• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Toni Gonzaga, kinawawa, binugbog-sarado sa social media, sey ni PBBM

Richard de Leon by Richard de Leon
May 26, 2022
in Balita, Eleksyon, National / Metro, Showbiz atbp.
0
Toni Gonzaga, kinawawa, binugbog-sarado sa social media, sey ni PBBM

Toni Gonzaga-Soriano at President-elect Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr. (Larawan mula sa Manila Bulletin)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Isa sa mga sumaksi sa proklamasyon kina Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. at Sara Duterte bilang bagong President at Vice President-elect ng Republika ng Pilipinas sa susunod na anim na taon, ang mag-asawang sina Toni Gonzaga at Direk Paul Soriano.

Malaki ang naging gampanin ng celebrity couple sa kampanya ng UniTeam. Si Direk Paul ang gumawa ng mga campaign ads ng partido habang si Toni naman ang nag-host ng sorties at nagtanghal din. Kasabay ng proklamasyon kahapon, inilabas niya sa kaniyang YouTube channel na ‘Toni Gonzaga Studio’ ang cover ng ‘Roar’ ni Katy Perry, na madalas niyang kantahin sa mga campaign rallies.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/25/resbak-sa-bashers-toni-g-naglabas-ng-studio-cover-ng-roar-matapos-iproklama-si-bbm/

Isa isang video, makikitang personal na ipinakilala ni BBM ang mag-asawa sa kaniyang inang si dating First Lady Imelda Marcos.

“Lahat ng ads ko ginawa niya,” sabi ni BBM patungkol kay Direk Paul Soriano.

“Si Toni naman, siya ang nagpe-perform… kawawa ito, binubugbog siya (sa social media) ng mga hindi naniniwala.”

Matatandaang noong Setyembre 2021 pa lamang ay umani na ng ‘cancel culture’ mula sa mga netizen si Toni nang i-guest niya si BBM sa kaniyang award-winning talk show vlog na ‘Toni Talks’.

Mas lalo pang umigting ang pag-cancel ng mga netizen kay Toni nang maging host siya ng proclamation rally ng UniTeam noong Pebrero sa Philippine Arena. Dito ay hayagan na niyang ipinakita ang pagsuporta sa UniTeam.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/02/08/toni-gonzaga-host-ng-proclamation-rally-ng-uniteam-nina-bbm-at-sara-sa-bulacan/

Kinabukasan ay nagbitiw siya bilang main host ng ‘Pinoy Big Brother’ (PBB) sa ABS-CBN, na naging tahanan niya sa loob ng maraming taon.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/02/08/toni-gonzaga-host-ng-proclamation-rally-ng-uniteam-nina-bbm-at-sara-sa-bulacan/

Nanindigan naman si Toni sa kaniyang ginawa.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/05/toni-may-apela-sana-manood-pa-rin-kayo-ng-pbb-mahalin-pa-rin-natin-si-kuya-at-mga-housemates/

Samantala, sa isang panayam ay tahasang sinabi ni Direk Paul na handa silang tumulong sa Marcos administration kung kinakailangan.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/21/mag-asawang-paul-soriano-at-toni-gonzaga-handang-tumulong-sa-marcos-admin-kung-kakailanganin/

Tags: President-elect Bongbong Marcos JrRoartoni gonzagaUniTeam host and performer
Previous Post

Bianca Gonzalez: ‘Walang nasayang’

Next Post

Kung papayag: Duterte, itatalaga ni Marcos bilang anti-drug czar

Next Post
Duterte, nagbantang ipatigil e-sabong ni Atong Ang

Kung papayag: Duterte, itatalaga ni Marcos bilang anti-drug czar

Broom Broom Balita

  • Abra, niyanig ng magnitude 4.6 na lindol
  • Matapos lang ang 3 araw, MV ng pre-debut single ng Hori7on, tumabo na ng higit 2.2M views
  • Graduating student sa Samar State U, naiulat na nawawala
  • 3 lugar sa bansa, nagtala ng mapanganib na antas ng heat index nitong Sabado
  • Mananaya, bokya sa lotto jackpot ng PCSO ngayong Sabado
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.