• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Sarah Geronimo, hindi natuloy bilang hurado ng ‘Idol Ph’; Vice Ganda, umayaw na rin

Richard de Leon by Richard de Leon
June 4, 2022
in Showbiz atbp.
0
Sarah Geronimo, hindi natuloy bilang hurado ng ‘Idol Ph’; Vice Ganda, umayaw na rin

Vice Ganda, Moira Dela Torre, Gary Valenciano, Regine Velasquez-Alcasid, Chito Miranda, at Sarah Geronimo (Larawan mula sa Manila Bulletin/Twitter)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Maraming nagtataka kung bakit nawala na sa season 2 ng nagbabalik na ‘Idol Philippines’ (Philippine version ng ‘American Idol) si Unkabogable Star Vice Ganda.

Batay sa inilabas na teaser, ang bubuo na sa panel of judges ay ang dalawa sa mga original judges na sina Regine Velasquez-Alcasid at Moira Dela Torre, kasama sina Gary Valenciano at Chito Miranda ng bandang Parokya ni Edgar.

Si James Reid ay nasa ibang bansa na para pursigihin ang kaniyang international singing career, at kamakailan lamang ay naispatan silang magkasama ng Kapamilya actress na si Liza Soberano, na nasa pangangalaga na raw ng talent management agency ni James.

Si Robi Domingo naman ang magiging host nito. Matatandaang ang maingay na papalit kay Billy Crawford ay si Anne Curtis, na magbabalik na sa ‘It’s Showtime’.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/22/robi-domingo-ipinakilala-bilang-bagong-host-ng-idol-philippines-season-2/

Hindi rin tuloy ang napabalitang uupo bilang hurado sina Rico Blanco at Daniel Padilla.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/13/anne-curtis-bagong-host-daw-ng-idol-ph-season-2-daniel-padilla-at-rico-blanco-pasok-sa-banga/

Anyare kay Meme?

Ayon kay Ogie Diaz sa May 23 episode ng kaniyang entertainment vlog na ‘Ogie Diaz Showbiz Update’, originally ay kasama talaga si Vice Ganda sa line-up, lalo na nang mabalitaan nitong makakasama na nila si Popstar Royalty Sarah Geronimo.

Gustong-gusto raw kasi makatrabaho ni Meme Vice si Sars na ngayon ay naka-indefinite leave at hindi pa malaman kung kailan ba magbabalik-showbiz, matapos ang pagpapakasal nila ng mister na si Matteo Guidicelli.

Pero nang hindi na matutuloy ang Popstar Royalty sa Idol Ph, tila nawalan ng gana si Vice kaya bumack out na lang din siya.

Nang tanungin daw kung sino ang mairerekomenda niyang posibleng pumalit sa kaniya, si Chito Miranda umano ang binanggit niya—para may isa raw sa mga judges na ‘abot ng masa’.

Inamin naman ni Chito na noong una ay nagdalawang-isip siyang tanggapin ito.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/21/chito-miranda-bakit-nagdalawang-isip-maging-hurado-ng-idol-philippines/

Nalungkot daw sina Regine at Moira nang malamang hindi na nila makakasama si Vice Ganda. Nangako naman daw si Meme kay Moira na kung sakaling may mam-bash dito ay ipagtatanggol niya ito.

Bukod sa ‘It’s Showtime’, wala pa raw ibang proyekto ang Unkabogable Star na kapalit ng Idol Ph.

Pinabulaanan din ni Ogie ang mga chikang lilipat na sa Kapuso Network si Vice, ayon sa kanilang pag-uusap.

Samantala, panoorin ang kabuuan ng vlog ni Ogie:

Tags: idol Philippines Season 2sarah geronimovice ganda
Previous Post

Huling COC, natanggap na ng NBOC

Next Post

Robert Bolick, may pakiusap sa pamilya; ex-jowang si Aby Maraño, sinabihang ‘wag feeling victim

Next Post
Robert Bolick, may pakiusap sa pamilya; ex-jowang si Aby Maraño, sinabihang ‘wag feeling victim

Robert Bolick, may pakiusap sa pamilya; ex-jowang si Aby Maraño, sinabihang 'wag feeling victim

Broom Broom Balita

  • Tricycle driver sa Pangasinan, timbog matapos mahulihan ng shabu sa isang checkpoint
  • Isang magsasaka, patay matapos pagtatagain ng kapwa magsasaka sa Quezon
  • 2 lider ng NPA, 1 pa, sumuko sa Misamis Oriental
  • ‘Di pa rin masugpo? ₱1.7B shabu, kumpiskado ng PNP, PDEA sa Cavite
  • Bagong farm-to-market road sa Apayao, nakikitang maghahatid ng pagsulong sa agri sektor
Matandang motorista, patay matapos sumalpok sa isang konkretong poste sa Cagayan

Tricycle driver sa Pangasinan, timbog matapos mahulihan ng shabu sa isang checkpoint

July 3, 2022
Isang magsasaka, patay matapos pagtatagain ng kapwa magsasaka sa Quezon

Isang magsasaka, patay matapos pagtatagain ng kapwa magsasaka sa Quezon

July 3, 2022
2 lider ng NPA, 1 pa, sumuko sa Misamis Oriental

2 lider ng NPA, 1 pa, sumuko sa Misamis Oriental

July 3, 2022
‘Di pa rin masugpo? ₱1.7B shabu, kumpiskado ng PNP, PDEA sa Cavite

‘Di pa rin masugpo? ₱1.7B shabu, kumpiskado ng PNP, PDEA sa Cavite

July 3, 2022
Bagong farm-to-market road sa Apayao, nakikitang maghahatid ng pagsulong sa agri sektor

Bagong farm-to-market road sa Apayao, nakikitang maghahatid ng pagsulong sa agri sektor

July 3, 2022
DOH, ‘di inirerekomenda ang antigen test para sa mga maghahain ng COCs sa Oktubre

Higit 1,300 bagong kaso ng Covid-19, naitala ngayong Linggo

July 3, 2022
CPP-NPA, mas epektibo raw ang mga hakbang sa pagtugon ng COVID-19 pandemic sa kanayunan?

Nakatagong mga armas ng NPA, nadiskubre sa Tarlac

July 3, 2022
Private hospitals, nakahanda sakaling muling sumirit ang kaso ng COVID-19 sa banta ng Omicron

Marcos, hinikayat na apurahin na ang pagpili ng bagong ‘responsableng’ hepe ng DOH

July 3, 2022
Amerikano, timbog sa buy-bust sa Pampanga

Amerikano, timbog sa buy-bust sa Pampanga

July 3, 2022
Comelec sa mga suhestyon upang ganapin ang halalan 2022: ‘No ideas are off the table for now’

Voter registration, muling magbubukas sa Lunes

July 3, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.