• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Preparasyon para sa Barangay at SK polls, sisimulan na ng Comelec sa Hunyo

Mary Ann Santiago by Mary Ann Santiago
May 24, 2022
in Balita, Eleksyon, National / Metro
0
Comelec, magrerenta ng karagdagang VCMs para sa 2022 elections

Comelec/MB

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Sisimulan na ng Commission on Elections (Comelec) sa Hunyo ang paghahanda para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections na nakatakdang idaos sa bansa sa Disyembre 2022.

Sa Laging Handa public briefing nitong Martes, sinabi ni Comelec Commissioner George Erwin Garcia na tuloy ang paghahanda nila para sa naturang halalan sa kabila ng mga panukalang ipagpaliban ito.

Ayon kay Garcia, ititigil lamang nila ang isinasagawang preparasyon sakaling magkaroon na ng batas na magpapaliban sa naturang halalan.

Wala namang nakikitang problema si Garcia sakaling matuloy ang pagpapaliban ng halalan.

Aniya, magiging beneficial pa nga ito sa pamahalaan dahil matitipid nila ang may P8.6 bilyong pondo, na inilaan para sa naturang eleksyon.

Sinabi naman ni Comelec acting Spokesperson Rex Laudiangco na may anim na buwan na lamang sila para paghandaan ang eleksyong idaraos ng Disyembre 5 kaya’t hindi na sila maaaring magpatumpik-tumpik pa sa preparasyon para dito.

Ang naturang halalang pambarangay ay magiging manu-mano o manual elections lamang.

Inaasahan namang boboto rin ang mga kabataang nagkakaedad ng 15 hanggang 17-taong gulang para sa SK polls.

Una nang sinabi ni Garcia na ipagpapatuloy na nila ang voter registration para sa barangay elections sa huling bahagi ng Hunyo o unang linggo ng Hulyo. 

Tags: Barangay Elections 2022comelecSK polls
Previous Post

Tubig sa dam, inaasahang tataas pa ngayong tag-ulan– NWRB

Next Post

Kabataan PL, sinupalpal ang panibagong ‘mental gymnastics’ ni Badoy

Next Post
Kabataan PL, sinupalpal ang panibagong ‘mental gymnastics’ ni Badoy

Kabataan PL, sinupalpal ang panibagong ‘mental gymnastics’ ni Badoy

Broom Broom Balita

  • Departamento ng Kasaysayan sa UP, may libreng webinar para sa mga guro ng Kasaysayan ng Pilipinas
  • Police assistance, mahigpit na ipatutupad sa Cordillera
  • Lovi Poe, may ‘short but sweet’ birthday message para sa dyowang scientist, filmmaker
  • Batang kinupkop, pinag-aral ng hepe ng pulisya sa Zamboanga Del Norte, inulan ng tulong
  • Datu Blah Sinsuat sa Maguindanao, niyanig ng 5.9-magnitude na lindol
Departamento ng Kasaysayan sa UP, may libreng webinar para sa mga guro ng Kasaysayan ng Pilipinas

Departamento ng Kasaysayan sa UP, may libreng webinar para sa mga guro ng Kasaysayan ng Pilipinas

August 13, 2022
Police assistance, mahigpit na ipatutupad sa Cordillera

Police assistance, mahigpit na ipatutupad sa Cordillera

August 13, 2022
Lovi Poe, may ‘short but sweet’ birthday message para sa dyowang scientist, filmmaker

Lovi Poe, may ‘short but sweet’ birthday message para sa dyowang scientist, filmmaker

August 13, 2022
Batang kinupkop, pinag-aral ng hepe ng pulisya sa Zamboanga Del Norte, inulan ng tulong

Batang kinupkop, pinag-aral ng hepe ng pulisya sa Zamboanga Del Norte, inulan ng tulong

August 13, 2022
Datu Blah Sinsuat sa Maguindanao, niyanig ng 5.9-magnitude na lindol

Datu Blah Sinsuat sa Maguindanao, niyanig ng 5.9-magnitude na lindol

August 13, 2022
Vice Ganda, umeksena muli sa isang digital billboard sa Seoul, South Korea

Vice Ganda, umeksena muli sa isang digital billboard sa Seoul, South Korea

August 13, 2022
Executive Secretary Rodriguez, ‘di nag-resign — Malacañang

Idinipensa ng Malacañang: Rodriguez, ‘di sangkot sa ‘illegal’ sugar importation

August 13, 2022
Maguindanao, niyanig ng magnitude 5.8 na lindol; aftershocks, inaasahan!

Maguindanao, niyanig ng magnitude 5.8 na lindol; aftershocks, inaasahan!

August 13, 2022
Herlene, aminadong maaaring ‘for the traffic’ ang naging sagot sa Q&A kung ‘di naisalin sa Tagalog

Herlene, aminadong maaaring ‘for the traffic’ ang naging sagot sa Q&A kung ‘di naisalin sa Tagalog

August 13, 2022
Anak, binigyan ng sertipiko ang ama; sumubaybay sa FPJ’s Ang Probinsyano mula day 1 hanggang wakas

Anak, binigyan ng sertipiko ang ama; sumubaybay sa FPJ’s Ang Probinsyano mula day 1 hanggang wakas

August 13, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.