• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Archive

Kit Thompson, na-elbow; Joseph Marco, bagong katambal ni Herlene Budol sa isang digital series

Richard de Leon by Richard de Leon
June 5, 2022
in Balita Archive
0
Kit Thompson, na-elbow; Joseph Marco, bagong katambal ni Herlene Budol sa isang digital series

Joseph Marco at Herlene Budol (Larawan mula sa Puregold)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Sa kauna-unahang pagkakataon, magtatambal sa isang digital romantic comedy series sina Kapamilya actor Joseph Marco at Kapuso actress at contestant sa Binibining Pilipinas na si Herlene ‘Hipon Girl’ Budol.

Handa nang magpakilig sina Joseph at Herlene sa upcoming online series na ‘Ang Babae sa Likod ng Face Mask,’ isang 13-episode romantic comedy series na hatid ng Puregold, sa panulat ni award-winning filmmaker Chris Cahilig, at sa direksyon naman ni critically-acclaimed director Victor Villanueva.

Si television heartthrob Joseph Marco ay nakilala sa mga teleserye ng ABS-CBN gaya ng ‘Sabel,’ ‘Honesto,’ ‘Pasion de Amor,’ at ‘Wildflower’.

Sa kasalukuyan, kasama siya sa cast members ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’.

Masayang-masaya naman si Herlene dahil ito ang kauna-unahan niyang rom-com series na siya mismo ang bida.

“Napaka-exciting na opportunity ang ibinigay ng Puregold sa akin,” ani Herlene. “Gusto ko ipakita sa lahat ng followers at Hiponatic supporters ang kakayahan ko bilang isang leading lady.”

“Sobrang lucky ako na kasama ko si Joseph Marco para sa show na ito. Siyempre, you always want to work with the best, kaya ang saya ko talaga noong nalaman ko na si Joseph Marco ang leading man ko.”

Joseph Marco at Herlene Budol (Larawan mula sa Puregold)

Matatandaang ang unang leading man sana rito ni Herlene ay si Kapamilya actor Kit Thompson, subalit isang araw bago mailabas ang unang episode ay sumabog ang balita ng pananakit niya sa jowang si Ana Jalandoni. Dahil dito, naantala ang pagpapalabas ng naturang Puregold digital series.

Excited na rin si Joseph Marco na mapanood ng kanilang mga tagahanga ang kanilang mga pinaghirapan.

“Ang exciting talaga. I’m super honored that Puregold chose me to the leading man for the show. It’s been an absolute joy working with Herlene, and I think the viewers will be able to feel how much fun we had working together through the screen.”

Ang kuwento ng ‘Ang Babae sa Likod ng Face Mask’ ay tungkol sa isang 25 anyos na kahera o cashier na si Malta (Herlene Budol), na nagpapakasipag sa trabaho para sa kaniyang inang si Madam Baby, na ginampanan naman ng seasoned actress, na si Mickey Ferriols.

Isang araw, sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkita sina Malta at Sieg (Joseph Marco) na na-love at first sight kay Malta dahil sa magaganda niyang mga mata. At doon na iinog ang kanilang love story lalo’t hindi pa nakikita ni Sieg ang kabuuan ng mukha ni Malta dahil sa suot na face mask, dulot ng pandemya.

Joseph Marco at Herlene Budol (Larawan mula sa Puregold)

“Ang classic ng kwento,” saad ni Herlene. “Nakakakilig, nakakatawa, lahat ng gusto mo sa isang series, meron kami rito.”

“Ang seryeng ito ay inihatid ng Puregold na inspirasyon sa mga classic Filipino teleseryes na napanood ng lahat sa mga nagdaang dekada.

Para kay Puregold marketing manager Ivy Piedad, “The ever-present face mask is now a symbol of hope and self-love for our lead in this new series. And we hope to entertain a large number of viewers online especially given the Pinoy’s fondness for light, romantic comedies.”

Mapapanood na ang pilot episode ng ‘Ang Babae sa Likod ng Face Mask’ digital series nang libre sa YouTube Puregold Channel tuwing Sabado, 6PM, simula Hunyo 11, 2022.

Tags: Ang Babae sa Likod ng Face MaskJosep Marco
Previous Post

213, naidagdag na Covid-19 cases sa Pilipinas nitong Hunyo 4

Next Post

Covid-19 patients, ‘di ‘umaapaw’ sa PGH, Makati Medical Center — DOH

Next Post
Covid-19 patients, ‘di ‘umaapaw’ sa PGH, Makati Medical Center — DOH

Covid-19 patients, 'di 'umaapaw' sa PGH, Makati Medical Center -- DOH

Broom Broom Balita

  • Mayor Isko, nagpaalam na sa mga opisyal at empleyado ng City Hall
  • MMDA, masusing minomonitor ang sitwasyon ng trapiko sa pagsasara ng Timog Flyover
  • Vice Ganda, pinag-shopping ang anak ni Ethel Booba; ‘sky is the limit’ ang peg
  • 2 ‘miyembro’ ng akyat-bahay gang, timbog; mahigit ₱108K na pera, nabawi
  • Booster shot para sa mga bata, hiniling maisagawa bago magbalik-eskuwela
Mayor Isko, nagpaalam na sa mga opisyal at empleyado ng City Hall

Mayor Isko, nagpaalam na sa mga opisyal at empleyado ng City Hall

June 27, 2022
MMDA, masusing minomonitor ang sitwasyon ng trapiko sa pagsasara ng Timog Flyover

MMDA, masusing minomonitor ang sitwasyon ng trapiko sa pagsasara ng Timog Flyover

June 27, 2022
Vice Ganda, pinag-shopping ang anak ni Ethel Booba; ‘sky is the limit’ ang peg

Vice Ganda, pinag-shopping ang anak ni Ethel Booba; ‘sky is the limit’ ang peg

June 27, 2022
2 ‘miyembro’ ng akyat-bahay gang, timbog; mahigit ₱108K na pera, nabawi

2 ‘miyembro’ ng akyat-bahay gang, timbog; mahigit ₱108K na pera, nabawi

June 27, 2022
Booster shot para sa mga bata, hiniling maisagawa bago magbalik-eskuwela

Booster shot para sa mga bata, hiniling maisagawa bago magbalik-eskuwela

June 27, 2022
Marjorie, magsasalita sa takdang panahon; mga anak, bakit nga ba dinededma si Dennis?

Marjorie, magsasalita sa takdang panahon; mga anak, bakit nga ba dinededma si Dennis?

June 27, 2022
Tuesday Vargas, inalala ang mga pinagdaanan: ‘Dati kapag namimili ako, nagdadala ako ng calculator’

Tuesday Vargas, inalala ang mga pinagdaanan: ‘Dati kapag namimili ako, nagdadala ako ng calculator’

June 27, 2022
Rica, ibinahagi ang sagot ng panganay na anak noon kapag nakaharap si outgoing VP Leni

Rica, ibinahagi ang sagot ng panganay na anak noon kapag nakaharap si outgoing VP Leni

June 27, 2022
Lahar flow, naitala sa Mt. Bulusan — Phivolcs

Lahar flow, naitala sa Mt. Bulusan — Phivolcs

June 27, 2022
Outgoing VP Leni kay Sen. Risa: ‘Ikaw na ang lider namin!’

Outgoing VP Leni kay Sen. Risa: ‘Ikaw na ang lider namin!’

June 27, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.