• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Next Toni G? DJ na si Ana Ramsey, hinihiritang mag-host ng PBB

Richard de Leon by Richard de Leon
June 2, 2022
in Showbiz atbp.
0
Next Toni G? DJ na si Ana Ramsey, hinihiritang mag-host ng PBB

Ana Ramsey at Toni Gonzaga (Larawan mula sa IG/TikTok/Twitter)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ibinida ng DJ at dating Tawag ng Tanghalan sa ‘It’s Showtime’ celebrity contestant na si Ana Ramsey ang kaniyang spiels kung sakaling maging host siya ng reality show na ‘Pinoy Big Brother’.

Nagpasampol si Ana kung sakaling maging PBB host siya sa pamamagitan ng kaniyang TikTok. Marami raw kasing nagsasabi sa kaniyang netizen na puwede siyang maging host ng naturang reality show, dahil katunog niya ang tinig ng main host nitong si Toni Gonzaga, na nagbitiw na sa programa matapos ang kontrobersiyal niyang hosting sa proclamation rally ng UniTeam.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/02/09/mariel-kay-toni-welcome-to-the-outside-world/

“Alam n’yo guys nakakatuwa kasi ang daming nagme-message sa akin, nagko-comment ng mga ganito, so sige, magpasampol tayo,” saad ni Ana.

@anakatrinaramsey

Reply to @tayeunwooo oh sige PBB naman daw 😁

♬ original sound – Ana Ramsey – Ana Ramsey

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng mga netizen.

“Puwedeng-puwede! Calling ABS-CBN, baka puwede siyang gawing isa sa mga host kung di na talaga maibabalik si Toni G?”

“One day, hindi ako magugulat nasa TV na ‘yan si ate at nagho-host,wait na lang natin.”

“Puwede sa PBB? Oh baka naman puwede na sumali sa BBP (Bb. Pilipinas)? Hehehe.”

“Bago ka maging host Ate Ana maging houseguest ka muna HAHAHA! Sana maging host ka atee!!”

“Puwede ka mag-host ng PBB pero need mo muna maging housemate ni Kuya… para alam mo how it feels to be a housemate…”

“May kapalit na si Toni G.”

“May part na parang si Toni G ka, lalo na sa unang part…”

Si Ana Ramsey ay apo ng yumaong si Elizabeth Ramsey, at pamangkin naman ng Soul Diva na si Jaya.

Bukod sa pagiging singer, siya ay radio DJ sa MOR 101. 9 at nagho-host na rin ng It’s Showtime Online.

Sabi ni Direk Laurenti Dyogi, si Toni raw ang simbolo ng PBB at ang PBB raw ay si Toni.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/30/balikan-direk-lauren-sinabing-si-toni-ay-pbb-at-ang-pbb-ay-si-toni/

Naungkat ito dahil namimiss na raw ng mga netizen si Toni, lalo na sa anunsyo ng Big Winners sa Big Night.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/30/toni-gonzaga-namiss-ng-mga-netizen-sa-big-night-ng-pbb-kumunity-season-10/

Maayos namang naitawid ng bagong PBB main host na si Bianca Gonzalez, sa tulong nina Robi Domingo, Kim Chiu, Melai Cantiveros, Enchong Dee, kasama pa sina Sky Quizon at Richard Juan, ang latest season.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/29/bianca-gonzalez-grateful-na-maging-parte-ng-pinoy-big-brother/

Tags: Ana Ramseypinoy big brothertoni gonzaga
Previous Post

Gerald Anderson, may words of wisdom tungkol sa pagtitiwala, second chance

Next Post

Domagoso: Declogging sa Maynila, tuloy-tuloy

Next Post
Mayor Isko, handang ibenta ang lahat maski ang city hall

Domagoso: Declogging sa Maynila, tuloy-tuloy

Broom Broom Balita

  • Hiling ni Mayor Degamo na i-expel si Teves, natanggap na ng ethics panel
  • Patawa raw? Netizens, kinuyog ang ‘Outstanding Comedian of the Year’ award ni Juliana Parizcova
  • Operasyon ng Pasig River Ferry System, suspendido sa Semana Santa
  • Student-athlete na nag-collapse sa isang football varsity game, patay!
  • Dahil sa bentahan ng tiket online, official fan club ni Sarah G, nagbabala vs scammers
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.