• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

DOTr: LRT-1, wala pa ring taas-pasahe

Mary Ann Santiago by Mary Ann Santiago
May 26, 2022
in Balita, National / Metro
0
Operasyon ng LRT-1, suspendido sa Enero 30

FILE PHOTO

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Wala pa ring magaganap na taas-pasahe ang Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) sa kabila ng mga nauna nitong fare hike request.

Sa isang virtual press briefing nitong Miyerkules, sinabi ni Department of Transportation (DOTr) Undersecretary Timothy John Batan na hindi nila mapagbigyan ang kahilingan ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), na siyang operator ng LRT-1 na magtaas ng pasahe, bunsod na rin nang patuloy na pagtaas ng consumer prices.

“First of all, [our policy is very clear that] considering the current environment with inflation, we are really not able to increase or to grant the requested fare increase by our concessionaire for LRT 1,” paliwanag niya.

Ang pahayag ay ginawa ni Batan kasunod nang paghahain ng kaso ng LRMC laban sa DOTr at Light Rail Transit Authority (LRTA) nitong unang bahagi ng buwan, dahil sa umano’y kawalan nito ng aksiyon sa kanilang fare adjustment applications at umano’y pagkabigong ma-meet ang iba pang istipulasyon ng kanilang concession agreement.

Nabatid na humihingi ang LRMC ng P2.67 bilyong halaga ng kumpensasyon, base sa isinagawang estimates hanggang noong Marso 31.

Anang naturang private operator, ‘long overdue’ na ang naturang fare hike dahil tatlong ulit na umano nila itong hiniling noong mga nakalipas na taon.

Sa kasalukuyan, ang halaga ng pasahe sa LRT-1 ay mula P15 hanggang P30 lamang.

Ayon pa sa LRMC, ang taas-pasahe na hinihingi nila ay makatutulong sa kumpanya upang mabawi ang kanilang investments para sa isinagawang LRT-1 enhancements at ekstensyon ng railway hanggang sa Cavite area.

Sinabi naman ni Batan na pinag-aaralan pa ng DOTr sa ngayon ang susunod na hakbang hinggil sa kasong inihain ng LRMC.

“On the notice of arbitration that was filed, this is of course being studied by our legal department, together with DOTr’s counsel, the office of Solicitor General. And we will handle this according to the concession agreement,” ani Batan. 

Tags: LRT-1
Previous Post

Susan Roces, inihatid na sa huling hantungan; itinabi sa puntod ni Da King

Next Post

Habang libre pa ang entrance: Domagoso, hinihikayat ang publiko na bumisita sa Manila Zoo

Next Post
Mayor Isko: Bago at modernong Manila Zoo, matatapos na ngayong taon

Habang libre pa ang entrance: Domagoso, hinihikayat ang publiko na bumisita sa Manila Zoo

Broom Broom Balita

  • Kahit walang head coach: Ginebra, panalo pa rin vs Converge
  • Libreng sakay sa tren, EDSA bus carousel, pinalawig pa!
  • Isang Chinese national, nasakote dahil sa pagdukot, tangkang pangingikil sa kapwa kababayan sa Parañaque
  • Dating Pangulong Duterte, magbabawi ng tulog
  • Isang mayor sa Mexico, buwaya ang partner sa kasal
Kahit walang head coach: Ginebra, panalo pa rin vs Converge

Kahit walang head coach: Ginebra, panalo pa rin vs Converge

July 1, 2022
Libreng sakay sa tren, EDSA bus carousel, pinalawig pa!

Libreng sakay sa tren, EDSA bus carousel, pinalawig pa!

July 1, 2022
Umano’y drug dealer, patay sa atake sa puso matapos arestuhin ng pulisya

Isang Chinese national, nasakote dahil sa pagdukot, tangkang pangingikil sa kapwa kababayan sa Parañaque

July 1, 2022
Pangulong Duterte, nais pairalin pa rin ang pagsusuot ng face mask

Dating Pangulong Duterte, magbabawi ng tulog

July 1, 2022
Isang mayor sa Mexico, buwaya ang partner sa kasal

Isang mayor sa Mexico, buwaya ang partner sa kasal

July 1, 2022
‘Magparehistro na para sa barangay, SK elections’ — Namfrel

‘Magparehistro na para sa barangay, SK elections’ — Namfrel

July 1, 2022
Isang trak, inararo ang 6 na tricycle, motorsiklo sa Dagupan

Isang trak, inararo ang 6 na tricycle, motorsiklo sa Dagupan

July 1, 2022
Conservationist, emosyonal nang mamataan ang malusog na King Cobra sa isang gubat sa Palawan

Conservationist, emosyonal nang mamataan ang malusog na King Cobra sa isang gubat sa Palawan

July 1, 2022
Bokya pa rin: Terrafirma, taob sa TNT

Bokya pa rin: Terrafirma, taob sa TNT

July 1, 2022
Mensahe ni Agot Isidro para sa bansa: ‘Sana matuto ka sa mga pasyang pinili mo’

Mensahe ni Agot Isidro para sa bansa: ‘Sana matuto ka sa mga pasyang pinili mo’

July 1, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.