ng archaeologists

‘Prison bakery’ sa ancient Pompeii, nadiskubre ng archaeologists

December 10, 2023
Rendon, inusisa si Kathryn tungkol sa ex-partner ng aktres

Rendon, inusisa si Kathryn tungkol sa ex-partner ng aktres

December 10, 2023
Mas matinding traffic sa Metro Manila, asahan sa mga susunod na linggo

Mas matinding traffic sa Metro Manila, asahan sa mga susunod na linggo

December 10, 2023
Maja, ibinahagi ang pinapangarap na pamilya

Maja, ibinahagi ang pinapangarap na pamilya

December 10, 2023
Andrea, bawal tanungin sa hiwalayang KathNiel?

Andrea, bawal tanungin sa hiwalayang KathNiel?

December 10, 2023
Phivolcs: Bulkang Taal, 11 beses yumanig

Phivolcs: Bulkang Taal, 11 beses yumanig

December 10, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.