• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Zeinab Harake, sinipa at nakaalitan ang bagong jowa ni Skusta Clee sa isang bar sa QC?

Richard de Leon by Richard de Leon
May 28, 2022
in Showbiz atbp.
0
Zeinab Harake, sinipa at nakaalitan ang bagong jowa ni Skusta Clee sa isang bar sa QC?

Zeinab Harake, Skusta Clee, at Aira Lipata (Larawan mula sa FB/IG)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Usap-usapan ngayon ang paninipa umano ng social media personality na si Zeinab Harake sa bagong nobya ng kaniyang partner na si Skusta Clee o Daryl Ruiz sa tunay na buhay.

Ayon sa ulat, nagpang-abot umano sina Zeinab at ang babaeng kinilalang si Aira Mae Lipata sa isang bar sa Tomas Morato, Quezon City. Tinadyakan umano ni Zeinab si Aira at natumba kaagad ito. Plano raw kasuhan ng pamilya ni Aira si Zeinab ngunit hindi pa ito kumpirmado. Si Aira daw ang bagong apple of the eye ni Daryl. Marami umanong nakakitang netizen sa selfie nito sa bahay ng mang-aawit.

Zeinab Harake (Screengrab mula sa TikTok)

Si Aira ay isang Muay Thai player at talent sa TV-5.

Makikita naman sa Facebook post ng kaibigan ni Aira na si Kate Lim ang tungkol dito. Aniya, pinagtulungan daw ng mga kaibigan ni Zeinab ang kaniyang kaibigang si Aira.

Hindi naman daw sa nakikisawsaw sa isyu nilang dalawa, subalit palagay niya ay maling-maling kuyugin ang kaniyang kaibigan.

Screengrab mula sa FB/Kate Lim

Sa ngayon, burado na ang naturang FB post.

Sa Facebook post naman ni Zeinab, wala pa siyang update tungkol dito ngunit makikita ang kaniyang litrato na tila nasa isang bar siya.

“Not a secret, just not your business,” caption niya.

Sa Facebook post naman ni Skusta, ibinahagi niya ang post mula sa ‘Anxiety’. Nakalagay rito na “Never revenge, let them realize.”

Isang Facebook page naman na may pangalang “Aira Lipata” ang pinuputakti ngayon ng mga netizen dahil sa mga post nito laban kay Zeinab at pagdepensa sa sarili, sa pagkakaugnay nila ni Skusta. Hindi pa tiyak o kumpirmado kung lehitimo ba itong account ni Aira.

“Ang Papangit ng Basher’s ko ayaw ko nalang patulan. Tigil tigilan nyo yang kaka marites nyo! Waiting for him… See you Babe,” nakasaad sa caption ng isang Facebook post dito.

Sa isa pang Facebook post, kalakip nito ang isang TikTok video kung saan makikita ang naging alitan umano sa bar.

“Pasalamat ka maraming umaawat dito kundi. Talsik ka rin sakin depungal ka!!! Back fighter mag sama kapa ng mga pulis. Di ka naman kasal oy! Masyado kang feeling pwe!!!” nakalagay sa caption.

“Hiwalay na sila bago ko nainvolve kay skusta papano nyo masasabing kabit. Unang una may anak lang sila pero di sila mag asawa. Wag kayong paladesisyon!!! Kayo ang may ubo sa utak!!!” pahayag pa sa isang Facebook post.

Screengrab mula sa FB/Aira Lipata
Tags: Aira LipataSkusta CleeZeinab Harake
Previous Post

‘Wala pang aprubadong monkeypox vaccine sa Pilipinas’ — DOH

Next Post

Ogie Diaz, malaki ang utang na loob kay Liza Soberano; Si James Reid na raw ang bagong manager?

Next Post
Ogie Diaz, malaki ang utang na loob kay Liza Soberano; Si James Reid na raw ang bagong manager?

Ogie Diaz, malaki ang utang na loob kay Liza Soberano; Si James Reid na raw ang bagong manager?

Broom Broom Balita

  • Kinasuhan na! 74 kumpanya, indibidwal, ‘di nagbayad ng ₱3.58B buwis
  • 293 pamilyang nabiktima ng sunog sa Maynila, pinagkalooban ng tulong pinansiyal ng LGU
  • Gabriela, binatikos ang advertisement ng isang fast food restaurant dahil sa paglalarawan sa kababaihan
  • 1M doses ng Pfizer bivalent Covid-19 vaccine, darating sa bansa sa Marso
  • Sunshine Dizon, nagsimula na mag-taping para sa ‘Mga Lihim ni Urduja’
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.