• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Features

Showtime hosts, nag-ambagan ng P200K para maipatayo ang bahay ng isang TNT contender

Raymond Lumagsao by Raymond Lumagsao
May 25, 2022
in Features, Showbiz atbp.
0
Showtime hosts, nag-ambagan ng P200K para maipatayo ang bahay ng isang TNT contender

Screengrab mula Youtube video ng ABS-CBN Entertainment

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Sa barong-barong lang nanunuluyan ang pamilya ng Tawag ng Tanghalan contestant na si Edimar Bonghanoy matapos hagupitin ng Bagyong Odette ang lalawigan ng Cebu noong Disyembre 2021.

Ito ang dahilan ng napansing lungkot sa mukha ni Edimar matapos sumalang sa TNT at makapanayam ng hosts na sina Vice at Vhong.

Isang kwelang pakulo naman ang naisip ni Vice upang makalikom ng sapat na halaga para maipatayo ang panibagong tahanan ng pamilya ni Edimar. Isa-isa hiningan ng Unkabogable Star ang bawat host, hurado at performer ng Showtime family.

Unang nag-pledge si Vhong ng halagang P10,000 na sinundan ni Teddy sa halagang P5,000. Nakiisa rin ang mga huradong si Nyoy Volante na nagbigay ng P5,000, hurado Zsazsa Padilla na nag-ambag ng P10,000 at Ogie Alcasid na tinapatan ang inisyal na kabuuang halaga na P30,000.

Sunod na nag-ambag si Ion Perez at Jugz sa parehong halagang P5,000. Parehong P10,000 din ang ambag nina Ryan Bang at Karylle.

Ang kababayan ni Edimar na si Kim Chiu ay nagbigay din ng halagang P30,000 na dinagdagan pa ni Janine Berdin ng halagang P5,000 at P10,000 mula kay Tiyang Amy.

Sa huli, isinara ni Vice Ganda ang halaga at siya’y nag-pledge din ng halagang P65,000 para sa Cebuano contender.

Naluluha at abot-abot naman ang pasasalamat ni Edimar sa buong Showtime family sa hindi inaasahang blessing.

“Gusto naming mapasaya ka. Hindi man makita ngayon sa mukha yang kasiyahan na ‘yan pero alam naming na nararamdaman mo ‘yan at nararamdaman ng pamilya mo, at ‘yun ang nagpapasaya sa amin. Mahal ka namin!” ani Vice kay Edimar.

Tags: It's ShowtimeKiKim Chiuvhong navarrovice ganda
Previous Post

Resbak sa bashers? Toni G, naglabas ng studio cover ng ‘Roar’ matapos iproklama si BBM

Next Post

6 sangkot sa investment scam, inaresto ng NBI sa QC

Next Post
6 sangkot sa investment scam, inaresto ng NBI sa QC

6 sangkot sa investment scam, inaresto ng NBI sa QC

Broom Broom Balita

  • Janno Gibbs, binarag ang bashers matapos mag-react sa IG post ni Dennis Padilla
  • Pagtaas ng Covid-19 cases sa Metro Manila, ‘di nakababahala –OCTA Research
  • P1.5B pondo ng Malabon gov’t, iiwan ni Oreta sa susunod na admin
  • 2 DQ cases kontra BBM, ibinasura ng Korte Suprema
  • 9 drug suspect, nasakote kasunod ng isang araw na operasyon sa tatlong lalawigan sa Central Luzon
Janno Gibbs, binarag ang bashers matapos mag-react sa IG post ni Dennis Padilla

Janno Gibbs, binarag ang bashers matapos mag-react sa IG post ni Dennis Padilla

June 29, 2022
Pagtaas ng Covid-19 cases sa Metro Manila, ‘di nakababahala –OCTA Research

Pagtaas ng Covid-19 cases sa Metro Manila, ‘di nakababahala –OCTA Research

June 29, 2022
P1.5B pondo ng Malabon gov’t, iiwan ni Oreta sa susunod na admin

P1.5B pondo ng Malabon gov’t, iiwan ni Oreta sa susunod na admin

June 29, 2022
Paggamit sa ‘gender-fair’ language, nakatakdang gawing panuntunan ng Korte Suprema

2 DQ cases kontra BBM, ibinasura ng Korte Suprema

June 28, 2022
Lalaking nakuhanan ng P55-M halaga ng shabu sa Caloocan, timbog!

9 drug suspect, nasakote kasunod ng isang araw na operasyon sa tatlong lalawigan sa Central Luzon

June 28, 2022
3 batang nag-o-online class, patay matapos bumangga sa tindahan ang isang ten-wheeler truck

2 patay matapos paulanan ng bala ang isang inuman sa Cagayan

June 28, 2022
Dave Lamar sa first wedding anniversary nila ni Morissette Amon: ‘Just completely rely on God’

Dave Lamar sa first wedding anniversary nila ni Morissette Amon: ‘Just completely rely on God’

June 28, 2022
Duque, magbabalik sa pagtuturo sa kanyang pagbaba bilang hepe ng DOH

Magtuturo na lang: Duque, wala nang planong magserbisyo pa sa gobyerno

June 28, 2022
Apurahin ang proseso ng insurance claims para sa mga biktima ng bagyo – Mayor Isko

Mayor Isko: De kalidad na serbisyong pangkalusugan sa Bagong OsMa, libre lang

June 28, 2022
Panibagong talak ni Manay Lolit kay Bea: ‘Hindi na mukhang fresh at yummy’

Panibagong talak ni Manay Lolit kay Bea: ‘Hindi na mukhang fresh at yummy’

June 28, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.