• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Metro

Libreng sakay sa MRT-3, extended hanggang Hunyo 30

Mary Ann Santiago by Mary Ann Santiago
May 25, 2022
in Metro
0
Libreng sakay sa MRT-3, extended hanggang Hunyo 30
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) nitong Miyerkules na palalawigin pa nila ng isa pang buwan ang ipinagkakaloob na libreng sakay ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) para sa kanilang mga parokyano.

Sa isang virtual press briefing, sinabi ni MRT-3 general manager Michael Capati na patuloy na mae-enjoy ng kanilang mga pasahero ang libreng sakay hanggang sa Hunyo 30, 2022, matapos na magpasya ang pamahalaan na palawigin pa ang naturang programa.

Maaari aniyang i-avail ng publiko ang libreng sakay anumang oras sa buong panahon ng operating hours, mula 4:40 ng madaling araw hanggang alas-10:10 ng gabi.

Matatandaang unang ipinasya nina Pangulong Rodrigo Duterte at DOTr Secretary Arthur Tugade na pagkalooban ng libreng sakay ang publiko noong Marso 28 hanggang Abril 30 bilang selebrasyon sa pagtatapos ng rehabilitasyon ng naturang rail line.

Pinalawig pa ang libreng sakay ng hanggang Mayo 30 bilang tulong na rin sa publiko, sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Naiulat na umaabot na sa halos 16 milyon ang naitala nilang total ridership mula nang ipatupad ang libreng sakay noong Marso 28 hanggang Mayo 24, o may average na weekly ridership na 315,334.

Naitala aniya ang pinakamataas na ridership ng MRT-3 na 351,592 nitong Mayo 20.

Sa pagtaya pa ni Capati, aabot sa ₱286 milyon ang kanilang estimated foregone revenues mula Marso 28 hanggang Mayo 24.

Ang gobyerno aniya ang nag-subsidize sa naturang halaga, mula sa ₱7.1 bilyong pondo ng MRT-3 para sa operasyon nito ngayong 2022.

Previous Post

Kuh Ledesma, biktima ng pekeng balita; “Inatake raw ako… but I’ m alive!”

Next Post

₱4.2M puslit na sigarilyo, naharang–3 timbog sa Zamboanga City

Next Post
₱4.2M puslit na sigarilyo, naharang–3 timbog sa Zamboanga City

₱4.2M puslit na sigarilyo, naharang--3 timbog sa Zamboanga City

Broom Broom Balita

  • P1.4-M halaga ng pinatuyong marijuana, narekober sa isang tumaob na sasakyan sa Benguet
  • Unang babaeng gobernador ng Quezon, nanumpa kay Associate Justice Lopez
  • Tricycle driver sa Pangasinan, timbog matapos mahulihan ng shabu sa isang checkpoint
  • Isang magsasaka, patay matapos pagtatagain ng kapwa magsasaka sa Quezon
  • 2 lider ng NPA, 1 pa, sumuko sa Misamis Oriental
P1.4-M halaga ng pinatuyong marijuana, narekober sa isang tumaob na sasakyan sa Benguet

P1.4-M halaga ng pinatuyong marijuana, narekober sa isang tumaob na sasakyan sa Benguet

July 3, 2022
Unang babaeng gobernador ng Quezon, nanumpa kay Associate Justice Lopez

Unang babaeng gobernador ng Quezon, nanumpa kay Associate Justice Lopez

July 3, 2022
Matandang motorista, patay matapos sumalpok sa isang konkretong poste sa Cagayan

Tricycle driver sa Pangasinan, timbog matapos mahulihan ng shabu sa isang checkpoint

July 3, 2022
Isang magsasaka, patay matapos pagtatagain ng kapwa magsasaka sa Quezon

Isang magsasaka, patay matapos pagtatagain ng kapwa magsasaka sa Quezon

July 3, 2022
2 lider ng NPA, 1 pa, sumuko sa Misamis Oriental

2 lider ng NPA, 1 pa, sumuko sa Misamis Oriental

July 3, 2022
‘Di pa rin masugpo? ₱1.7B shabu, kumpiskado ng PNP, PDEA sa Cavite

‘Di pa rin masugpo? ₱1.7B shabu, kumpiskado ng PNP, PDEA sa Cavite

July 3, 2022
Bagong farm-to-market road sa Apayao, nakikitang maghahatid ng pagsulong sa agri sektor

Bagong farm-to-market road sa Apayao, nakikitang maghahatid ng pagsulong sa agri sektor

July 3, 2022
DOH, ‘di inirerekomenda ang antigen test para sa mga maghahain ng COCs sa Oktubre

Higit 1,300 bagong kaso ng Covid-19, naitala ngayong Linggo

July 3, 2022
CPP-NPA, mas epektibo raw ang mga hakbang sa pagtugon ng COVID-19 pandemic sa kanayunan?

Nakatagong mga armas ng NPA, nadiskubre sa Tarlac

July 3, 2022
Private hospitals, nakahanda sakaling muling sumirit ang kaso ng COVID-19 sa banta ng Omicron

Marcos, hinikayat na apurahin na ang pagpili ng bagong ‘responsableng’ hepe ng DOH

July 3, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.