• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Tuloy-tuloy lang: Trabaho para sa mga unemployed, tiniyak ni Mayor Isko

Mary Ann Santiago by Mary Ann Santiago
May 30, 2022
in Balita, National / Metro
0
Mayor Isko, handang ibenta ang lahat maski ang city hall

Photo by Ali Vicoy/MB File photo

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Siniguro ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso nitong Lunes sa lahat ng Manilenyo na patuloy na magkakaloob ang lokal na pamahalaan ng trabaho para sa mga unemployed dahil sa kasalukuyang pandemya ng COVID-19.

Ayon kay Domagoso, ang Public Employment Service Office (PESO) na pinamumunuan ni Fernan Bermejo, ay nagpapatupad na ngayon ng hybrid local recruitment, o tumatanggap ng aplikante sa pamamagitan ng online at face-to-face systems.

“To ensure that we could reach all the applicants in every way possible, PESO Manila opened the “Hybrid Local Recruitment Activity” through online and face to face where even walk-ins are being catered to,” anang alkalde.

Ani Domagoso, layunin ng PESO na tiyakin ang mabilis at episyenteng paghahatid ng employment facilitation services at magbigay ng napapanahong impormasyon sa labor market at DOLE Programs.

Iniulat ni Bermejo sa alkalde na ang COVID-19 pandemic ay labis na nakaapekto sa mga programa pati na sa daily operations nito sa pangkalahatan.

“Before the pandemic happened, the PESO of the City of Manila, on a daily basis, caters to hundreds of applicants and clients,” sabi ni Bermejo.

Upang matiyak ang kalusugan at kaligtasan ng mga aplikante at employers, ang PESO ay nag- transitioned na gawin ang interviews online para sa lahat ng local recruiting activities simula noong Oktubre 1, 2020.

“This initiative aims to provide a safer environment for its clients – employers and job seekers, alike – contactless/online interviews for job seekers.  PESO-City of Manila started conducting its profiling interviews of applicants through various online platforms, such as Zoom and FB Messenger.  Employer interviews are also being conducted using the same platforms,” dagdag pa ni Bermejo.

Sinabi pa nito na sa loob ng dalawang taon, ay ginamit ng PESO ang nasabing platforms upang ipagpatuloy ang core value ng tanggapan.

“We are facing a hard time to place the hired-on-the-spot applicants using zoom interview because of internet connections, mobile gadgets and also the willingness of the applicants, since a huge number of them are still adjusting the usage of technology,” ayon pa kay Bermejo.

Ang PESO ay isang non-fee charging multi-dimensional employment service facility o entity na itinatag sa lahat ng Local Government Unit (LGUs) sa pakikipagtulungan ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Ito ay in-adopt ng pamahalaang lungsod ng Maynila sa pamamagitan ng    City Ordinance No. 8166 na kilala din sa tawag na “Creation of Public Employment Service Office in the City of Manila.” 

Tags: Manila Mayor Isko Morenomaynila
Previous Post

Ogie Diaz, pumatol? Maganda naman daw ang internet connection nila

Next Post

Kiber sa cancel culture! ‘Iconic’ concert nina Megastar, Songbird, tuloy na tuloy na

Next Post
Kiber sa cancel culture! ‘Iconic’ concert nina Megastar, Songbird, tuloy na tuloy na

Kiber sa cancel culture! ‘Iconic’ concert nina Megastar, Songbird, tuloy na tuloy na

Broom Broom Balita

  • Pizza resto, tumugon na sa reklamo ni Julius Babao; pizza, nilutong may plastic pa
  • Reklamo ni Julius Babao sa isang pizza restaurant: ‘Yung pizza na inorder namin may plastic!’
  • Pauline Amelinckx, umasang masusungkit ang Miss Universe Philippines title noong Abril
  • Maggie Wilson, kinaladkad ang umano’y ‘kabit’ ng noo’y asawang si Victor Consunji
  • Pilipinas, nagtapos bilang 5th placer sa ASEAN Para Games
Pizza resto, tumugon na sa reklamo ni Julius Babao; pizza, nilutong may plastic pa

Pizza resto, tumugon na sa reklamo ni Julius Babao; pizza, nilutong may plastic pa

August 8, 2022
Reklamo ni Julius Babao sa isang pizza restaurant: ‘Yung pizza na inorder namin may plastic!’

Reklamo ni Julius Babao sa isang pizza restaurant: ‘Yung pizza na inorder namin may plastic!’

August 8, 2022
Pauline Amelinckx, umasang masusungkit ang Miss Universe Philippines title noong Abril

Pauline Amelinckx, umasang masusungkit ang Miss Universe Philippines title noong Abril

August 8, 2022
Maggie Wilson, kinaladkad ang umano’y ‘kabit’ ng noo’y asawang si Victor Consunji

Maggie Wilson, kinaladkad ang umano’y ‘kabit’ ng noo’y asawang si Victor Consunji

August 8, 2022
Pilipinas, nagtapos bilang 5th placer sa ASEAN Para Games

Pilipinas, nagtapos bilang 5th placer sa ASEAN Para Games

August 8, 2022
Hidilyn Diaz, tiwala sa sarili para sa kaniyang ‘last lift’ sa 2024 Paris Olympics

Hidilyn Diaz, tiwala sa sarili para sa kaniyang ‘last lift’ sa 2024 Paris Olympics

August 7, 2022
Higit 1K na mga bata na may comorbidities, nakatanggap na  unang dose ng COVID-19 vaccine — DOH

Covid-19 positivity rate sa Cagayan, sumipa; pagbabakuna, muling ikinampanya

August 7, 2022
Isang magsasaka, patay matapos pagtatagain ng kapwa magsasaka sa Quezon

Kalahating kilo ng marijuana, nakumpiska sa 2 suspek, 1 menor de edad, sa Rizal

August 7, 2022
Comelec, umaasang mas maraming reklamo sa paglabag ng eleksyon ang maisasampa

Comelec, umaasang madedesisyunan ngayong buwan ang panukalang ipagpaliban ang BSKE 2022

August 7, 2022
Tom Rodriguez, nagbabalik sa Instagram; fans, nagpasalamat sa Kapuso actor

Tom Rodriguez, nagbabalik sa Instagram; fans, nagpasalamat sa Kapuso actor

August 7, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.