• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Ken Chan at Rita Daniela, ‘break’ na bilang tambalan; siya ba ang pinariringgan noon sa tweets?

Richard de Leon by Richard de Leon
May 29, 2022
in Showbiz atbp.
0
Ken Chan at Rita Daniela, ‘break’ na bilang tambalan; siya ba ang pinariringgan noon sa tweets?

Ken Chan at Rita Daniela (Larawan mula sa Manila Bulletin)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Hindi na pala magkatambal sina Ken Chan at Rita Daniela, pag-amin ng aktor, sa naganap na media conference para sa kaniya, kaugnay ng kaniyang bagong single na ‘Quaranfling’ sa ilalim ng GMA Music.

Kilala ang tambalan nina Ken at Rita sa pangalang ‘RitKen’ na unang kinakiligan sa afternoon drama series na ‘My Special Tatay’ na pinagbidahan ni Ken.

Kung si Ken ang tatanungin, looking forward siyang muling makatrabaho sa isang proyekto si Rita, subalit ipinaliwanag daw sa kanila ng Sparkle GMA Artist Center na may hangganan lang daw talaga ang mga tambalan, at kailangan din nilang magningning sa mga sarili nila, o kaya naman, maitambal naman sa iba.

Sa ngayon, ang katambal ni Ken Chan sa ‘Mano Po’ ay si Bianca Umali.

Naungkat si Ken kung si Rita ba ang pinariringgan niya sa mga cryptic tweets niya tungkol sa isang malapit na tao sa kaniya na namba-backstab. Aniya, maayos naman daw ang relasyon nila ni Rita, bagama’t hindi na sila nakakapag-usap dahil busy-busyhan na rin sa mga kani-kaniyang proyekto.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/24/ken-chan-may-pinariringgang-plastik-backstabber-hindi-ko-lang-din-kasi-kinaya/

Aplikable raw sa lahat ang ‘parinig’ niya at hindi rin naman para kay Rita ito. Ngunit kung sino man ito, sa ngayon daw ay ibinaon na niya sa limot ang ginawa nito. Kaibigan pa rin ang turing niya rito. Hindi naman daw siya mapagtanim ng sama ng loob.

“Hindi ko naman sinasabi na hindi ako marunong magalit, pero hindi ako nagtatanim ng galit at sama ng loob. So, madali talaga akong magpatawad ng tao. Wala naman pong problema doon. Kung ano po… maging kaibigan ko pa rin naman siya,” saad pa ni Ken.

Samantala, ang huling proyekto ng RitKen ay ang kauna-unahan nilang pelikula sa Metro Manila Film Festival—ang ‘Huling Ulan sa Tag-araw’, noong Disyembre 2021.

Tags: Ken ChanRita DanielaRitKen
Previous Post

Bella Poarch, ‘nanggigil’ sa pa-topless ni Joshua Garcia; sigaw ng netizens, ‘Pumila ka!’

Next Post

Bianca, nilinaw na wala siyang anak sa pagkadalaga, o anak sa pagkabinata si Sen. Win

Next Post
Bianca, nilinaw na wala siyang anak sa pagkadalaga, o anak sa pagkabinata si Sen. Win

Bianca, nilinaw na wala siyang anak sa pagkadalaga, o anak sa pagkabinata si Sen. Win

Broom Broom Balita

  • Halos ₱15.9M jackpot, napanalunan sa 6/49 Super Lotto draw
  • Kerwin Espinosa, inabsuwelto sa drug trafficking case
  • Sulfur dioxide exposure, ash fall mapanganib sa kalusugan — DOH
  • Canada, pinili ang ‘Pinas na maging lokasyon ng bago nitong Indo-Pacific agri office
  • ‘Chedeng’ lalabas na ng bansa sa Lunes
Sino kaya mananalo? Jackpot sa lotto, posibleng pumalo sa ₱320M

Halos ₱15.9M jackpot, napanalunan sa 6/49 Super Lotto draw

June 9, 2023
Kerwin Espinosa, inabsuwelto sa drug trafficking case

Kerwin Espinosa, inabsuwelto sa drug trafficking case

June 9, 2023
Sulfur dioxide exposure, ash fall mapanganib sa kalusugan — DOH

Sulfur dioxide exposure, ash fall mapanganib sa kalusugan — DOH

June 9, 2023
Canada, pinili ang ‘Pinas na maging lokasyon ng bago nitong Indo-Pacific agri office

Canada, pinili ang ‘Pinas na maging lokasyon ng bago nitong Indo-Pacific agri office

June 8, 2023
‘Rosal’ lumalakas pa rin habang nasa Philippine Sea

‘Chedeng’ lalabas na ng bansa sa Lunes

June 8, 2023
200 pasahero ng nasunog na tren sa Austria, nailikas sa tunnel

200 pasahero ng nasunog na tren sa Austria, nailikas sa tunnel

June 8, 2023

Hontiveros, nadismaya sa pagbasura sa bail petition ni de Lima: ‘Stop this travesty of justice now’

June 8, 2023
Driver’s license backlog, halos 700,000 na!

Driver’s license backlog, halos 700,000 na!

June 8, 2023
Kapulisan sa Central Luzon, nakasamsam ng ₱51M halaga ng iligal na droga sa loob ng mahigit 3 buwan

20 indibidwal, kumalas ng suporta sa CPP-NPA

June 8, 2023
Itinaon sa Father’s Day: 80 taong gulang na ama, nag-suicide sa Cagayan?

19-anyos na bebot, pinagbabaril ng live-in partner, patay

June 8, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.