• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Misis ni Anton Lagdameo na si Dawn Zulueta, nagpaabot ng pagbati kina BBM-Sara

Richard de Leon by Richard de Leon
May 26, 2022
in Balita, Eleksyon, National / Metro, Showbiz atbp.
0
Misis ni Anton Lagdameo na si Dawn Zulueta, nagpaabot ng pagbati kina BBM-Sara

President-elect Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr., Dawn Zulueta, at dating Davao Del Norte Rep. Anton Lagdameo (Larawan mula sa IG)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nagpaabot ng pagbati sa proklamadong President at Vice President-elect na sina Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. at Inday Sara Duterte ang celebrity na si Dawn Zulueta, na isang masugid na BBM-Sara supporter, sa pamamagitan ng kaniyang Instagram post, kahapon ng Mayo 25, 2022.

“It’s official! Congratulations, our President elect @bongbongmarcos (red heart emoji). God bless you & our duly elected Vice President @indaysaraduterte (red heart emoji), sey ni Dawn.

View this post on Instagram

A post shared by Dawn Zulueta (@dawnzulueta)

Si Dawn Zulueta ang misis ng longtime friend ni PBBM na si dating Davao Del Norte Representative Anton Lagdameo, Jr. na napipisil maging Special Assistant to the President (SAP).

Ang Special Assistant to the President ay minsan na ring naging posisyon ni Senador Bong Go, para kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Marcos, magiging madali para kay Lagdameo ang posisyon dahil matagal na silang magkaibigan at magkatrabaho at kilala na siya ng mambabatas.

“It’s a very sensitive and very important in a sense that we have worked, known each other since he was a child, since he was young. He knows me very well,” sey ni PBBM sa panayam.

Sa naganap na campain sortie ng UniTeam sa Carmen, Davao del Norte noong Marso 30, ibinida ni Marcos si Lagdameo bilang isang taong nakatrabaho niya sa ‘maraming proyekto’.

Si Lagdameo ay apo ng tinaguriang ‘Banana King’ na si Antonio Floirendo Sr., isa sa cronies ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr.

Ang Special Assistant to the President (SAP) ay magsisilbing official aide ng pangulo ng Pilipinas. Siya ang mangangasiwa ng Office of the Special Assistant to the President (OSAP). Tungkulin ng SAP na magbigay ng general supervision sa Presidential Management Staff.

Nagbitiw si Go sa posisyon nang magdesisyong tumakbo sa pagkasenador noong 2019.

Noong Nobyembre 9, 2020, pinalitan siya ni Jesus Melchor Quitain bilang OIC o Officer in-Charge. Kahit na wala na si Go bilang SAP ay nanatili pa rin siya sa pag-asiste kay PRRD.

Tags: Davao Del Norte Rep. Anton Lagdameodawn zulueta
Previous Post

Matapos ni Pokwang: Alex Gonzaga, kinalampag din ang ISP, mga netizen, napa-react

Next Post

Bianca Gonzalez: ‘Walang nasayang’

Next Post
Bianca Gonzalez: ‘Paninindigan at pag-asa ang tawag dun, at di kailangan ng bayad’

Bianca Gonzalez: 'Walang nasayang'

Broom Broom Balita

  • Kylie Verzosa, sumagot, naimbyerna sa ‘matandang’ netizen na sumita sa kaniyang sexy photos
  • Vergeire, handa na raw maging kalihim ng DOH: ‘Baka kailangan ako ng mga Pilipino’
  • Ilang bahagi ng makasaysayang tulay ng Malagonlong, sinira
  • Guanzon, dumipensa: ‘Lasing sila. Inapakan ang paa ko. Sinaway ko sinigawan pa ako’
  • Jinkee, may sagot tungkol sa annulment rumors sa kanila ni Manny
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.