• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Metro

6 sangkot sa investment scam, inaresto ng NBI sa QC

Balita Online by Balita Online
May 25, 2022
in Metro
0
6 sangkot sa investment scam, inaresto ng NBI sa QC
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang anim na sangkot umano sa investment scam sa isang operasyon sa Quezon City nitong Miyerkules.

Hawak na ngayon ng NBI-Anti-Organized and Transnational Crime Division (AOTCD) sina Florentina Sapala, CEO/president; Alvin Soriano, VP sales for Luzon; Alexander Duran, VP sales for Mindanao; Christian Sales, VP marketing; Jane Vergacer, assistant finance manager; at Wilfredo Pogoso, pawang opisyal ng I7 Global Corporation (I7 Global).

Sinabi ni NBI-OIC Eric Distor, nauna na niyang iniutos na dakpin ang mga opisyal ng nasabing kumpanya dahil sa impormasyong umano’y pagbebenta at pag-aalok ng malaking kita sa kanilang investment scheme kahit walang kaukulang lisensya sa Securities and Exchange Commission (SEC).

Dahil dito, nagsagawa imbestigasyon ang NBI sa pamamagitan ng pagdalo sa business presentation ng kumpanya sa Ortigas Center sa Pasig City noong Mayo 14.

Taliwas sa pahayag ng kumpanya, natuklasan ng NBI na hindi nakarehistro sa Food and Drug Administration (FDA) ang mga health product na ginagamit ng mga itong panghikayat ng mamumuhunan.

Bukod sa investment packages na nagkakahalaga ng ₱8,777 bawat isa, nag-aalok din ang kumpanya ng tinatawag na “share subscription” investment opportunity na ₱1 milyon kung saan kikita umano ang investor ng isang porsyento ng kabuuang kita ng kumpanya kada anim na buwan.

Matapos makakuha ng ebidensya, agad na nakipag-ugnayan ang mga tauhan ng NBI kay Soriano at sinabing handa na ang ₱3 milyong halaga ng investment.

Inaresto ang anim na opisyal ng kumpanya nang tanggapin ng mga ito ang marked money sa 19 Cliff Drive, Blue Ridge A, Quezon City nitong Mayo 20.

Nahaharap ang mga ito sa kasong syndicated estafa, paglabag sa regulasyon ng FDA at SEC.

PNA

Previous Post

Showtime hosts, nag-ambagan ng P200K para maipatayo ang bahay ng isang TNT contender

Next Post

ARTA, nais na maghigpit sa regulasyon ng driving schools, kumpanyang sangkot sa fixing

Next Post
ARTA, nais na maghigpit sa regulasyon ng driving schools, kumpanyang sangkot sa fixing

ARTA, nais na maghigpit sa regulasyon ng driving schools, kumpanyang sangkot sa fixing

Broom Broom Balita

  • Baguilat kay Robredo: ‘I’ll do my best to continue our advocacies’
  • Pagpapasara ng SEC sa Rappler, kinondena ni Hontiveros
  • Grand Lotto 6/55 draw: Halos ₱300M jackpot, ‘di pa napapanalunan
  • Joy Belmonte, nanumpa na rin bilang QC mayor
  • Hindi press freedom suppression ang desisyon ng SEC kontra Rappler — Revilla
Baguilat, may panawagan sa bagong DENR chief: ‘I hope the first official act is to not spend on Dolomite maintenance’

Baguilat kay Robredo: ‘I’ll do my best to continue our advocacies’

June 30, 2022
Pagpapasara ng SEC sa Rappler, kinondena ni Hontiveros

Pagpapasara ng SEC sa Rappler, kinondena ni Hontiveros

June 30, 2022
Grand Lotto 6/55 draw: Halos ₱300M jackpot, ‘di pa napapanalunan

Grand Lotto 6/55 draw: Halos ₱300M jackpot, ‘di pa napapanalunan

June 30, 2022
Joy Belmonte, nanumpa na rin bilang QC mayor

Joy Belmonte, nanumpa na rin bilang QC mayor

June 30, 2022
Hindi press freedom suppression ang desisyon ng SEC kontra Rappler — Revilla

Hindi press freedom suppression ang desisyon ng SEC kontra Rappler — Revilla

June 30, 2022
₱2 dagdag-pasahe sa PUJ sa NCR, Region 3, 4 aprub na!

₱2 dagdag-pasahe sa PUJ sa NCR, Region 3, 4 aprub na!

June 29, 2022
Umano’y drug dealer, patay sa atake sa puso matapos arestuhin ng pulisya

Kampanya kontra krimen, nalambat ang 4 drug suspect, 54 wanted person sa Cordillera

June 29, 2022
OCTA, idineklarang ‘very low risk’ para sa COVID-19 ang Metro Manila

PNP, pinuri ang 4 na Metro Manila LGU na nagdeklara ng special non-working holiday sa Huwebes

June 29, 2022
Kaso ng African swine fever sa bansa, bumaba na! — DA

Kaso ng African swine fever sa bansa, bumaba na! — DA

June 29, 2022
Radio block time anchor, patay sa pamamaril sa Cagayan de Oro

Radio block time anchor, patay sa pamamaril sa Cagayan de Oro

June 29, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.