• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home National

Kung papayag: Duterte, itatalaga ni Marcos bilang anti-drug czar

Rommel Tabbad by Rommel Tabbad
May 26, 2022
in National
0
Duterte, nagbantang ipatigil e-sabong ni Atong Ang
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Walang magiging problema kay President-elect Ferdinand Marcos, Jr. kung papayag si Pangulong Rodrigo Duterte na maging anti-drug czar sa administrasyon nito.

“If he wants to,” pahayag ni Marcos nang tanungin ng mga mamamahayag sa isang pulong balitaan nitong Huwebes kaugnay ng posibilidad na pagsama ni Duterte sa kanyang gobyerno at ipupuwesto bilang anti-drug czar.

Kamakailan, inihayag ni Marcos na itatalaga niya si Vice President-elect Sara Duterte-Carpio bilang kalihim ng Department of Education (DepEd).

Gayunman, nilinaw ni Marcos na hindi pa nila natatalakay ni Duterte ang usapin.

“No, he has not, we have not talked about it. But I am open to anyone who is able to help in the government so matagal na kaming magkaibigan ni PRRD, noong mayor pa siya long, long time ago. I’m sure if he wants to play a part sasabihin naman niya sa akin, I am certainly open to that,” aniya.

Bago maghalalan, hiniling ni Duterte kay Marcos na ituloy ang kanyang kampanya laban sa iligal na droga

“Ang napapag-usapan namin bago pa mag-election, basta itong mga bagay na ito ituloy mo, that is the request that is so important to him. Still, siyempre ‘yung kanyang priority is the anti-drug problem,” sabi ni Marcos.

“Ang kanya, sinasabi niya, one thing he was assertive na ituloy ang anti-drug syndicate na sinimulan ko. Do it your own way. He really said that. Palitan mo… but ‘wag mong iiwanan ‘yan kasi kawawa ang kabataan natin. Talagang nasisira ang buhay nila,” pahayag pa nito.

Matatandaang naging kontrobersyal ang war on drugs ng administrasyong Duterte dahil na rin sa libu-libong napapatay kung saan inimbestigahan pa ito ng International Criminal Court sa posibleng kasong “crimes against humanity.”

Previous Post

Toni Gonzaga, kinawawa, binugbog-sarado sa social media, sey ni PBBM

Next Post

Alyssa Valdez at Kiefer Ravena, hiwalay na; talent management, naglabas ng opisyal na pahayag

Next Post
Alyssa Valdez at Kiefer Ravena, hiwalay na; talent management, naglabas ng opisyal na pahayag

Alyssa Valdez at Kiefer Ravena, hiwalay na; talent management, naglabas ng opisyal na pahayag

Broom Broom Balita

  • 2 mananaya, maghahati sa P42.7- M Lotto 6/42 jackpot prize
  • Rollback sa presyo ng produktong petrolyo, asahan sa Martes
  • 10 boya, ‘di inaalis sa WPS — PCG
  • Crater glow, naobserbahan: 13 rockfall events, pagyanig naitala rin sa Mayon Volcano
  • Unang bugso ng bivalent Covid-19 vaccines, darating sa bansa ngayong Sabado
PCSO: P29.7M jackpot prize ng Grand Lotto 6/55, napanalunan na rin ng taga-Batangas

2 mananaya, maghahati sa P42.7- M Lotto 6/42 jackpot prize

June 4, 2023
Dagdag P1.10 per liter sa gasolina, asahan sa June 29

Rollback sa presyo ng produktong petrolyo, asahan sa Martes

June 3, 2023
10 boya, ‘di inaalis sa WPS — PCG

10 boya, ‘di inaalis sa WPS — PCG

June 3, 2023
Crater glow, naobserbahan: 13 rockfall events, pagyanig naitala rin sa Mayon Volcano

Crater glow, naobserbahan: 13 rockfall events, pagyanig naitala rin sa Mayon Volcano

June 3, 2023
Pamamahagi ng booster shots, mabagal na ipinatutupad sa PH — NTF adviser

Unang bugso ng bivalent Covid-19 vaccines, darating sa bansa ngayong Sabado

June 3, 2023
Sunog sa Recto, nag-iwan ng pinsalang aabot sa P480,000

Sunog sa Recto, nag-iwan ng pinsalang aabot sa P480,000

June 3, 2023
Pride Month, isang pagkakataon para itaguyod mga karapatan ng LGBTQ+ – British envoy

Pride Month, isang pagkakataon para itaguyod mga karapatan ng LGBTQ+ – British envoy

June 3, 2023
Capiz, nagtala na rin ng kaso ng African Swine Fever

Antique, nag-iisang lalawigan sa Western Visayas na walang kaso ng ASF

June 3, 2023
Magnitude 4.6 lindol, yumanig sa Sulu

Magnitude 4.6 lindol, yumanig sa Sulu

June 3, 2023
Food stamp program, pinag-aaralan pa! — DSWD official

Food stamp program, pinag-aaralan pa! — DSWD official

June 3, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.