• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Xian Gaza, binanatan ang Toni Talks: ‘Chumi-cheap na yung mga content ni Toni Gonzaga. Wala ng class’

Nicole Therise Marcelo by Nicole Therise Marcelo
May 24, 2022
in Balita, Showbiz atbp.
0
Xian Gaza, binanatan ang Toni Talks: ‘Chumi-cheap na yung mga content ni Toni Gonzaga. Wala ng class’

Photos courtesy: Xian Gaza (Facebook) & Toni Gonzaga (Toni Talks/IG)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

‘Chumi-cheap’ na raw at ‘wala ng class’ ang mga content ni Toni Gonzaga sa kaniyang talkshow na ‘Toni Talks,’ ayon sa self-proclaimed Pambansang Marites na si Xian Gaza. 

Sa Mother’s Day special ng Toni Talks, inimbitahan ang mga YouTube vloggers na sina Zeinab Harake, Viy Cortez, at ang huli ay ang kontrobersyal na si Toni Fowler. 

Unang umere ang interview ni Zeinab noong Mayo 8, sinundan ni Viy noong Mayo 15, at nito lamang Linggo, Mayo 22, umere ang interview ni Toni Fowler.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/23/toni-fowler-pinapatawad-mga-ex-jowa-kaysa-makaaway-dati-kong-chinuchu-mga-yan-eh/

“Chumi-cheap na yung mga content ni Toni Gonzaga. Wala ng class. Yucks,” ani Xian nitong Martes, Mayo 24, dalawang araw matapos umere ang interview ni Toni Fowler.

“Nagsanib pwersa na yung mga walang mai-content. Ginawa na nilang content ang isa’t-isa,” sey pa niya.

Pinuri naman niya si Toni Gonzaga dahil nasasabayan umano nito ang agos ng social media.

“Pero infairness, magaling si Toni. Sinasabayan niya yung agos ng social media para bahain ng views yung channel niya. Bumagsak nga lang yung value ng “Toni Talks” branding niya. Yun lang.

“From high-class national talk show to low-class vlog channel. Kahit Kakampink ako eh mas gugustuhin ko pa yung mga BBM moments niya noon kahit maraming haters. Ibang level. To the highest level. Malakas ang dating. Solid talk show,” saad pa ng self-proclaimed Pambansang Marites.

Dagdag pa ni Xian, inuna umano ang social media mileage kaysa sa quality. “Ngayon eh nagmukhang hybrid ni Charo Santos at Korina Sanchez ampucha. Cheapipay pa ng mga gine-guest. Na-prioritize yung socmed mileage over brand quality.”

Tila disappointed si Xian sa kinalabasan umano ng Toni Talks.

“Sabi ko pa naman before elections “Ang galing ni Toni. Petmalu ng mga content. Sobrang bigatin ng mga iniinterview. Very relevant sa buong bansa. Siya na ang bagong Queen of Talk Show ng Pilipinas! Pawer!” Anyare…”

screenshot mula sa Facebook post ni Xian Gaza


Tatlong taon na rin ang nakalipas mula nang inanunsyo ni Toni Gonzaga na magkakaroon siya ng sariling YouTube channel matapos mahikayat din ng kaniyang kapatid na si Alex Gonzaga. 

Samantala, tila nagsuggest pa si Xian kung sino ang susunod na i-guest. “NEXT GUEST: Rob Moya.” 

Usap-usapan sa social media kamakailan sina Rob Moya, Toni Fowler, at Vince Flores.

Ibinahagi ni Toni Fowler na finally ay sinagot na rin niya ang kaniyang manliligaw na si Tito Vince.

Ibinahagi ni Vince sa kaniyang vlog noong Mayo 15 ang ginawa niyang proposal kay Toni, na naging kontrobersyal ang buhay-pag-ibig dahil sa kaniyang ex-boyfriend na si Rob Moya na nagtangkang muli siyang suyuin.

Samantala, si Rob naman ay nagpo-post ng mga cryptic post sa kaniyang Facebook account tungkol sa pagmo-move on.

“Need a break… Bakasyon muna tayo… See you, Bicol and Sorsogon!” ayon sa kaniyang latest FB post. 

Matatandaang naging viral ang video kung saan itinapon ni Toni sa mukha niya ang singsing na inialay ni Rob sa ex upang muling hingin ang pag-ibig nito.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/17/toni-fowler-at-vince-flores-opisyal-nang-mag-jowa-rob-moya-etsa-puwera-na/
Kaugnay na Balita: https://balita.net.ph/2022/05/23/toni-fowler-umaming-naging-pakawala-hinarap-ang-kinasangkutang-kontrobersiya-noong-2016/

Tags: Toni Gonzaga-SorianoToni TalksXian Gaza
Previous Post

Sinong binabakbakan ni Skusta Clee sa ‘Not my baby’ at ‘Mababang uri ng tao. Gets n’yo na ‘yon’ posts?

Next Post

Lunch Out Loud, mas nakakaaliw daw kaysa sa It’s Showtime na nakakasawa na ang gimmicks

Next Post
Lunch Out Loud, mas nakakaaliw daw kaysa sa It’s Showtime na nakakasawa na ang gimmicks

Lunch Out Loud, mas nakakaaliw daw kaysa sa It's Showtime na nakakasawa na ang gimmicks

Broom Broom Balita

  • Libreng sakay sa tren, EDSA bus carousel, pinalawig pa!
  • Isang Chinese national, nasakote dahil sa pagdukot, tangkang pangingikil sa kapwa kababayan sa Parañaque
  • Dating Pangulong Duterte, magbabawi ng tulog
  • Isang mayor sa Mexico, buwaya ang partner sa kasal
  • ‘Magparehistro na para sa barangay, SK elections’ — Namfrel
Libreng sakay sa tren, EDSA bus carousel, pinalawig pa!

Libreng sakay sa tren, EDSA bus carousel, pinalawig pa!

July 1, 2022
Umano’y drug dealer, patay sa atake sa puso matapos arestuhin ng pulisya

Isang Chinese national, nasakote dahil sa pagdukot, tangkang pangingikil sa kapwa kababayan sa Parañaque

July 1, 2022
Pangulong Duterte, nais pairalin pa rin ang pagsusuot ng face mask

Dating Pangulong Duterte, magbabawi ng tulog

July 1, 2022
Isang mayor sa Mexico, buwaya ang partner sa kasal

Isang mayor sa Mexico, buwaya ang partner sa kasal

July 1, 2022
‘Magparehistro na para sa barangay, SK elections’ — Namfrel

‘Magparehistro na para sa barangay, SK elections’ — Namfrel

July 1, 2022
Isang trak, inararo ang 6 na tricycle, motorsiklo sa Dagupan

Isang trak, inararo ang 6 na tricycle, motorsiklo sa Dagupan

July 1, 2022
Conservationist, emosyonal nang mamataan ang malusog na King Cobra sa isang gubat sa Palawan

Conservationist, emosyonal nang mamataan ang malusog na King Cobra sa isang gubat sa Palawan

July 1, 2022
Bokya pa rin: Terrafirma, taob sa TNT

Bokya pa rin: Terrafirma, taob sa TNT

July 1, 2022
Mensahe ni Agot Isidro para sa bansa: ‘Sana matuto ka sa mga pasyang pinili mo’

Mensahe ni Agot Isidro para sa bansa: ‘Sana matuto ka sa mga pasyang pinili mo’

July 1, 2022
Alden Richards, Sue Ramirez, magsasama sa isang proyekto sa Amerika

Alden Richards, Sue Ramirez, magsasama sa isang proyekto sa Amerika

July 1, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.