• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Vice commanding officer ng CPP-NPA, napatay sa engkwentro sa Albay

Bella Gamotea by Bella Gamotea
May 31, 2022
in Balita, National / Metro, Probinsya
0
Vice commanding officer ng CPP-NPA, napatay sa engkwentro sa Albay

NPA (MB FILE PHOTO)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Officer-In-Charge Lieutenant General Vicente D. Danao Jr. nitong Lunes ang pagkakapaslang ng isang vice commanding officer ng mainstream Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa Southern Luzon matapos makasagupa ang mga lokal na awtoridad sa Albay nitong Mayo 28.

Kinilala ang nasawing suspek na si Antonio Abadeza, alyas “Flatop/Alden/Troy,” nasa hustong gulang, at nakalista umano sa Periodic Status Report (PSR) bilang Vice Commanding Officer ng communist terrorist group sa ilalim ng KP3 PLTN3, KSPN3 na may outstanding warrants of arrest para sa kasong 2 counts Attempted Murder, Robbery with Homicide, at Murder. 

Nakatanggap ng report ang mga awtoridad mula sa isang concerned citizen na nangongotong umano ng pera si Abadeza sa ilang maliliit na negosyante sa Zone 7, Brgy. Anislag, Daraga, Albay noong Sabado.

Mabilis na rumesponde ang mga operatiba ng 97th MICO, MIB 9th ID PA, RID 5, 2nd APMFC, PIU Albay PPO, RMFB 5 at RIU 5 sa koordinasyon ng  Daraga Municipal Police Station at pinara ang akusado na nakamotorsiklo.

Inilahad ni LtGen Danao na sa halip na sumunod sa mga awtoridad, bumunot umano ng baril si Abadeza at pinaputukan ang operating team dahilan upang gumanti ng putok ang mga ito na nagresulta ng pagkakasugat ng suspek na agad namang dinala sa BRTTH, Legazpi City subalit idineklara siyang dead on arrival ni Dr. Joanne-Paulette F Miraflor, attending physician ng nasabing pagamutan.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang hindi batid na kalibre ng baril na may SN 111987 na kargado ng walong bala, isang magazine na may lamang anim na bala, apat na basyo, wallet na naglalaman ng  P11,710 cash, assorted subversive documents, isang Yamaha Crypton motorcycle (PN: 9058 EG) at iba pang piraso ng ebidensya.

“I commend our Southern Luzon police operatives for implementing decisive neutralization campaigns against all armed threats/armed groups in the communities, to include joint law enforcement operations, and legal actions against all elements deemed part of the operations and network of the communist terrorists,” pahayag ni LtGen Danao.

Tags: CPP-NPA
Previous Post

Loisa sa sikreto ng mahabang relasyon nila ni Ronnie: “Wala na kaming paki sa sasabihin ng iba”

Next Post

Kampo ni De Lima, iginiit na respasuhin agad ang mga kaso ng senadora

Next Post
De Lima sa hindi paghingi ng tawad ni Duterte sa mga drug war victim: ‘History will judge him’

Kampo ni De Lima, iginiit na respasuhin agad ang mga kaso ng senadora

Broom Broom Balita

  • 2 menor de edad na-rescue sa buy-bust operation sa Isabela
  • 2 NPA members, patay sa sagupaan sa Masbate
  • Approval at trust rating nina PBBM, VP Sara bumaba!
  • Micro rice retailers sa QC, Marikina, Pasig nakakuha na ng tig-₱15,000 ayuda
  • Faith Da Silva walang prenong sinagot ang tanong ni Boy Abunda
2 menor de edad na-rescue sa buy-bust operation sa Isabela

2 menor de edad na-rescue sa buy-bust operation sa Isabela

September 22, 2023
2 NPA members, patay sa sagupaan sa Masbate

2 NPA members, patay sa sagupaan sa Masbate

September 22, 2023
Approval at trust rating nina PBBM, VP Sara bumaba!

Approval at trust rating nina PBBM, VP Sara bumaba!

September 22, 2023
Micro rice retailers sa QC, Marikina, Pasig nakakuha na ng tig-₱15,000 ayuda

Micro rice retailers sa QC, Marikina, Pasig nakakuha na ng tig-₱15,000 ayuda

September 22, 2023
Faith Da Silva walang prenong sinagot ang tanong ni Boy Abunda

Faith Da Silva walang prenong sinagot ang tanong ni Boy Abunda

September 22, 2023
Romualdez, nakiramay sa pagpanaw ni Bayani Fernando

Romualdez, nakiramay sa pagpanaw ni Bayani Fernando

September 22, 2023
2,000 residente, na-rescue sa pagbaha sa Zamboanga

2,000 residente, na-rescue sa pagbaha sa Zamboanga

September 22, 2023
‘Super Bass’ challenge nina Melai at mga anak, kinaaliwan ng netizens!

‘Super Bass’ challenge nina Melai at mga anak, kinaaliwan ng netizens!

September 22, 2023
Cagayan, niyanig ng magnitude 4.2 na lindol

Cagayan, niyanig ng magnitude 4.2 na lindol

September 22, 2023
‘Scubasurero’: PCG, nagsagawa ng coastal clean-up op sa La Union

‘Scubasurero’: PCG, nagsagawa ng coastal clean-up op sa La Union

September 22, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.