• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

PH Marine Corps, ginawaran ng Military Merit Medal si Beatrice Gomez; Harnaaz Sandhu, proud!

Raymond Lumagsao by Raymond Lumagsao
May 26, 2022
in Balita, Features
0
PH Marine Corps, ginawaran ng Military Merit Medal si Beatrice Gomez; Harnaaz Sandhu, proud!

Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Bilang Navy reservist, isang panibagong pagkilala ang iginawad kay Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez.

Kalakip ang ilang serye ng larawan sa kanyang Instagram post, ibinahagi ng Cebuana beauty queen ang kanyang pagdalo sa isang seremonya na pinangunahan ng Philippine Marine Corps kamakailan.

“It always feels like home. I am honored to be welcomed into a new family as an Honorary Member of Friends of Marines (FOM),” ani Bea sa kanyang Instagram post, Miyerkoles.

Isang karangalan din aniya ang makilala bilang Military Merit Medal (3M) awardee.

Pinasalamatan ni Bea ang Philippine Marine Corps Foundation Inc sa pangunguna ni President LTGEN Juancho M. Sabban PN(M)(Ret) at maging si Commandant of the Philippine Marine Corps MGEN Nestor C. Herico PN(M).

“Rest assured that I will continue to pursue my involvement to support military operations to serve the Filipino people,” ani Bea.

View this post on Instagram

A post shared by Beatrice Luigi Gomez (@beatriceluigigmz)

Hindi naman naitago ng kaibigang si Miss Universe 2021 Harnaaz Sandhu ang bagong milestone na ito ni Bea bilang lingkod-bayan.

“Never missing any chance to make us proud! #girlpower ❤️ Chak de Phatte 👏🙏🏻” komento ng Indian titleholder sa IG post ni Bea.

Bago naging beauty queen, aktibong community development worker si Bea sa kanilang komunidad sa Cebu City.

Tags: Beatrice Luigi GomezMiss Universe 2021Miss Universe 2021 Harnaaz SandhuPhilippine Marine Corps
Previous Post

RITM, gagawing isolation facility para sa mga mahahawaan ng monkeypox

Next Post

Vice President-elect Duterte-Carpio, planong makipagpulong kay Robredo

Next Post
Vice President-elect Duterte-Carpio, planong makipagpulong kay Robredo

Vice President-elect Duterte-Carpio, planong makipagpulong kay Robredo

Broom Broom Balita

  • Kahit walang head coach: Ginebra, panalo pa rin vs Converge
  • Libreng sakay sa tren, EDSA bus carousel, pinalawig pa!
  • Isang Chinese national, nasakote dahil sa pagdukot, tangkang pangingikil sa kapwa kababayan sa Parañaque
  • Dating Pangulong Duterte, magbabawi ng tulog
  • Isang mayor sa Mexico, buwaya ang partner sa kasal
Kahit walang head coach: Ginebra, panalo pa rin vs Converge

Kahit walang head coach: Ginebra, panalo pa rin vs Converge

July 1, 2022
Libreng sakay sa tren, EDSA bus carousel, pinalawig pa!

Libreng sakay sa tren, EDSA bus carousel, pinalawig pa!

July 1, 2022
Umano’y drug dealer, patay sa atake sa puso matapos arestuhin ng pulisya

Isang Chinese national, nasakote dahil sa pagdukot, tangkang pangingikil sa kapwa kababayan sa Parañaque

July 1, 2022
Pangulong Duterte, nais pairalin pa rin ang pagsusuot ng face mask

Dating Pangulong Duterte, magbabawi ng tulog

July 1, 2022
Isang mayor sa Mexico, buwaya ang partner sa kasal

Isang mayor sa Mexico, buwaya ang partner sa kasal

July 1, 2022
‘Magparehistro na para sa barangay, SK elections’ — Namfrel

‘Magparehistro na para sa barangay, SK elections’ — Namfrel

July 1, 2022
Isang trak, inararo ang 6 na tricycle, motorsiklo sa Dagupan

Isang trak, inararo ang 6 na tricycle, motorsiklo sa Dagupan

July 1, 2022
Conservationist, emosyonal nang mamataan ang malusog na King Cobra sa isang gubat sa Palawan

Conservationist, emosyonal nang mamataan ang malusog na King Cobra sa isang gubat sa Palawan

July 1, 2022
Bokya pa rin: Terrafirma, taob sa TNT

Bokya pa rin: Terrafirma, taob sa TNT

July 1, 2022
Mensahe ni Agot Isidro para sa bansa: ‘Sana matuto ka sa mga pasyang pinili mo’

Mensahe ni Agot Isidro para sa bansa: ‘Sana matuto ka sa mga pasyang pinili mo’

July 1, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.