• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

‘Tama bang sabihing 31 million ang nabudol?’: Michael V, sa tula idinaan ang saloobin sa eleksyon

Raymond Lumagsao by Raymond Lumagsao
May 26, 2022
in Showbiz atbp.
0
‘Tama bang sabihing 31 million ang nabudol?’: Michael V, sa tula idinaan ang saloobin sa eleksyon

Mga larawan mula Instagram post ni Michael V

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Isang mahabang tula muli ang ipinaskil ni comedy genius Michael V nitong Huwebes, Mayo 26 para maipahayag pa rin ang kanyang saloobin sa naganap na eleksyon.

Ang tula ay pinamagatang “Sama all” na mayroong eksaktong sampung saktong. Kalakip ng piyesa ng Kapuso star ang ipininta rin nitong inspirasyon ang watawat ng Pilipinas.

Narito ang kabuuang tula na ibinahagi ni Bitoy sa Instagram:

“Nag-iiba ang salita ‘pag ‘sinahog na sa tula.
Mas lumalalim pa kapag isinadula.
Naka-“facepalm” ‘yung isa, ‘yung isa nakanganga.
Hindi magkaka-intindihan ang makata at ang tanga.

“Sa mga nagbabasa, basahin ninyo ng maigi;
Sa mga kakampi ko makinig kayong mabuti;
“Quiet” na lang muna kesa ‘Sugod!’ o “Maghiganti!’
Sa susunod na eleksyon, do’n na lang tayo bumawi.

“’United we stand, divided we fall.’
Lahat ng talong kandidato, napapa-‘sana all’.
Kung daya man o peke, o may mahiwagang troll
Tama bang sabihing 31 million ang nabudol?

“Busina rin paminsan-minsan at mag-menor sa salita.
Baka trak na ang kasalubong, mahirap na ‘pag nabangga.
Minsan trak, minsan kamao, minsan talim, minsan tingga…
Kung hindi ka si Wonder Woman, hindi mo ‘yan masasangga!

“Mamâ o aleng jeepney driver, baka p’wedeng hinay-hinay.
‘Pag matindi ang banggaan pati pasahero damay.
Mas gugustuhin kong lahat tayo e buhay.
‘Pag ang driver e mahusay, iwas-gulo… iwas-lamay.

“Kung tatakbo uli, dapat matuto tayo dito.
Hindi sapat ang puso; lamang pa rin ang matalino.
Hindi rin uubra ‘yung basta ‘kahit na lang sino!’
Dapat ‘yung may “blue check” at verified ang manok mo.

“Ibang-iba na nga ‘yung noon at ang ngayon.
Hindi sapat ang tapang.
‘Wag basta-basta maghamon.
Hindi talaga kaya sa maikling panahon.
Kung paghahandaan natin, at least, anim na taon.

“Kung pakiramdam mo e “IKAW NA” talaga
Maging kampante ka at ‘wag ka nang mag-alala.
Ganyan naman ang bida sa mga pelikula
Sa simula ng istorya, nagpapatalo muna.

“Maging alisto at matalino. Magmasid bago mag-plano.
Dapat e may hangganan; radikal man ang puso mo.
Kung ayaw mong ma-subâ e ‘di ‘wag kang mag-abono!
‘Wag ka nang magpa-apekto. Hindi wakas ang pagkatalo.

“Simple lang ang sinasabi ko, ‘wag nang lagyan ng kulay;
Ito nama’y ‘kuwan’ lang… hindi naman ako nang-aaway.
‘Wag basta-basta patol, ‘wag nang sayangin ang ‘yong laway.
‘Weather-weather’ lang ‘yan! Ganyan talaga ang buhay.”

View this post on Instagram

A post shared by Michael V. 🇵🇭 (@michaelbitoy)

Matatandaan na low-key na inihayag ni Bitoy ang kanyang pagboto kay Vice President Leni Robredo noong eleksyon.

View this post on Instagram

A post shared by Michael V. 🇵🇭 (@michaelbitoy)

Natalo si Robredo ng kanyang mahigpit na karibal na si dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. via landslide, majority win.

Ayon sa datos ng naganap na canvassing sa Kongreso, umani ng kabuuang 31,629,629 o 58 percent ng kabuuang boto si Marcos Jr. habang 15,035,773 naman ang nakuha ni Robredo.

Nitong Miyerkoles, Mayo 25, nang pormal na iproklama ng National Board of Canvassers ang pagkapanalo ni Marcos Jr. bilang ika-17 pangulo ng Republika ng Pilipinas kasama ang kanyang tandem na si Vice President-elect Inday Sara Duterte.

Tags: BitoyMichael V
Previous Post

Trailer truck, nawalan ng preno; Rider, patay

Next Post

Barry Gutierrez, nagpasalamat sa mahigit 15 milyong bumoto kay Vice President Leni Robredo

Next Post
Robredo spox Barry Gutierrez, kinuwestiyon ang Marawi rehab: ‘Apat na taon na, hindi pa rin tapos’

Barry Gutierrez, nagpasalamat sa mahigit 15 milyong bumoto kay Vice President Leni Robredo

Broom Broom Balita

  • Kahit walang head coach: Ginebra, panalo pa rin vs Converge
  • Libreng sakay sa tren, EDSA bus carousel, pinalawig pa!
  • Isang Chinese national, nasakote dahil sa pagdukot, tangkang pangingikil sa kapwa kababayan sa Parañaque
  • Dating Pangulong Duterte, magbabawi ng tulog
  • Isang mayor sa Mexico, buwaya ang partner sa kasal
Kahit walang head coach: Ginebra, panalo pa rin vs Converge

Kahit walang head coach: Ginebra, panalo pa rin vs Converge

July 1, 2022
Libreng sakay sa tren, EDSA bus carousel, pinalawig pa!

Libreng sakay sa tren, EDSA bus carousel, pinalawig pa!

July 1, 2022
Umano’y drug dealer, patay sa atake sa puso matapos arestuhin ng pulisya

Isang Chinese national, nasakote dahil sa pagdukot, tangkang pangingikil sa kapwa kababayan sa Parañaque

July 1, 2022
Pangulong Duterte, nais pairalin pa rin ang pagsusuot ng face mask

Dating Pangulong Duterte, magbabawi ng tulog

July 1, 2022
Isang mayor sa Mexico, buwaya ang partner sa kasal

Isang mayor sa Mexico, buwaya ang partner sa kasal

July 1, 2022
‘Magparehistro na para sa barangay, SK elections’ — Namfrel

‘Magparehistro na para sa barangay, SK elections’ — Namfrel

July 1, 2022
Isang trak, inararo ang 6 na tricycle, motorsiklo sa Dagupan

Isang trak, inararo ang 6 na tricycle, motorsiklo sa Dagupan

July 1, 2022
Conservationist, emosyonal nang mamataan ang malusog na King Cobra sa isang gubat sa Palawan

Conservationist, emosyonal nang mamataan ang malusog na King Cobra sa isang gubat sa Palawan

July 1, 2022
Bokya pa rin: Terrafirma, taob sa TNT

Bokya pa rin: Terrafirma, taob sa TNT

July 1, 2022
Mensahe ni Agot Isidro para sa bansa: ‘Sana matuto ka sa mga pasyang pinili mo’

Mensahe ni Agot Isidro para sa bansa: ‘Sana matuto ka sa mga pasyang pinili mo’

July 1, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.